Ego Pt. II

6.4K 76 37
                                    


"OH, ANONG ginagawa mo dito?"

Laking gulat ko nang makita ko si Jeho na nakaparada sa labas ng building ng tinutuluyan ko. Papunta na ako ng Terra Firma nang umagang 'yon at paglabas na paglabas ko pa lang ng building, ang pagmumukha nya ang syang unang bumungad sa akin.

Akala ko nga kung sinong artista kasi sa malayo, napakagwapo ng dating nya. He was wearing this men's version of a girls' squarepants and it might seem like a total eyesore of an outfit to some pero ang gwapo nya tingnan from waist up. Akala ko talafa kung sinong sikat ang napadpad sa condo namin at bakit ang aga-aga namang pagpalain ang mga mata ko ng gwapo. Ayun, isinampal na naman ulit sa akin ng tadhana ang katotohanang boss ko pala 'yung lalaking 'yun.

Nakasandal lang sya sa labas ng sasakyan nya, nakahalukipkip at naka-shades pa kaya ang angas tingnan, parang nanghuhubad ng panty ang datingan, at dahil nga sobrang gwapo at sobrang kisig ng lalaking ito, maraming napapatingin. For sure marami ding nakakakilala sa kanya. He was, on the other hand, basking in the glory of it all. Kahit na naka-squarepants pa ito. Enjoy na enjoy sya sa nakukuhang atensyon. Ang hangin talaga porke't alam nyang mas pa sya sa gwapo.

Kung pwede ko lang patayin sa sindak ang lahat ng tumitingin sa kanya ay nagawa ko na. Hindi ba sila nahiya? Alas sais na alas sais ng umaga, landi na agad ang inaatupag nila? Eh kung maghanap na lang kaya sila ng jeep para masakyan eh 'di sana naging mas produktibo ang araw nila.

Ito namang lalaking nasa harapan ko, masyadong pabibo. Pasalamat sya kahit ang hangin nya, gwapo pa rin sya.

"Napadaan lang," parang wala lang na sagot nya bago tumayo ng tuwid st pinagbuksan ako ng pinto. "Halika na."

Na-blangko ang utak ko sa sinabi nya. Saang banda sya napadaan? Parang pinaghandaan eh.

"'Yung totoo, naglolokohan lang ba tayo dito, Jeho?" Walang habas na turan ko. Ang lakas ng loob kong tawagin ito sa totoong pangalan nito, nasanay na kasi ako. Hindi naman nya ako pinupuna kaya keri lang.

Napangisi naman ang hunghang. "Ikaw ang nag-iisip ng ganyan, basta ako, wala akong niloloko dito."

"For real, ang absurd ng mga pinaggagawa mo." Absurd nga pero hinahayaan ko naman sya. Isa pa ako eh. Naiirita na talaga ako sa kanya. Mas niluwagan lang nya ang pagkakabukas sa shotgun seat ng sasakyan nyang nangingintab sa puti kaya naman sumakay na ako.

Mabilis itong umikot sa side nito at pumasok. Agad nyang pinaandar ang sasakyan at ilang sandali pa ay binabagtas na namin ang kahabaan ng highway. "And for real, ilang buwan ko na 'tong ginagawa. Dapat sanay ka na sa puntong ito," turan nito makaraan ang napakahabang sandaling katahimikan. "Dapat sanay ka nang napapadaan lang ako."

Umingos lang ako imbes na magpasalamat. Hindi naman ito naimik at pinagkasya na lang ang sarili sa pagda-drive.

Sa totoo lang, nakakairita ang pinaggagawa nya. Ilang buwan na syang ganito. Iyong sinusundo ako sa umaga tapos ay hinahatid ako sa gabi. Ang rason nya? Napadaan lang daw. Meron bang napadaan lang na nakaabang? Ampota nya ha.

Minsan lang nyang hindi magawa ito at iyon ay kapag may mga out-of-town trips sya, kung may events or seminars syang dinadaluhan o kung wala sya sa bansa. Panay syang ganito, pero ang sinasabi nya parati ay napapadaan lang talaga sya. Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga pinaggagawa nya. Nakakabwisit sya kasi bakit sya ganito.

"Ulan..."

"Ano na naman ba?!" Singhal ko. Natawa si Jeho ng malakas.

"Uy, chill lang po tayo, miss! Umagang-umaga iyong blood pressure mo tumataas na naman!"

"Ikaw kasi eh! Nabubwisit ako sa pagmumukha mo!"

Napapalatak ito. "Grabe, hindi ka pa naglilihi sa lagay na 'yan pero inis na inis ka na sa pagmumukha ko."

Midnight MemoriesWhere stories live. Discover now