Chapter 7: Deceive the Victim

123 62 22
                                    

Chapter 7: Deceive the Victim

Kiero's Point of View

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Galit at konsensya ang nararamdaman ko. Pinuno na talaga ni Celine ang pagtitimpi ko. Ayoko ng magkaroon ng ganito pang pangyayari. Kaya dapat matuto na si Celine!

Akala niya siguro ay sa ganitong paraan ko siya magugustuhan, pero ang totoo? Hinding-hindi ko siya magugustuhan kahit ano pang gawin niya.

Sa pagkaka-alam ko ay nasa cafeteria siya at 'yong ginawa niya kay Xandra ay hindi makatarungan iyon. Bakit lahat na lang pinapatay, binubogbog niya? Ano bang mapapala niya do'n? I sighed.

This must end right now! At dapat walang sino man ang pwedeng manakit kay Xandra!

Nakita ko naman ang cafeteria at agad na tinungo ito ng mabilis. Nakapasok na ako sa cafeteria at nakita ang nagkukumpulang mga tao. Hinanap ko si Celine at nakita ko naman kaagad siya.

 Kasama niya si Andrea na nakatayo malapit sa counter. Nakita ko namang napansin agad nila ako at nasulyapan kong nakangiti si Celine sa gawi ko. Naglakad na ako patungo sa kaniya ng nakakunot noo at hindi inililihis ang tingin sa iba kung hindi sa kaniya lang.

Nang malapit na ako sa kaniya ay agad kong hinila ang braso niya at pilit na pinapalabas siya sa cafeteria.

"Halika!" bungad ko kasa kanya.

Tila nasasaktan siya sa hawak ko pero wala pa rin akong pake kasi mas masahol pa ang ginawa niya.

"Kiero! Masakit, ano ba? Bakit ba?!" tanong niya at pilit na umaalis sa mahigpit na hawak ko.

At dahil nga atat na atat siya ay binitawan ko na lang siya.

"Ano bang problema?" tanong niya ng mahinahon.

Nakita ko namang nakatingin na silang lahat sa amin kasi nandito pa rin kami sa cafeteria at tinitingnan kami.

"Tinatanong pa ba 'yan?" sagot ko sa kaniya at tinawanan siya ng mapakla.

"Alam mo! Matagal na kong nagtitimpi sa'yo eh! Akala mo ba magugustuhan kita? Kasi sa totoo niyan hinding-hindi mangyayari na magugustuhan kita dahil ugali mo palang wala ka na. At talaga lang ha? Lahat na lang ng mga babaeng nakakausap ko kahit isang salita lang ay pinapahirapan mo? Ganyan ka na ba talaga ka obsessed?!" singhal ko sabay talikod sa kaniya.

"Sa oras na gagawin mo ulit ito, ako na ang papatay sa'yo." patuloy ko.

Ayoko ng patagalin ang pag uusap na 'to. Dahil alam kong kakalat na naman 'to. Nakita ko namang pumasok na ang mga tauhan  ko at nagsimula na rin akong maglakad pabalik.

Wala siyang nasabi! I smirk. Akala niya siguro 'di ko malalaman 'to?!

"Kiero!" tawag niya pa pero patuloy na ako sa paglalakad.

Naramdaman kong kinuha na siya ng mga tauhan ko at dinala papunta sa bodega. Lahat ng mga ginawa niyang kahayupan ay ipaparanas ko sa kaniya. At para mas maganda, lahat ng babaeng pinahirapan niya noon ay sila naman ang magpapahirap sa kaniya ngayon.

Napahawak naman ako sa noo ko at napahilot ng marinig ang sigaw niya. Kaibigan kita dati. Matalik na kaibigan at hindi ko naisip na magagawa mo 'to ngayon, Celine.


Alexandra's Point of View

Nandito pa rin ako kasama ang tatlo rito sa loob ng hospital. Nababagot na rin ako at alam ko namang maghihilom na rin 'tong mga sugat ko. Mas may masahol pa nga akong naranasan kaysa dito eh.

Napabuntong hininga naman ako. Tiningnan ko sila at tulog sila pareho. Yes! Mas may gana pa silang matulog kaysa sa'kin. Iniisip ko kasi kung nasaan ngayon si Kiero. Baka pupuntahan niya si Celine para gantihan ako? Umiling naman ako. Hindi 'yon mangyayari.

Hindi kami magkaibigan para iganti niya ako at hindi naman kami close o magkakilala man lang. Kaya ano kayang gagawin niya? Baka naman kinausap lang niya. Napahawak naman ako sa noo ko at napasimangot.

Bakit ba ang dami mong iniisip Alexandra? Kalaban siya at kailangan makaalis ka na agad dito ng may dala dalang impormasyon! Naku naman.

Napatingin naman ako bigla sa pinto ng may nagbukas nito. Baka siya na 'yon! Ah, anong gagawin ko?

Ano?

Tatanungin ko siya kung saan siya galing? Ay 'wag na! Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nag panggap na tulog pa at nagpapahinga. Pero baka doktor lang ang pumasok? Ay sige 'wag na nga! Sakali tulog ako. Ayun!

Naramdaman ko naman kaagad ang paglapit niya at paghinto sa gilid ng kama ko. Ramdam ko ang tibok ng puso ko. Hay, Alexandra magsitigil ka! Napahinto naman ako sa paghinga ng maramdaman ang haplos ng kamay niya sa ulo ko.

Ano bang ginagawa niya? Hindi naman ako aso ah?

"Xandra." mahinang sabi niya.

Napaisog naman agad ako. Hindi nga talaga doktor. Si Kiero nga! Hmm, gigising na ba ako? Narinig ko naman ang pagising ng tatlo.

"Oh Kiero! Andito ka na pala." agad na salita ni Leo.

Agad din naman niyang kinuha ang mga kamay niya sa ulo ko.

"Saan ka ba galing? Anong ginawa mo?" tanong naman ni Topher.

Napaubo siya bago nagsalita, "Tinuroan ko lang naman siya ng leksyon." aniya at sabay sabay silang nagtawanan.

"Pina good job mo?" out of the blue na tanong ni Alex kaya nagsitahimikan sila at agad din namang nagsitawanan ulit.

"As usual." sagot niya sa tatlo.

Napakunot noo naman ako. Ano? Pina good job? So pinapatay niya? Napalunok naman ako. Parang natural na lang ata 'yon sa kanila ah!  Hays, kailangan na talagang matapos ko na ang misyon na 'to.

"Sana tinikman mo muna hahaha!" sabi ni Alex at napatawa ng malakas.

"Edi ikaw pa sana ang una hahaha!" patuloy niya.

Napalunok ako sa narinig ko. Kinakabahan yata ako sa mga sinasabi nila.

"Alam mong hindi worth ng pawis ko si Celine," wika ni Kiero at tumahimik sila bigla.

Bakit?

"Mas may worth kapag biktima mo ang titikman mo hahaha!" patuloy niyang muli.

Napatawa naman silang apat.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Kiero.." wika ni Topher

"Mabangis ka pa rin!" patuloy ni Leo sabay tawa ng malakas.

Bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko ngayon? 'Yong kakaibang pakiramdam ko no'ng magkasama kami ni Kiero ay napalitan ng bahid ng pag-alala. May mali sa kanila. Dapat nga talaga akong mag-ingat.

Dahil pakiramdam ko...


Ako ang pinag-uusapan nila.


The Gangster's Victim Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt