Out Of My League

64.2K 267 28
                                    


Out Of My League
The First Wolf: Juan Uno

〰️

Juan Uno Samonte de Tavera
+
Charmaine Severino

〰️

"ATE, kailan na ako aalis dito?" Tanong ng pinsan kong si Antonia. "I need to go to my friend's house tonight. May party." Napakunot ang noo ko sa turan nya.

"Kung wala ka lang dito sa hospital ngayon baka naitulak na kita sa hagdan, ikaw na bata ka."

"Ate naman... Kailan nga? I miss partying with my friends, having fun, making out..." Nanigas ako sa narinig. Kahit na alam kong medyo matigas ang ulo ng pinsan kong ito ay hindi ko pa rin magawang tanggapin iyon. Nakakatakot lang na sa murang edad nito ay iyon na ang iniisip nito. Parati ko itong sinisita pero hindi naman ito nagpapatinag. Minsan, kung nasa mood itong magsinungaling ay sasabihin nitong joke lang daw iyong mga sinasabi nya. Kahit na. Sabi nga nila, jokes are half-meant. Malay ko ba kung totohanin nito iyong mga biro nitong ganoon, and knowing the kind of crowd she usually involve herself with, hindi malayong mangyari nga iyon. "I need to."

"Anong I need to? Tangina! Kanino? 'Wag kang magsalita ng ganyan, Antonia! Ang bata mo pa kumakarengkeng ka na. Ako ang sumasakit ang ulo sa pinaggagawa mo. Kapag malaman kong tototohanin mo 'yan, baka hindi ka pa nabubuntis paaanakin na kita." Kung noon nya sinasabi ito sa akin ay marahil na-heart attack na ako. Ngayon, I'm just so used to it that all I could do is just roll my eyes and shake my head in disappointment, kahit na nandoon iyong takot ko na baka isang araw totohanin ng batang ito ang mga pinagsasabi nya kasi yolo pa naman ang motto ng dalagang ito.

"Making out doesn't equate to having sex, 'no! My gosh!"

My lips thinned. Gusto ko na syang pagsalitaan ng hindi maganda pero pinigilan ko ang sarili ko. Chill ka lang, Cha. Please, kalma lang. Bata 'yang papatulan mo.

I sighed at hindi nalang sumagot, kahit na pigil na pigil ko na ang sarili kong pangaralan ang pinsan kong bwisit pa sa lahat ng bwisit.

Nang mapatingin ako sa gawi nya ay nakita kong inirapan ako ng labing syam na taong gulang kong pinsan tapos ay hindi na nya ako pinansin. Patuloy na lang sya sa panonood sa laptop nya at tutok na tutok doon sa mga naglalaro, specifically, doon sa maputi at matangkad na lalaking naka-cap at nakaputing baseball jersey. Tapos ay nag-iingay na parang kinakatay si Antonia kahit na hula ko ay hindi nya naiintindihan alinman sa mga nagaganap.

Sinasabi ko na nga ba. Akala ko kung ano na ang pinagkakaabalahan nito at nakaisip na naman ito ng kabaliwan eh ito lang pala iyon.

Dahil wala naman akong ginagawa bukod sa mag-reddit ay nakinood na lang ako. Syempre sa likod nya lang kasi baka itulak nya ako kung tatabihan ko sya.

Baseball iyon, konti lang ang alam ko sa larong 'yon pero nakatutok pa rin ako. Curious kasi ako't bakit itong kikay na kikay kong pinsan ay nanonood niyon. Ni sa hinagap ay hindi ko makita si Antonia na manonood ng mga panglalaking laro, pero ngayon ay napagtanto ko na kung bakit.

Naka-swero na't lahat-lahat pero iyong energy ni Antonia nang magka- strike iyong sa kabilang panig at pino-focus na iyong mukha ng pitcher, hindi ko alam kung bakit, pero iyong mukha talaga ng pitcher ang ipinokus at hindi iyong sa batter na naka-strike, ay talo nya pa ang dumalo sa World Baseball Classic sa ingay nya.

Midnight MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon