Chapter 1: Arena

379 91 76
                                    

Chapter 1: Arena

Pinagmasdan ko ang mataas at matatayog na building sa loob ng university. Tila ang tuktok na lamang ng building ang nakikita ko sapagkat pinalilibutan na rin ito ng makakapal na puno. Napabuntong-hininga naman ako. 

"Nandito na nga talaga ako."

Tiningnan ko naman ang tarangkahan ng gate at binasa ang nakasulat.

"Apollo's University," I mumbled. "Not bad."

Inayos ko naman ng maigi ang kusot na skirt ko at inilagay na ang eyeglass sa mga mata ko.

"I'm ready!" I snorted and sighed a heavy air.

Sisimulan ko na sanang maglakad patungo sa loob ng gate nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Alexandra!" he shouted kaya napa taas naman ang isa kong kilay.

Then, I just realized who it was. Ang magulo niyang buhok, ang matangos niyang ilong at ang manipis niyang labi.

I smiled. "Xander.."

Nakita ko namang hinihingal siya sa pagtakbo papalapit sa akin kaya nilapitan ko na lamang din siya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko at ibinigay ang morning towel na nasa kamay ko. Ngunit hindi man lang niya ako sinagot at bigla na lang akong binigyan ng mahigpit na yakap. His scented perfume is still the same. Hinding-hindi ko talaga siya makakalimutan. Anong bang nangyari sa lalaking 'to?

"Mag-iingat ka!"

Hindi ko alam kung ako lang ba talaga o dahil sa sinabi niya. Bigla na lang kasing bumilis ang tibok ng puso ko.

"Please come back to us...safe." patuloy niya bago bumitiw sa yakap ko.

Tiningnan ko lamang siya na parang may sinusuri at hinihintay ang kasunod na sasabihin niya. In ordinary circumstances ang sasabihin talaga niyan ay "Huwag kang mag-iingat ah!" o 'di kaya "Huwag ka na lang kayang bumalik!" Pero ngayon? Naaaah! I just laughed at him bago siya sinagot.

"Ano bang nakain mo? Ofcourse, babalik ako. Huwag kang mag-alala pagbalik ko guguluhin agad kita." I teased.

Pero ganoon pa rin ang ekspresyon niya sa mukha. Plain! Ano ba nangyayari sa kanya?

"Alexandra seryoso ako!" he snorted kaya napatahimik naman ako.

"Hindi mo alam kung anong klase ng mga tao ang makakasalamuha mo diyan sa loob. You're a girl for god sake! Paano kung may mangyaring masama? Alam mong wala ako diyan para iligtas ka," he paused at ginulo ang buhok niya.

"I can't afford to lose you."

Nakikita ko pa kung gaano siya nababahala. His eyes were so visible, nag-aalala siya. Hindi naman siya ganito sa'kin dati ah! Xander is my bestfriend, my knight and my bully. At hindi sa ganitong paraan niya ipinapakita ang pagtrato niya sa'kin bilang ako. Kasi minsan mas nasanay pa akong guluhin niya kaysa sa mag seryoso.

I just give him a satisfying smile. "I am going to be okay. Malakas ako 'di ba? And for sure kahit wala ka sa tabi ko, ililigtas mo pa rin naman ako hindi ba?"

I just see him nod and pat my head. "Oo malakas ka! Pero hindi natin alam kung anong mangyayari. Kung sana lang ako na ang kumuha ng misyon mo." rinig ko pang matamlay na pagkakasabi niya sa huling parte kaya itinulak ko agad siya ng mahina.

"Ano ka ba! Kaya ko 'to. And besides documents lang naman ang kukunin ko sakanila eh. Hindi ako lalapit para makipagkaibigan, okay? Just trust me."

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now