Ego Pt. VI

5.4K 115 131
                                    


FIVE MONTHS passed by with a blur. Sa limang buwang 'yon, napakaraming nangyari. Things seemed to be going downhill for all the Wolves.

May dalawang biglaang na-engage-- si Fabian at si Gage. Okay lang kay Fabian kasi hindi pa talaga nakatali, pero si Gage, wala eh. Nabuntis nya iyong ex nya, at ngayon nga ay ikakasal na sila. Hindi naman ako nagtanong kay Jeho kung paanong biglang hindi na pala si Kiki ang makakatuluyan nito eh parang kailan lang ang saya-saya pa nila ni Kiki na dalawa, hindi ko nga minsan nakitaan ng problema ang tahimik na magkasintahang 'yon.

Actually, si Fabian, medyo tagilid din sa bagay-bagay eh. Ang dalawang kapatid kasi ng fiancée nya, mortal enemy kung ituring ng Wolves noon kolehiyo sila. Akala ko nga laro-laro lang iyong sa Wolves tsaka Black Panthers noon, totohanan pala.

Si Hugh naman, dama namin lahat ang frustration. Na-in love kasi sa tomboy. Ang wolf na may pink na phone case, na-in love sa lasallista na boy cut ang buhok. Sikat pa sa circle nila ang dalaga at ma-appeal kaya napakaraming kahati. Iyon nga lang, babae ang kahati nya kaya bakas na bakas sa kanya ang hirap ng sitwasyong kinalalagyan sa bawat araw na lumilipas. Sa totoo lang, hindi ko rin masisisi ang mga babae. The moment I saw the woman, or man, or whatever it is that she wants to identify herself with, I finally understood where the frustration comes from. She is really very attractive; no wonder women confess every day. Nakakatawa ngang isipin kasi, si Hugh habulin ng mga kabaro nya tapos doon sya nahulog sa taong habulin din ng mga kabaro nito. Sabi nga ni Agatha once, chaos talaga kung ma-in love ang bakla sa tomboy.

Si Alec, ayaw tanggapin ng babaeng nililigawan nya ang inaalay na pag-ibig nya rito. The girl actually straight up rejected Alec. She doesn't want to have anything to do with him, or his money.

Paano kasi, si Alec, damang-dama talaga ang pagiging mayaman nya. Mayayaman naman sila lahat, kahit na mga simple lang. Pero si Alec, iba eh. 'Yung unang kita mo pa lang, kahit naka-kargo shorts lang at simpleng t-shirt, masasabi mo na agad na, ay, rich kid.

But he really is a rich kid. The last time I searched him up, their family's fortune came from e-commerce, manufacturing, and energy. Energy. Enerhiya, mga bes. Kaya nga ng sinabi ni Jeho na kung mayaman sila, the Riveras' wealth is so much more, like theirs tenfold. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip pero I just chose to ignore that piece of information.

Kaya nga siguro ito binasted, paano kasi, baka na-intimidate iyong babae sa kay Alec. Paano ba naman, pabago-bago parati ng cellphone, eh same model lang naman, iba't-ibang edition nga lang. Panay kasi nitong nahuhulog sa tuwina and I've witnessed so many times how Alec's phones broke like fragile mirrors. Hula ko nga may stock na sya ng Samsung Galaxy Z Flip. Nung isang araw nga, ayon, may bagong Z Flip na naman, 'yong Thom Browne, at suot nya pa ang Galaxy Watch Active 2 pati na rin ang Galaxy Buds+ nya. Hindi na ako magugulat kung bukas makalawa mawala na naman nya 'yong earbuds nya. Balita ko nga, ewan ko lang kung totoo pero medyo naniniwala ako talaga, bago nag-samsung si Alec ay iPhone user ito, tapos ang chika ni Agatha eh 33 pairs of airpods na ang nawala ni Alec. As in literal na nawala. Mabilis kong ini-calculate sa utak ko ang presyo niyon at kulang na lang ay sumabog ang utak ko sa perang nasayang ni Alec sa kakabili ng airpods na ginagawa nya lang pang-catch catch kapag bored sya sa get-together ng wolves. Grabe talaga. Pwede nang pambili ng 300 square meters na lupa ang pinaglalaruan nya.

Kaya ayun nga, inayawan ni ate girl si Alec. Hula ko feeling nito na masyadong flashy si Alec, ang hindi lang nito alam, masyado lang talagang clumsy si Alec kaya kung hindi nito nawawala ang mga gamit nitong pang-downpayment na sa sasakyan ang halaga, ay nasisira nito ang mga 'yon. It's just how he is. Kung ako man ang nasa sitwasyon ng babae, masi-stress din ako, ano. Ikaw ba naman, masiraan ng Galaxy Flip, tingnan ko lang kung hindi ka ma-stress.

Midnight MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon