Chapter 20: Forgotten Mission

106 46 8
                                    

Chapter 20: Forgotten Mission

Hindi ko na naalala pa ang huling pinag-usapan namin ni Kiero kanina basta ngayon ay masaya akong nakikitang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko.

Walang nangyari sa aming dalawa kung 'yon ang iniisip niyo. Gusto niya lamang na tumabi sa aking matulog at binigyan ko naman siya ng pagkakataon.

Hindi ko alam pero lahat ng pag aalinlangan ko sa kaniya ay nawala. Tila ba masaya ang puso ko ngayon na hindi ko gustong mapawi ang nararamdaman ko dahil alam kung ngayon ko lang naranasan ang bagay na 'to. Ang may magmamahal sayo ng buong-buo.

I felt the vividness of his voice, his sincerity. At nagsisisi siya. Wala naman sigurong masama hindi ba kung pagbibigyan ko siya at ang sarili kong mahalin namin ang isa't isa?

Just this time gusto kong piliin ang sarili ko. Dahil alam kung pag nakabalik na ako sa dati kung mundo ay hindi ko na ulit mararanasan 'to.

Maganda ang tulog ko lalo na ng pag gising kong nakatitig sa akin si Kiero. Kahit madami siyang sugat sa mukha ay ang gwapo pa rin niyang tingnan.

Napanguso naman ako ng maalalang si Topher pala ang bumugbog sa kaniya ng ganito. Ng malaman ni Topher na pinaglalaroan niya daw ako ay nagalit ito. Sabi pa ni Kiero ay may gusto daw sa akin si Topher ngunit tinawanan ko lang siya sa mga pinag-iisip niya.

Nakababa kami sa hagdan ng magkahawak ang mga kamay. Masaya akong umayos na rin ang pakiramdam niya pero bigla na lang siyang tumigil ng makita si Leo, Alex at Topher na tahimik na nakatingin sa aming dalawa. Nabigla rin ako at hindi alam ang gagawin.

Bibitawan ko na sana ang kamay ni Kiero ng bigla niyang hinigit ang kamay ko para 'di siya mabitawan.

"What's this?" takang tanong ni Topher sa amin at tiningnan ang kamay naming dalawa.

Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya. Alam kong nabigla siya dahil ibang-iba ang sinabi ko sa sa kaniya kahapon sa nangyayari ngayon. Naaala ko pa naman ang sinabi ko sa kaniya na lalayoan ko na si Kiero.

Pero hindi ko kayang gawin. Wala na akong pakialam kung anong sasabihin nila. Kung sasaktan man ako ni Kiero kasalanan ko na 'yon. Tatanggapin ko.

Gusto ko lang naman makasama si Kiero ngayon, na ganito kami, na masaya kami. Kapag dumating na ang araw na sasaktan niya na ako. Wala na akong magagawa.

Pero kung darating nga ang araw na 'yan paniguradong mapipilitan na akong umalis sa mundong 'to.

"Xandra lumayo ka sa kaniya!" marahang pagkakasabi ni Topher sa akin at lalapit na sana ng pinigilan siya ni Kiero.

"H'wag mo siyang pilitin Topher." wika ni Kiero at mas hinigpitan pa ang pakakahawak sa kamay ko.

"Pilitin? Ha! Pinapatawa mo ba ako? Ikaw ang nag pupumilit sa kaniya hindi ako. Diba nga plano mong biktimahin siya? Saktan siya?" Nakita ko namang hinawakan ni Leo at Alex si Topher sa balikat.

Hindi ko alam kung ba't ganyan siya kung maka react sa aming dalawa. Kaya ko naman ang sarili ko. Alam ko kung ano ang ginagawa ko.

"Topher tama na." mahinahong sabi ni Leo sa kaniya pero 'di siya pinapansin ni Topher.

"Ano Xandra? Magpapaloko ka na naman ba?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Topher.

Alam kong nagagalit siya pero wala naman siya sa posisyon para umasta ng ganyan. I sighed and look at him coldly.

"I love Kiero, Topher. Sana maintindihan mo ako." sabi ko na lang at iniwas agad ang tingin sa kaniya.

Ngayon alam ko na kung bakit nasabi sa akin ni Kiero na may gusto sa akin si Topher. Sa reaksyon niya palang alam ko na.

The Gangster's Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon