Elevator Bu2ns

15.2K 150 104
                                    


A/N: Unedited po ito so expect typos  and lots of grammatical errors :) enjoy reading!


ELEVATOR BUTTONS

Second part



"AERO," SABI ng isang lalaking napakalalim ng boses. Nasa likuran ko.

Lupa, lamunin mo na ako, I plead helplessly when I heard that voice. Lupa, please. My cheeks felt so hot that I was so sure I was red all over. I was embarrassed beyond belief that I stand rooted into place.

I can't even look back.

"Aero Zachary de Cordova Labreque."

"Ah, 'yon po raw ang pangalan ni sir, ma'am," nakangiting saad ni Mang Donny na parang hindi nya ako pinahiya isang minuto lang ang nakakalipas. "Number po gusto nyo po? Para isahan na lang."

I smiled but it was more like a wince. "May pagka-shet ka, kuya," I muttered to myself habang naninigas sa kinakatayuan ko. Nakangiti pa rin si Mang Donny. I felt like a complete and utter fool, but I couldn't help but take a quick peek at the man who called himself Aero Labreque and when I did, I involuntarily gasped at the man whom I've been crushing on in all his splendor before turning my back on him again.

Gusto kong kotongan ang sarili ko, maglalandi na nga lang, epic fail pa.

"+63977--" Nanlaki ang mga mata ko dahil nagpauto nga ang lalaki. "--85113--"

I ran. Hindi ko na tinapos pa ang pagsasalita ng lalaki. +6397785113 daw, pinatapos mo na lang sana ang two digits, punyeta naman! Chance mo na 'yon!

Tsaka, iyong number nya, naka-plus six three nine pa talaga eh pwede namang naka-zero nine nalang agad. Mamahalin talaga, kahit pa-number lang, pa-unique pa.

Pero syet!

I wanted to slap myself! Ang bobo-bobo-bobo ko! In my head, I was cursing Mang Donny. Isa pa 'yon, sana may pa-heads up man lang sya, hindi 'yong ganun-ganunin nya ako! 'Yong totoo, hindi 'yon ang first time nyang mang-set up ng babae, ano?

Putcha ka, Mang Donny!

Naglakad ako habang pinagtatampal ang noo ko. Obob nga!

Pero in fairness, he gave his number willingly, dzai... Baka crush ka rin nun.

I tch-ed. Impossible. Maganda ako at sexy kaya pwede na nga akong gawing crush ng bayan, chos, pero iyong lalaking 'yon, abot langit ang kagwapuhan. Iyong tipong kung hindi ka nakarampa sa entablado ng Miss Universe ay hindi ka tatapunan ng tingin ng lalaking 'yon.

"Aero... Aero... Labreque... Hala, Aero Labreque?" I scanned my head, thinking how that name does not only sound hot, it seemed so familiar.

Kinabukasan, hindi pa rin ako naka-get over sa nangyari sa akin. I actually searched the guy in Facebook and damn, I realized that no wonder his name seemed familiar, he's the owner of AeroLab Research Services, iyong Data Analytics startup sa 20th floor. Iyong kumpanyang hindi ko alam ang pinaggagawa kasi research-research yata eh tapos big data daw na hindi ko alam ang ibig sabihin, pero ang alam ko lang malaking kumpanya sila.

Mas lalo tuloy nabubuang ang utak ko. Kasi sa pagkakaalam ko taga-24th floor sya, tapos ang alam ko rin taga-JPMorgan sya... tapos ngayon ay taga-AeroLab pala. May-ari pa talaga.

Ewan ko ba kung anong paniniwalaan ko. Pati kasi lanyard nya JPMorgan, kaya hindi ko na alam.

Papasok ako sa office na naka-open ang instagram at inii-stalk sya. His account name is aerozdc and he has around 21 thousand followers. Sana all, instagram famous.

Midnight MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon