Quality

16.9K 115 115
                                    


A/N: two parts smut dedicated to my mapagmahal na boszx swaegmonster !!!! Sana magustuhan mo boszx! Pambawi!

P.S. pagpasensyahan nyo na ako dahil bangag ako nang magsulat ako nito. Kung anu-ano tuloy ang dialogue dito hahahaa peace out yow!

〰️

QUALITY
First Panther: Seven

"SABI ko naman kasi 'di ba? 'Wag ka nang umasa. May something talaga 'yung dalawang 'yun noon pa man, ayaw mo pa ring makinig."

Hindi pa rin tumahan ang prinsesa namin. Iyak pa rin ng iyak si Albie. Maga-alas syete na ng gabi pero iyak pa rin sya ng iyak. Mga dalawang oras na yata syang ganyan pero ayaw pa rin tumahan.

"I-I thought he liked me b-back..." aniya at suminghot pa ulit. Namumula na ang buong mukha nya. "Nakakahiya! Andaming nakarinig!" Napalayo ako ng konti ng hindi tumitingin dahil ang lakas ng boses nya, naririndi iyong tenga ko.

Hindi ko lang talaga alam hanggang ngayon kung ang iniiyakan ni Albie ay si JU, short for Juan Uno Samonte de Tavera na ang haba ng pangalan, mismo o 'yung katotohanang medyo napahiya sya kanina. Handa naman akong damayan sya pero... ang absurd kasi ng iniiyakan nya.

"It's okay, Albie, mas maganda ka naman, okay?" Pang-aalo ni Amara, iyong isa pa naming kaibigan na may pagka-konsintidor din talaga. Napailing na lang ako.

"I know I am! At 'yun ang mas nakakainis!" Albie kicked the pillow in front of her like the little brat that she is. "Why her?" Aniya at suminghot. "Out of all people, bakit sa isang tulad nya pa? Bakit sa isang tulad nya lang?" My lone brow involuntarily shot up. Kung hindi ko lang ito kaibigan ay kanina ko pa ito iniwan. Nakakasura iyong pagiging bratinella nito eh. Buti na lang at sanay na ako sa ganitong side nya. Minsan lang din naman syang ganito, kapag may mga pagkakataong tulad lang nito kaya napakadalang lang nun.

"Akala ko nga rin he likes you eh, kasi he never really bothered to distance himself from you before. Nakakagulat lang 'yung may gusto pala syang GE pero it wasn't you. So sad naman," pa-kikay pero prangkang saad ni Peaches. Napatingin ako sa kanya at buti na lang talaga hindi sya nakatingin sa akin dahil kung hindi ay baka pinandilatan ko na sya ng mata. For sure kasi mas hahaba ang usapan dahil doon sa sinabi nya. Pasalamat na lang rin talaga ako at wala si Cream, iyong kapatid nyang hindi engineering pero kasama sa clique namin. Kung hindi, double bars talaga ang matatamo ni Albie, eh mas prangka pa naman 'yun at insensitive talaga.

"IMHO, YSK he never really kinda hinted he likes Albie, AFAIAA. That's why IDCWU guys because you'll just make a fool out of yourselves. IK, it might seem 2M2H but HMO. ITYK but ICYMI, JU was already actually hinting that he likes Maine, IM 4COL, have you seen the way he looks at her? TIL what those gazes actually mean. JU's HOH."

Napatingin kaming lahat kay Green. Nag-lag ang utak ko. For sure nag-lag din 'yung sa kanila. Kahit na si Albie natigil saglit sa pag-iyak eh.

"Graceleigh Vivien," I called her name, sounding so hopeless, not only with Green's colloquial initialisms but with with the entire situation at hand. Sa totoo lang ay napaka-vibrant akong dalaga. Andami kong baong enerhiya kahit saan man ako magpunta, pero ngayon ay wala ako sa mood dahil sa sitwasyon nitong kaibigan ko ngayon. Iniiyakan nito ang isang lalaking ni hindi man lang ito ini-follow back sa twitter. Doon pa lang ay malalaman mo na talagang walang interes si JU sa kanya. Para saan ba ang iyak nito? "Please expound."

Midnight MemoriesWhere stories live. Discover now