Chapter 9: The Punishment

133 59 13
                                    

Chapter 9: The Punishment

Alexandra's Point of View

Dalawang araw akong nagmukmok sa loob ng dorm at nagpapagaling sa lahat ng sugat na natamo ko. Akala ko kasi ay kaya ko ng bumalik muli sa university para gawin ang misyon pero 'yon pala ay hindi.

Gumalaw-galaw nga lang ako at pakiramdam ko biglang bumalik ang lahat ng sakit na naranasan ko sa kamay ng Celine na 'yon. 

Basically, it's my eleventh day here in Apollo's University at alam kong dapat simulan ko ng mag gather muli ng impormasyon kaysa magtago rito sa loob ng dorm.

Magaan na rin ang pakiramdam ko. Nakapagpahinga na rin kasi ako ng dalawang araw, pero hindi pa talaga ako fully healed. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin at inayos ang damit ko. So right now I just dressed up myself in a loose shirt paired with a fitted pants and shoes. Atsaka my eyeglasses.

I smiled. Para lang akong normal na tao kung titingnan.

Naglakad na ako papunta sa loob ng class room ng makitang kakapasok lang din ni miss Janina kaya agad akong nagmadaling pumasok at umupo na rin sa upoan ko. Akala ko nga ay sasalubong agad sa akin ang iba't-ibang tingin ng mga classmate ko pero hindi.

Pumasok akong hindi pinapansin ng mga tao sa loob ng classroom. Hindi nila ako tinitingan o pinag-uusapan.

"Weird." I mumbled.

"Okay Class! May announcement ako. Makinig kayo ng mabuti." simula ni miss Janina kaya nakinig naman kaming lahat sa sasabihin niya.

Hindi na rin nila ginugulo si miss Janina knowing na kapatid niya nga si Kiero, ang isa sa member ng Devils Phoenix. Sa pagkaka alam ko nga eh si Kiero Mondragon ang leader ng grupo.

Inilibot ko naman ang buong paningin ko sa silid at namangha sa bagong itsura nito. Maayos ang buong silid. Malinis at nawala na ang mga vandalism na dati ay halos pumaibabaw na sa buong silid. 

Ni re-paint din ng kulay puti ang buong silid. Kaya ngayon ay mas maaliwalas ng tingnan ang paligid. Napatingin naman ako sa upuan ng apat na lalaki. Wala pa sila.

"Dahil august na ngayon at ikatatlong buwan ng pasukan niyo eh may hinandang palaro ang head natin para sa inyo at inaanyayahan kayong lahat na sumali," she paused at may isinulat sa board.

"Maze." she read.

"Alam niyo naman siguro ang maze hindi ba? Isa itong magulong passage na kailangan niyong malagpasan upang mahanap ang finish line," she again paused and smirk at us.

"This game will also serve as your punishment." wika ni miss Janina kaya napakunot noo naman ako.

"Punishment?" takang tanong nila kaya napatango naman ako.

Nakita ko namang napangiti si Miss Janina sa tanong nila.

"Punishment... because you broke the rules. The only rules." she said.

Napaanga naman sila. 

"What? Hindi namin sinuway ang rules!" sabay-sabay nilang sabi.

What?

Para 'atang hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi nila. Game? Punishment? Rules?

No no no no!

"Isa lang naman ang rules hindi ba? Bawal lumabas ng university hanggang sa hindi kayo pinapalabas. And because the Devil Phoenix, ang mga tinitingala niyo ay lumabas without the heads permission eh damay na rin kayo. So lahat kayo ay may punishment," sagot naman niya.

The Gangster's Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon