Out of My League Pt. IV

14.1K 203 115
                                    


I GOT out of the comfort room longer than I had to. Gumawa na naman kasi ako ng milagro. Tangina nga eh, pagod na pagod na ako tapos kaya ko pang gawin iyong bagay na 'yon. Si Charmaine kasi eh, masyadong nakaka-- hay.

Agad akong dumiretso sa closet upang magpalit. I opted for some baggy cargo pants, plain white shirt, and pulled my hair up into a man-bun. Masyado nang mahaba ang buhok ko, I made a mental note to get a haircut by tomorrow.

Paglabas ko, agad akong napaurong. Tanginang una kong nakita iyong nakayukong si Charmaine na inaayos iyong higaan ko. Suot na naman nya iyong maikling shorts nyang itim. I groaned out loud as naughty things filled my thoughts again.

"Huy, okay ka na?" Hindi ko namalayang napalingon na pala si Charmaine sa gawi ko.

"Uh, yeah? I think so?" Sagot ko na lang.

Kung alam nya lang na ang layu-layo ko sa pagiging okay.

"Kumain ka na muna," aniya, at hindi ko alam kung bakit parang naging malamyos iyong tinig nya sa pandinig ko. "Sya nga pala, may nakita na naman akong video mo. Pakalat-kalat ka talaga sa recommended videos ko. Viral ka na naman. Taenang mukha 'yan, milyon-milyon ang nahahakot," aniya habang nilalagyan ng kubyertos iyong mesa. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ngingiwi, para kasing puri na may dalang insulto iyong sinabi nya. Napailing na lang ako at kumain.

Maine continued talking about that viral video while I was mesmerized by her voice. Para kasing ang lambing num pakinggan at ginaganahan na naman ako. Tangina. I must be going crazy because I'm already hearing things. That's not good. Not good, Juan Uno, not good.

Mabuti naman at naitaguyod namin ang hapunan ng matiwasay. Muntik na kami ulit magtalo kasi ayaw nyang ako ang maghugas ng plato. Sa isipan ko naman, ayoko nang abusuhin na masyado si Charmaine. Naglinis ito buong araw, alam ko ring naglaba ito kasi wala nang laman ang laundry basket nang maglagay ako ng maruming damit kanina, napansin ko rin na ibang mga bulaklak naman ang nasa loob ng bahay at nagbago ang pwesto ng iilang mga gamit sa bahay tsaka bago lahat ng bed sheets pati na rin mga pillowcases sa couch. Sage at peach naman ang kulay ng buong bahay. Hindi ko nga alam kung mapapatawa nalang ako o mapapailing. Iyong allowance na ibinibigay ko sa kanya, imbes na gamitin nya para sa sarili nya, ginagamit nya para sa bahay. Bahay namin. Maghunusdili ka, Juan Uno!

Napaismid nalang ako habang ipinapahinga ang magkabilang paa sa ibabaw ng coffee table. Kung anu-ano na ang naiisip ko, nababahala na nga ako.

I rested my head lazily against the headrest. I was now feeling so tired again pero ayaw ko pang magpahinga. Ang aga pa, it's barely over seven pm, tsaka gusto ko pang makipag-usap kay Maine. Ever since she decided to finally live together with me, walang gabing hindi kami nag-uusap sa mga bagay-bagay. I always asked how her day went by at ganoon din sya sa akin. Parang naging habit na namin ang magkumustahan. I always look forward to that time of the day kasi iyon ang hindi namin magawa-gawa habang nasa school kami.

People are still oblivious, pero alam kong my iilan nang nakakapansin sa pagbabago ko, lalung-lalo na iyong mga kaibigan ko. Whenever Hugh would catch me looking at Charmaine at a distance, like during lunch or during class breaks, napapailing nalang ito at hindi na magsasalita pa. I know there's this growing speculation inside him, alam kong may hinala na sya. As to the extent of that suspicion, I do not know and I am not planning to know either. Kung magtatanong man sya ay sasagutin ko sya ng maayos, tutal ay wala naman kaming ginagawang masama ni Maine.

Yung utak ko lang, yun lang ang may parating masamang ginagawa kay Maine. Ang tanginang ito, proud pa talagang amining pinagnanasaan nya ang walang kamuwang-muwang na babae. Heck, if she only knew, kakaripas 'yun ng takbo paalis sa bahay ko.

Midnight MemoriesWhere stories live. Discover now