Chapter 12: The Devil is A Thief

143 53 11
                                    

Chapter 12: The Devil is A Thief

Naglalakad ako ngayon patungong garden. Nasa labas kasi kami kanina ng training hall ni Topher ng biglang bumungad sa amin si Alex na nagsasabing kailangan ko raw pumunta sa garden ng university.

Nag-aantay daw si Kiero sa akin. Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang sa sinabi niya dahil sabi ni Topher ay kailangan ko nga yata talagang pumunta sa garden, baka raw kasi ano pang magawa ni Kiero kapag hindi ako sumunod.

Nakarating ako sa garden ng ilang minuto lang at nakita ko naman si Leo na katabi si Kiero. Nag-uusap silang dalawa.

"Hmm.." I mumbled.

Napatingin naman silang dalawa sa akin. Tiningnan ko si Kiero na ngayon ay naka kunot noong nakatingin sa akin. Tumayo naman si Leo at tinap ang braso ni Kiero.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ko kay Leo ng makitang aalis siya ngunit hindi na niya ako sinagot at binigyan na lamang ng hand gesture na nagsasabing lapitan ko si Kiero.

Okay...

Lumapit naman ako kay Kiero at umupo sa tabi niya. Magsasalita ba ako? Hmm.. Anong sasabihin ko? I shrug and calm my voice. 

"Kiero.." tawag ko sa kanya.

Pero 'di niya ako sinagot o tiningnan man lang. I sighed a heavy air.

"Anong pinagsasabi mo do'n sa training hall kanina?" tanong ko dahilan upang mapatingin na siya sa akin this time.

I gulp when our eyes met. Kung tititigan mo ang mga mata niya, makikita mo talaga na ang kulay tsokolate niyang mata ang asset ng buong mukha niya.

"You're mine." Maskuladong wika ni Kiero habang tinititigan pa rin ako sa mga mata.

I raised my eyebrow at what he said. 

"Anong you're mine?" takang tanong ko.

"Hindi mo ako pag-aari oy!" patuloy kong wika.

Kiero grins at me at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya agad naman akong napa atras.

"Remember at the cafeteria? Binangga mo na naman kami and because of that ay may punishment ka galing sa akin. That punishment will serve you as my territory. You are mine Xandra."  wika niya na ikinilabot ng buong katawan ko.

What the hell? 

Napa iling naman ako nang inalala ang nangyari sa cafeteria noon. 

***

"Sa palagay mo paalisin ka namin nang ganiyan ganiyan lang?" he grins.

"You messed with our way, a second time around." he continued at mas lumapit pa sa akin.

"Lahat ng may kasalanan, nagbabayad." sabi niya na mas lumapit sa akin hanggang sa ang mukha niya ay mas lumalapit na sa mukha ko, napa atras naman ako.

Ano bang ginagawa niya?  Hindi ko naman kasi matingnan ang mga mata niya kasi ano, parang feeling ko hinihigop niya ako sa bawat titig na ipinupukol niya sa mukha ko.

"I like you," sabi niya malapit sa tenga ko.

I then felt the shiver around my spine.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now