Out of My League Outro: Scenery

18.4K 256 192
                                    


Out of My League: The End
(Pahirapang SPG)

A/N: Ladies and gentlewomen, the ending 😭 (bye na Juan Uno bebe ko)

PS. 'Wag umasa sa spg hahahaha tbh, kailangan ko pang magbasa ng mga bs para ma-refresh ang utak ko. Naglie low na kasi ako sa pagiging green nitong nakaraan, naimpluwensyahan ako ni Uno sa mga good boy days nya hahahahaha

PPS. Attached herewith is the instrumental version of the song Scenery. Paki-play nalang sa wedding scene. Ang Singularity instrumental version, hindi ko mailagay ang link pero ni-screenshot ko ang title. Paki-play sa bs if you dare. Just make sure to use headphones charot hahahaja

 Just make sure to use headphones charot hahahaja

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Balesin Royal Villa, Balesin Island, Polillo

〰️

"LOVE never announces its arrival. Be prepared for it," Teej said while patting my shoulder.

Umismid si Fabian sa sinabi ng kaibigan namin. "May quote kapang nalalaman eh sa ad ng CIMB bank yan galing eh," aniya na tumutulis ang nguso. Napailing na lang ako habang nangingiti. Si Fabian, as well as the rest of the Wolves except Teej, were all pouting, their shoulders all slacked.

"To be fair, it's timely," Teej rebutted. "Tsaka 'wag ako ang pagbuntunan mo ng inis. Kasalanan ko bang ako ang napiling best man? Eh kung sana marunong kayong maglaro ng jack stone, sana kayo ang nasa posisyon ko ngayon!"

The rest of the pack pouted some more.

"Sabi ko na kasi dapat Beyblade nalang nilaro natin. Panalo sana ako," mutawi ni Gage.

Nagtatampo kasi silang lahat sa akin, pwera na kay Teej. I chose Teej as my best man because he won the game we played. Jack stone 'yung laro. Gusto kasi nila na sila lahat 'yung maging best man ko at alam nilang kung pwede ko lang gawin 'yun ay ginawa ko na.

Kaso, ang sabi pa ng ex-girlfriend kong si Maine, kung gagawin ko raw 'yun, kawawa naman ang maid of honor, mahihirapang pumili sa kanila, not to mention how it's very weird to have six best men, kaya naman I tried to compromise by letting them all play jack stone and the winner's prize is to be my best man. Nanalo si Teej, securing his role in my wedding as my best man, and the rest as groom's men. Akala ko talaga okay na sa kanila, tapos ngayon ay umandar na naman iyong pagiging munggo nila.

"Ako kasi dapat 'yung best man. Ano bang naitulong nyang hampaslupang 'yan--" itinuro pa ni Jeho si Teej na naka-de kwatro lang na nakaupo at pangisi-ngisi lang na nakatingin sa amin, "-- sa relasyon nyo? Samantalang ako, ako tagahanap, tagasalo, taga-drive at lahat-lahat na! Nyeta! Tsaka ako ang captain! Ako dapat ang best man! Kung hindi dahil sakin baka wala kayo dito ngayon!"

"Hala sya," Alec reacted. "'Wag ka nga, can drive, can't math ka naman. Ako magaling sa math."

"What do you call an intense love of math?" Segue ni Hugh. Walang pumansin sa kanya.

Midnight MemoriesWhere stories live. Discover now