Ego Pt. V.II

5K 111 34
                                    


AFTER THE long introduction, Engr. Stoen Silva finally became our new co-employee.

May nagsidatingan na mga taga-maintenance at nag-set up ng panibagong cubicle, 'yon nga lang, iyong sa kanya para yatang iba kaysa sa amin. Iyong swivel chair nya, upholstered velvet na lilac, gold iyong ensemble. 'Yong office desk nya, lilac marble, gold ang ensemble. Lahat sa gawi nya, puro kulay violet, akala ko nga nagso-scroll ako sa Pinterest, nakatitig lang pala ako sa desk nya. Kaka-stress! Talk about special treatment. Nakakaloka.

Ilang sandali pa, nagsibalikan na kami sa mga kinauupuan namin. Umalis na ang kambal kasunod ang dalawang taga-maintenance at tapos na iyong cubicle ni madam Stoen. Umupo sya doon na parang prinsesa. Naol.

"Austin, samahan mo 'ko sa site," tawag ni Jeho. I involuntarily glanced at his direction, nakatingin sa akin ang gago. Inirapan ko nga. Dahil sa malapit lang din naman ang kinatatayuan nya, narinig ko ang malakas nyang pagbuntong-hininga kaya kahit hindi ko sinasadya ay napasulyap ako ulit. Ayon, nakatingin pa rin ng mataman. Hala sya, parang ten minutes ago ni hindi nya ako tinatapunan ng tingin tapos ngayon may patingin-tingin na! Sa mga oras na ito gusto kong sabunutan ang sarili ko. Lumalambot na kasi ako eh sa pagkakaalam ko hindi ako pinapansin ng lalaking 'yan kanina kaya inis ako sa kanya. I closed my eyes and tried to clear my mind. Hindi pwedeng ganito, dapat matigas ako.

"Rain."

Ayon, kahit anong pilit ko wala akong magawa kapag ganong boses na ang tumatawag sa'kin eh!

"Oh?" I tried to look stoic.

Huminga ito ulit ng malalim bago dumukwang sa cubicle ko. Napahawak ako sa magkabilang armrest ng swivel chair ko kasi sa sobrang tangkad nya, halos ilang dipa lang ang layo nya sakin habang nakatungo sya.

"Babalik ako agad, may kailangan lang akong puntahan saglit, nagkaaberya daw sa site..." paalam nya pa. Wow, kinausap na ako. Magpapasalamat na ba ako nyan?

Iyong feeling na gusto kong hindi sya pansinin pabalik tapos heto sya't nagpapaalam pa, parang napaurong ang dila ko kasi hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi na ako sumagot. Nagkibit-balikat lang ako. Gusto ko sanang sabihing, o, himala at kinakausap mo na ako. Kanina para lang akong hangin ah, pero hindi ko na ginawa. Wala ako sa energy makipagsagutan lalo na't naubos ang enerhiya ko kakaisip kung bakit hindi nya ako pinapansin sa buong umaga.

"Hintayin mo 'ko. Sabay tayo mag-lunch."

Tumango lang ako at sinalubong iyong tingin nya. Malamlam ang mga mata ng gago tapos sya ang unang nagbawi ng tingin. Hindi ko alam kung anong trip nya talaga. Nakakalito iyong pinaggagawa nya.

"Boaz, can I come with you?" Turan ni madam Stoen na nasa likuran ni Jeho.

Iyong presyon ko feeling ko biglang tumaas ng sobrang taas eh!

"Ha?" Agad na napatayo si Jeho at nilingon ang babaeng nakaabang sa kanya sa likuran. "Sa site?" Aniya. Ako, gigil na gigil na eh.

Napatango-tango si madam sa paraang mako-cute-an ka sana kaso ako hindi eh, bwisit pwede pa.

Kanina pa kasi ito eh, iyong mga hirit ng kambal? 'Yong mga pasulyap-sulyap nya kay Jeho? 'Yong mga kemeng ngiti nya? Iyong pagsunod parati ng tingin nya sa kung nasaan man si Jeho? Akala nya ba hindi ko napapansin? Halatang may gusto sya eh! Eh itong nobyo ko naman, hindi ko alam kung naive lang ba talaga o masyadong oblivious o baka naman nagpapatay-malisya lang talaga pero parang nagi-enjoy pa sa atensyong ibinibigay ng babaitang madam na ito sa kanya!

"Ikaw bahala," ani Jeho.

Pumayag pa talaga sya!


"HOY, 'WAG kang mag-alala, binisita lang nila ang site," ani Jessica kaya napapitlag ako. "Kanina ka pa nakatanga dyan. Don't worry, loyal si sir sa'yo," may bakas ng panunudyo pa sa boses ng gaga. Hindi ko na sya pinansin, kahit na ang totoo mas lalo tuloy akong napapaisip dahil sa sinabi nya. Ah! Naloloka na ako sa kakaisip.

Midnight MemoriesWhere stories live. Discover now