Chapter 18: Confused

89 43 1
                                    

Chapter 18: Confused

Buong gabi kong hindi nakita si Kiero sa loob ng dorm. Hindi rin alam nila Topher kung saan siya nagpunta. I didn't bother to ask again at baka magtaka na sila sa akin. Wala rin naman akong pake kung san siya magpunta.

Ngayon ay naglalakad na ako kasama si Topher, Alex at Leo papunta sa bagong classroom namin. It's my first day sa pagiging undercover ng school samantalang first day naman ng Devil Phoenix kahapon.

Magaan na rin ang pakiramdam ko 'di gaya kahapon. Pag gising ko ay ganadong ganado ako. 'Yon siguro ay dahil sa rasong nakuha ko na ang impormasyon na kailangan ko. Sobra pa nga sa impormasyon ang mayroon ako eh.

Magpa-plano na rin siguro ako kung paano ako makakalabas dito. Hindi ko rin naman kailangan pang magtagal dito dahil tapos na ang misyon ko. Wala rin naman iba pang rason kung ba't pa ako mananatili dito.

Napalingon naman ako sa mga babaeng nasa gilid na tahimik na nakatingin sa aming apat. Siguro ay nagtataka sila kung ba't sabay kaming pumasok. Eh tapos namana ang game. Pero magkasama pa rin kami. Nagkibikit balikat nalamang ako sa mga babaeng panay puna sa ikinikilos ko.

"Nandito na tayo." wika ni Topher at itinuro sa akin ang maliit na silid na sa tingin koy kasya lamang sa sampung tao.

Pumasok kami sa loob at agad akong namangha sa aking nakita. Pagpasok mo palang ay bubungad sa inyo ang malaking screen. Pinalilibutan din ng iba't-ibang artikulo ang buong silid. May tatlong computer din sa unahan.

"Ito ang training quarter ng mga undercover ng school." bulong sa akin ni Topher at tinangoan ko naman siya.

Napalingon naman ako sa likuran ng makita ang dalawang babae at tatlong lalaki papalapit sa amin. Nakangiti rin sa akin ang dalawang babae.

"Nasaan si Kiero? Hindi rin siya pumasok kahapon." mahinang wika ng lalaking may scar sa pisngi. 

I wonder kung saan niya nakuha 'yon.

"Hindi rin namin alam. Hindi siya umuwi sa dorm kagabi." sagot ni Leo kaya tumango naman silang lima.

Nilapitan ako ng dalawang babae. Mahihinhin silang dalawa. "A–Ah ano Xandra ako nga pala si Chirsty at ito naman ang bestfriend ko na si Hannah." pakilala niya at tinangoan ko naman siya.

"Kilala niyo ako?" tanong ko at sumabay na sakanilang maghanap ng upoan.

Tumango naman sila ng sabay sa tanong ko. 

"A–Ah kilala ka ng lahat na nandito sa university Xandra. Ikaw ang babaeng pinili ng Devil Phoenix na makasama sa game. Ikaw din ang babaeng pinag initan ni Celine." nahihiyang wika sa akin ni Hannah.

Napapitlag naman ako sa sinabi niya. 'Yan ang mga rason kaya kilala nila ako? Napasapo naman ako sa noo. Kailangan ko na nga yatang umalis dito. At baka may nakakakilala sa akin na spy ako.

Hindi ko na lamang sila pinansin at umupo na sa upoang malapit sa inuupoan din ni Topher. Sumunod naman silang dalawa sa akin.

Malalim ang iniisip ko ng biglang may pumasok na matandang lalaki sa loob ng silid kasama si Kiero na nasa likuran niya. Napatingin naman sa akin si Kiero at biglang lumiwanag ang mukha niya ng makitang nakatingin din ako sa kaniya.

Lumapit si Kiero patungo sa akin hanggang sa nakaupo na siya sa bakanteng upoan na nasa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin at tumahimik na lamang.

"Good morning." bati ng matandang lalaki sa amin at tumango naman kami sa kaniya.

Inilibot ko ang paningin ko at napakunot noo ng makitang sampu lang kaming nandito sa silid. Liningon ko naman si Christy na nasa tabi ko.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now