Chapter 19: Uncontrollable

97 46 5
                                    

Chapter 19: Uncontrollable

Natapos ang buong maghapon na hindi man lang ako nakikinig sa discussion ng guro na nasa harap namin. Gulong-gulo ako ng marinig kong tinawag ako ni Kiero kanina sa pangalang Alexandra.

Hindi ko kailanman sinabi na ang totoo kung pangalan ay Alexandra at hindi Xandra. Kaya laking gulat ko ng tawagin niya ako no'n. Tanging malalapit lang na tao ang tumatawag sa akin ng pangalan na 'yon. Kaya nabigla talaga ako.

I sighed in frustration at tinitigan ang cheesecake na nasa harap ko na kanina ko pa hindi ginagalaw.

Buti na lang at hindi pumasok si Kiero ngayong hapon. Kasi kung pumasok nga siyay paniguradong hindi ako mapapakali. Hindi ko rin nakita ang Devil Phoenix kanina. Hindi naman sila nagsabi sa akin kung saan sila pupunta.

I sliced the edge of my cheesecake at tinikman ito. Masarap at malambot. Kung wala sana akong iniisip ngayon ay baka kanina ko pa 'to naubos.

Naiisip ko rin na baka alam ni Kiero ang kumpleto kong pangalan dahil pina imbestigahan niya ako. And if totoo ngang pina imbestigahan niya ako ibig sabihin niyan nagdududa siya sa akin. Kasi ano namang rason hindi ba kung ba't niya ako papaimbestiga?

Kukuha na ulit sana ako ng slice ng cheesecake ng bigla na lamang bumukas ng malakas ang pinto ng cafeteria. At do'n bumungad sa akin ang pagmumukha ni Topher na may malaking maga sa pisngi nito. Anong nangyari?

Galit siyang pumasok sa cafeteria at ng masulyapan niya akoy bigla na lang nag-iba ang ekspresyon niya. Dali-dali niyang tinahak ang daan papunta sa kinauupoan ko. Umayos din naman ako ng pagkaka upo.

"Xandra." tawag ni Topher sa akin bago nakaupo sa upoang nasa harap ko.

"Anong nangyari diyan?" pag-aalala kong tanong sa kaniya at itinuro ang pisngi niya.

Napabuntong hininga naman siya bago sinagot ang tanong ko.

"Si Kiero." panimula niya dahilan upang ma curious ako.

"Si Kiero ang may gawa nito, galit na galit siya Xandra." wika ni Topher sa akin na nag-aalala. Kaya ba wala sila ngayong hapon sa klase?

"Bakit naman 'yan gagawin ni Kiero sa'yo?" takang tanong ko.

Inilibot naman niya ang kanyang paningin at ng makitang walang nakikinig at malayo naman ang estudyante sa gawi namin ay tiningnan niya na ako.

"Kiero is planning something about you Xandra! Pinaglalaroan ka niya." wika ni Topher na ikinaatras ko.

Plan?

"Anong plano?" Kinakabahang tanong ko at pilit na pinipigilan ang paghinga ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag malaman kong may gagawin si Kiero sa aking masama.

Yumuko naman si Topher at nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba ang nalalaman niya o hindi.

"Come on Topher sabihin mo!" utos ko at hinihintay ang sagot niya.

Ramdam ko naman ang malalim niyang paghinga, na tila kinakabahan din siya sa ginagawa niya.

"I care for you Xandra. At hindi ko gustong masaktan ka. I think this is the right time for you to know that... hindi ka talaga mahal ni Kiero. Pinaglalaroan ka lang niya. Naalala mo 'yong nangyari dito sa cafeteria? Diba sinabihan ka niyang gusto ka niyang biktimahin? Naalala mo 'yon? Sinabi niya sa amin na papaibigin ka niya at pagkatapos niyang makuha ang lahat na nasa sa'yo ay iiwan ka niya." napabuga naman siya ng hininga ng sabihin niya iyon sa akin at tila ba nag-aalala siya sa magiging reaksyon ko.

Oh now, I remember. Naalala ko pa ang linyang binulong niya sa akin noon. Iyon din ang rason kung ba't ako pinabugbog ni Celine. Dahil akala niya may namamagitan sa aming dalawa ni Kiero.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now