Out of My League Pt. VI

13.8K 219 219
                                    

A/N: Visualization ng bahay ng pamilya ni Jeho. Pwede kayong magtagu-taguan ng feelings dito, chour

 Pwede kayong magtagu-taguan ng feelings dito, chour

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

〰️

"KANINA ka pa nakatitig," puna ni Alec na ikinatawa ko lang kasi totoo naman. But besides that, I also laughed to cover the uneasiness I had within me.

It has been way more than an hour since that happened. The pack decided to gather in the living room to play. I decided to join them, only so I could get a closer look at Maine.

Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko namang 'yung nasabi ko kanina ang laman ng isipan nya. Maine is quite easy to read, and she's really an overthinker that's why most of the time she's either very much worried or very much sad. I also know that what I said triggered that.

Nasa lounge kami, nasa kabilang gilid namin ang sofa kung saan nakaupo ang lima pa naming barkada habang kami ni Alec ay nakaharap sa labas kung nasaan si Maine nakaupo ng patalikod sa amin, nakaharap sa pool at mukhang ang lalim ng iniisip.

"Yeah, I'm straight up ogling my girlfriend. May problema ba?" I laughed again because I just claimed Main as mine kahit na hindi pa. Napailing naman si Alec habang tinatapik ang balikat ko.

"You're so hopeless. I never thought na dadating yung araw na makikita ko ang isang Juan Uno na magiging ganito, but, oh well, this love look looks good on you." I shrugged, having nothing else to say. "I stan."

Doon ako natawa ulit. Kung anu-ano nang pinagsasabi nitong kaibigan ko. "You're such a zoomer."

I saw him smiling faintly while looking at me so intently.

"What?" Tanong ko nang hindi nya ako tinantanan ng tingin.

Napailing ito at mas lumapad ang ngiti. "Nothing, I'm just... I'm happy for you, bro." That line was actually cringey, but I don't know why because I found myself smiling happily.

"Should you know, I am very happy too. Wish me luck?" Tanong ko sa kanya na ikinatigil ng huli. He looked taken aback but what I said, not the happy part but the luck part.

"No, bro. Hindi ako hihiling, ipagdadasal talaga kita." Bumuntong-hininga si Alec at tiningnan ang gawi ni Maine bago ito napasulyap sa akin. "Hindi lang naman ako ang nakakapansin nito kundi kaming lahat. I can see the longing in your eyes whenever you see our families. You only confirmed our suspicion kanina," aniya, it looked like he was referring to me and Maine and the photographs. Nakalimutan kong nakikinig pala sila. I thought they'd let it pass. "Matagal na naming alam 'yun kahit hindi ka nagkukwento. You are so transparent that it almost felt like we were all watching that void in your heart getting bigger and bigger these past few years of our friendship."

I blinked a couple of times because of this revelation I was not aware of.

"Alam naming nasasaktan ka kapag masaya kami, and you were right when you think how sometimes it's just so unfair." Napaangat ito ng tingin. Alec looked apologetic. "Sa aming lahat, ikaw ang pinakadeserving na maging masaya sa buhay, Juan Uno, kasi napakapuro ng pagkatao mo pero bakit ikaw pa 'yung pinagkaitan? Minsan, hindi na kami nag-uusap tungkol sa pamilya namin kapag nandyan ka. As much as possible ayaw naming malungkot ka na naman. Families make you sad and we never wanted you sad because it makes us all feel like ang sama namin kasi masaya kami habang ikaw malungkot--"

Midnight MemoriesWhere stories live. Discover now