Out of My League Pt. V

14.1K 198 124
                                    

HINDI ko alam kung paano ako napunta dito sa field, nakatayo at pawisan dahil sa sobrang init, tapos ay halos hindi ko na makita iyong pinapanood ko kasi parati akong natutulak dahil sa liit ko.

Nitong umaga ay wala akong planong pumunta ng uni. Ang balak ko lang ay ang magtambay sa bahay ng buong linggo, maglinis, makinig ng ASMR videos, asikasuhin ang thesis-- iyong mga ganoong bagay. Wala sa plano kong dumalo sa parade, let alone ang manood ng baseball game ni Juan Uno.

Kung hindi dahil sa pangungumbinsi ng walang iba kundi si Juan Uno ay baka hindi talaga ako manood. Wala ito sa plano ko pero hindi ko kayang mahindian ang isang Juan Uno lalo na't aniya'y kailangan niya ng suporta.

"I badly needed a supporter. Ikaw lang ang naisip ko. Sige na," napalabi pa ito. Ang sarap hilain ng nguso nito. Nakakainis. Ang pula ng mga 'yon.

Pinaningkitan ko sya. "Kailan ka pa nawalan ng taga-cheer, aber? Kahit nga nung nag-roleplay lang tayo sa Literature, halos tatlong section ang dumagsa sa room para lang makita ka! Grabe! Grabe talaga! Napilitan na tuloy akong umakting ng on point kasi pati kami pinapanood na rin! Hay naku ka!"

Natawa si Juan Uno na mukhang naalala ang nangyari noong second year pa lang kami. Homeroom presentation lang naman dapat 'yun, kaso nga lang, dahil iba ang hatak ng mukha nitong si Juan Uno ay nagulat nalang kami nang magdagsaan ang napakaraming estudyante. Kulang na lang ay mapalipat kami sa AVR ng wala sa oras kasi punong-puno iyong classroom. Buti na lang talaga at ang laki ng room namin at malamig dahil kung hindi, baka marami nang nahimatay sa sobrang siksikan.

"I remembered. Ang gwapo ko talaga," he said cockily and I almost gagged.

"Uy, anong ginamit mong sabon, enamel? Kapal ah!"

Tumawa lang ito. "Basta, sama ka na. Hahanapin ka ng pack, alangan naman sabihin kong nasa bahay, naglilinis, eh 'di iisipin nilang nagli-live in tayo?"

Hindi ako nakasagot dahil nag-hang ang utak ko sa sinabi nyang live in. Tae, kahit hindi naman ganoon ang sitwasyon ay parang ganoon pa rin, parang ganoon na nga.

Now I'm stuck here, in broad daylight, wishing I was at home, cooking bulalo.

Tsaka anong klaseng suporta pa ang maibibigay ko, eh halos hindi ko na sila makita dahil sa sobrang dami ng tao at ang tatangkad pa nila.

Pagkatapos ng parade ay diretso laro agad ang mga players. Kanya-kanyang venue naman ang mga laro. Iyong basketball ay sa gym, ang laro ng lahi nandoon sa school grounds, ang e-games, tulad ng Tekken at DOTA ay nandoon sa ICT lab at sa PC Servicing lab naman yung ML. Iyong rubiks, doon sa one-lane road ng techno-ecopark ginanap, malapit doon sa tambayan ko noon. Itong baseball ay dito sa open field. Sa kabilang bahagi, nandoon ang carnival kaya naman diretso bili ng snacks na iyong iilan habang nanonood ng baseball.

Napapalatak na lang ako. Hindi talaga ako makasingit dahil nagkumpulan talaga ang mga tao. Maraming may dalang mga pencil balloons na puti at maroon, yun ang kulay ng department namin na org na rin, at 'yung sa kabilang side naman may mga hawak na spiral balloons na kulay green, sa org yata ng mechanical engineering 'yun.

Actually ay pwede akong lumipat sa kabilang side, nasa isang bahagi lang kasi kami ng pagkalaki-laking oval kaya naman ay pwede akong manood sa bandang yun, kaso nga lang, mas mainit doon kasi wala talagang mga kahoy at nasa gitna ng oval kaya kung wala akong balak na maging charcoal ng wala sa oras ay dito na lang ako.

Dahil sa hindi ako makasingit ay pinili ko na lang na pumunta sa likod at nanghanap ako ng batong mauupuan. Na-realize ko na wala akong tsansa na makasiksik kaya naman ay makikinig nalang ako sa commentator, iyon ay kung may maintindihan pa ako eh halos makain na iyong volume ng speaker sa lakas ng sigaw ng mga tao-- mostly kababaihan talaga at mga ka-binabae-han. Nahagip ko 'yung iilang pagsigaw ng pangalan ng housemate ko kaya napailing na lang ako. Kung alam lang nilang araw-araw kong nakakasama 'yan, baka kuyugin ako dito sa inuupuan ko ngayon na ngayon din.

Midnight MemoriesWhere stories live. Discover now