Chapter 3: Gangsters

159 72 71
                                    

Chapter 3: Gangsters

Nagising ako kinabukasan dahil sa init na pumapasok sa loob ng bintana. Naalala ko ring first day ko pala sa university kaya nagmamadali agad akong maghanda. Pagkatapos ay lumabas na ako't tinungo ang daan patungong cafeteria.

They serve morning breakfast in here, kaya walang hassle. Pagkarating ko ay halos wala pang tao. Maaga-aga pa naman kasi eh kaya agad na rin akong kumuha ng pagkain at umupo sa pinakasulok na bahagi ng cafeteria.

I don't want them to see me. Baka kasi ay may nakakakilala sa akin. Natapos ko naman ang pagkain ko at tinahak na ang daan patungong class room. Nakita ko nga rin ang iba na bagong gising pa lang. At naisip ko ring bakit nga ba ako nagmamadali?

Oh, Because it's my first day! Tiningnan ko naman ang hawak hawak kong card at binasa ang nakasulat.

"Grade 12. Stem. Class A."

Sinigurado kong magiging kaklase ko ang Devil Phoenix para agad ko silang makilala. Kaya nagpa enroll ako sa classroom kung saan sila nag-aaral. Pero tadhana nga naman. Nakilala ko na agad sila sa unang araw ko pa lang dito sa loob ng university.

Huminto naman ako ng makita ang crystal blue na pinto at napabuntong hininga. Ramdam ko ang tahimik ng class room.

"Wala pang tao." asik ko.

Pumasok ako sa loob at nakita ang malinis at organize na class room. Na tila ba mas malinis pa 'to kaysa sa school namin dati. Nakita ko naman ang upuan sa pinakadulo kaya doon ako umupo.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ring magsipasukan ang mga estudyante. Tila bagot na bagot na agad sila at nakita ko talagang wala silang ganang pumasok.

Nasaan na ba ang guro?

Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang malapit ng mag 8 at kanina pa tumunog ang bell. I sighed. Kaya pala matagal gumising ang mga estudyante rito eh!

"Good morning, class! Sorry I'm late." bati ng isang magandang babae na kakapasok pa lamang.

Nakita ko namang nagtaka ang mga estudyante kaya't nagtaka rin ako.

"Nasaan na si Old maid Lia?" takang tanong agad ng isang babae sa unahan at nagsitanguan naman ang ilan.

Old maid Lia? Ngumiti naman ang guro. 

"Si miss Lia ba na guro niyo ang tinatawag niyong old maid?" Mahinahong tanong niya sa babae kanina kaya tumango naman ito.

Inilagay naman niya ang librong dala niya sa mesa bago nagsalita.

"I see... Si miss Lia kasi ay nag retire na bilang isang guro at ako? I am Janina ang papalit sa kaniya," she paused and glared at us. "At ayokong sinusuway ako!" she then continued.

Nagkatinginan naman ang ilan at napatawa sa huling sinabi niya.

"Alam mo miss? Maganda ka pa naman sana. Kaso baka aalis ka lang din dito, Hahaha!" wika ng isang lalaki sabay tawanan nila.

"Kaya mas magandang lumipat ka na lang ng ibang paaralan kung ayaw mong masaktan!" patuloy pa ng lalaki.

Napataas naman ang kilay ng guro. Ako nga mismo biglang umiba ang sikmura ko. Wala ba talaga silang respeto dito?

"Oo nga! Umalis kana!" rinig kong bulongan nila.

Ang sarap pang hahampasin! Naku, talaga! Nakita ko namang nilapitan ni miss Janina ang lalaki at hinawakan ito sa braso.

"Alam mo... kung ayaw mo sa akin. Ikaw ang umalis! At huwag na huwag mo akong kakausapin na parang kaibigan mo lang. Guro mo ako kaya respetohin mo ako," mariing sabi niya at sa bawat salita niya sa ay siya ring pag daing din ng lalaki. Tila ba nasasakatan ito. 

The Gangster's Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon