Chapter 14: Stolen Kiss

113 46 5
                                    

Chapter 14: Stolen Kiss

Nakabalik kami sa training hall nang hindi nag-uusap. Tahimik lang ang apat na parang may malalim na iniisip.

Si Topher naman ay palagi akong sinusulyapan. Hindi ko alam pero parang may gusto siyang sabihin na hindi niya magawa.

I just shrug my shoulders at pumanhik na papuntang table kung saan nandoon ang mga weapons na gagamitin namin bukas.

Kinuha ko ang shuriken at inilagay sa bag na dala ko. Inilibot ko naman ang paningin ko at nakita ang ibang estudyanteng naghahanda na rin para sa mga weapon na gagamitin nila para bukas.

Umiling ako ng bahagya. Kailangan ba talaga naming gawin ito? Sumali sa laro at magsakitan?

Hays! Napamasahe naman ako sa ulo ko at naalalang kailangan naming sumali upang hindi kami matanggal sa school.

I snorted when I remember kung ba't nga ba naisipan ng school na gawin ito. Tiningnan ko ang apat na serysosong kumukuha ng mga weapon nila at napabuntong hininga. Kung 'di lang sana sila umalis at sinira ang rules eh hindi sana 'to mangyayari.

Kapag nakuha ko na ang impormasyon na kailangan ko sakanila ng mas maaga, ay mas maaga rin akong makakalabas dito.

"Xandra!"

Napatingin naman ako kay Topher nang tawagin niya ako. Hindi ko siya sinagot at tiningnan lang siyang papalapit na sa akin.

"Sabi nila hindi na daw tayo mag te-train. Magpahinga na lang daw tayo, we need to rest para may lakas tayo sa game bukas." wika niya kaya tumango naman ako.

"Oo sige." sagot ko at tiningnan si Kiero, Alex at Leo na papaalis na ng training hall.

Maghapon akong nag mukmok sa loob ng dorm. Hindi ko alam kung ano ang gagawin para bukas. Gusto ko rin sanang magpahinga at matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok.

Napatingin naman ako sa puting kisame at napangiti ng bahagya. Naalala ko noon na palagi kaming nag o-overnight ni Xander sa bahay nila. Sa mga oras na 'to paniguradong ang dami na naming napag-uusapan. Ano na kaya ang nangyari sa lalaking iyon? It's been days since I last saw him.

Ilang minuto pa ang nakakalipas pero hindi pa rin ako makatulog. Tumayo ako at inayos ang gusot na damit ko. Wala naman sigurong masama kung lumabas ako diba?

Tiningnan ko ang wall clock na nasa ibabaw lang ng kama ko at napasinghap ng malaman kung anong oras na pala.

"10:00 pm, sht!" I cursed.

Hindi ko alam na alas dyes na pala. Akala ko ay alas otso pa. Hays, napahawak naman ako sa tiyan ko ng maramdamang bigla itong kumulo.

"Nagugutom ako." I whisphered.

Lalabas na lang muna ako at baka open pa ang cafeteria. May nakita rin kasi akong vending machine malapit sa counter.

Lumabas ako sa dorm at pumanhik papuntang cafeteria. Ngumiti naman ako ng bahagya nang makitang bukas pa nga talaga ang cafeteria pero magsasarado na sila.

Mabilis akong pumasok at sinabihan ang iilang mga taong naglilinis sa cafeteria na bibili lang ako ng pagkain sa vending machine. Tinangoan naman nila ako at sinabihang bilisan ko na lang daw dahil magsasara na sila.

Mabilis akong nakakuha ng pagkain at umalis na rin. Tiningnan ko naman ang binili kong soda at brownies. This might do. Wala na kasing iba pang pagkain.

Babalik na sana ako ng dorm ng biglang natanaw ng aking mga mata ang daan patungong training hall. Para kasing may narinig akong nagtatawanan galing sa lugar na 'yon.

The Gangster's Victim Место, где живут истории. Откройте их для себя