Chapter 23: Planned, All Along

58 6 8
                                    

Chapter 23: Planned, All Along

“Xander, bitawan mo ako!” singhal ko ng napagtanto kong kinaladkad na niya ako malapit sa training hall.

Nandito kami nakatayo ngayon sa ilalim ng puno. Naalala ko pa tuloy ‘yong gabing nakita ko si Kiero at ‘yong babaeng kahalikan niya. Ito ‘yun eh. Dito sa lugar na ‘to.

“Alexandra! Ano bang nangyayari sa ‘yo? Wake up!” singhal ni Xander.

“Hindi mo ba nakita? She’s with his other girl!” giit niya.

Naramdaman ko naman ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha.

“W-What? Huwag mong iyakan ang lalaking ‘yon Xandra! Hindi siya nararapat sa’yo!” bulyaw niya.

Wala akong masagot kay Xander. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko nalang matulog at gumising na walang problema. Na normal na ulit.

“Hindi mo kasi ako naiintidihan, Xander!” paos na pagkakasigaw ko.
“May nakakita sa atin kagabing magkayakap! Akala ng lahat, I cheated. Kahit h-hindi naman!” asik ko.

Ramdam ko pa rin ang maiinit na luha sa aking mga mata. Napakasakit! Sino ang babaeng ‘yon? Bakit kasama siya ni Kiero? Akala ko ba’y iiwas na siya sa mga babaeng ganoon? Akala ko ba… ako lang!

“Ah Xandra naman, oo! Tangina eh. Anong pakialam mo sa kaniya? Hindi mo ba talaga nakita? Hindi ka niya mahal! May kasama siyang iba and you know na mali ang ibigin siya dahil masasama sila!” mariing utas ni Xander sabay gulo ng kanyang buhok.

Pero kahit ano pa ang paliwanag ni Xander sa akin ay tila ba hindi pa rin ako nagigising sa katotohanan.

“M-Mahal niya ako, Xander.” diin ko sabay punas ng aking mga luha.

Tama! Mahal niya nga ako. Mahal ako ni Kiero at hindi niya ako lolokohin. Siguro ay nadala lamang ito sa galit ng malaman niyang may kayakap akong iba. Pero sana naman… pinakinggan niya muna ako.

“No. Hindi ka niya mahal, Xandra. Kasi kung mahal ka niya ikaw ang paniniwalaan niya. Hindi siya makikinig sa iba.”
Napa awang naman ang aking bibig sa sinabi niya. Hindi! ‘Wag kang maniwala, Xandra.

“Sinabi ko na sa’yo. Niloloko ka lang ng lalaking ‘yon! Alam mo? That’s it! Uuwi na tayo. Hindi na tayo magpapabukas.” malamig na sabi ni Xander sabay tingin sa akin ng marahan.

“Ayaw ko lang masaktan ka, Xandra. Alam mo kung gaano kita kamahal.” aniya.

Tila nawalan na ako ngayon ng boses para magsalita. Namumuo na naman ang mga luha sa aking mga mata. Napayuko na lamang ako at nagsimula ng mapahikbi.

“Sshh. Tahan na. Magiging maayos din ang lahat.” si Xander sabay haplos sa aking likod.

Gulong-gulo ang aking isipan ngayon. Naka rehistro pa rin sa aking isipan kung paano ako iniwasan ni Kiero at kung paano siya sinundan no’ng babae. Bakit ba ito nangyayari sa’kin? Do I deserve this? Huminga na muna ako ng malalim at kinalma ang aking sarili ng ilang minuto.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Xander ng kumalas na ako sa yakap niya.

Tiningnan ko lang siya at nginitian ng mapakla. Tumayo ako at sinimulang maglakad palayo. I need to see Kiero, right now.

“Xandra!” tawag sa akin ni Xander pero hindi ko na siya nilingon pang muli.

Kinakabahan akong tiningnan ang pinto ng VIP dorm namin. Hinanap ko si Kiero sa kahit saang parte rito sa university pero hindi ko siya nahanap. Kaya ang huling naisip ko ay dito sa dorm.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now