Chapter 13: The Day before the Game

121 51 6
                                    

Chapter 13: The Day before the Game

Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin at kanina pa kinakausap ang sarili kung lalabas ba ako at makikipagkita sa Devil Phoenix o hindi. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at napabuntong hininga.

"Ano na Alexandra? Mag mumokmok ka lang ba talaga dito o lalabas at ipakita sa kanila na parang walang nangyari?" I asked myself infront of the mirror.

"Kung hindi lang sana nangyari 'yon kahapon." I shrug.

Dumako naman ang paningin ko sa labi ko at sa hindi ko inaasahan ay bigla na lamang namula ang aking mga pisngi. Hinawakan ko ang labi ko at napa iling.

"No! 'Wag kang magpadala sa mga trip niya Alexandra. 'Wag mong hayaang paglaroan ka niya. You are more than just a toy." wika ko sa sarili ko at agad na inayos ang sarili ko.

Kailangan kong ipakita sa kanila na okay lang ako. Na hindi ako naiilang kay Kiero. Tama! Dapat mas ipakita mo sa kanila na hindi ka nila madadala.

They are gangsters Alexandra. They do illegal things. They deal with criminals. And they kill. So better guard yourself.

Nandito ako at ang Devil Phoenix sa pinakadulong parte ng university. Malaki at maaliwalas ang espasyo ng buong lugar. Pinalilibutan din ng mga matataas na puno ang bawat gilid.

Actually, hindi lang din kami ang nandito. Kasi kung susuriin mo. Nandito halos lahat ng department ng graduating students.

Inilibot ko naman ang paningin ko at nakita ang malaking puting tela sa gitna. Hinihintay namin si head Levy dahil may sasabihin daw muna siya at sa tingin ko ay may ipapakita sila sa amin.

Napatitig naman ako sa tela na nasa gitna. Hmm, I think alam ko na kung ano ang ipapakita nila sa amin.

"Xandra!"

Napalingon naman ako kay Topher na nasa tabi ko lang nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Yes?" tanong ko.

"Hmm, okay ka lang? Kanina ka pa kasi hindi umiimik." mahinahong wika ni Topher sa akin dahilan upang mapatitig ako sa kaniya.

Tinangoan ko naman siya bilang tugon sa tanong niya. Yes, I am okay. I am very much okay. Napatingin naman kaming lahat ng biglang nagdabog si Kiero at tumayo.

"Leo palit tayo." matigas na wika ni Kiero kay Leo. 

Anong ginagawa niya?

"Ha?" takang tanong ni Leo sa kaniya.

"Sabi ko palit tayo ng pwesto." pag-ulit ni Kiero at napatango naman ng mabilis si Leo sa kaniya.

Napatigil naman ako sa paghinga nang marealize kung ano ang ginagawa niya. Nandito kasi kami ngayon sa gilid, nakaupo sa damohan habang hinihintay si head Levy.

Tumayo si Leo at pumunta sa pwesto ni Kiero. Napairap naman ako ng agad na umupo sa tabi ko si Kiero at nginitian ako.

Grr!

"Xandra." tawag sa akin ni Topher kaya napalingon naman ako sa kaniya at napansing nakahawak na pala ako ng mahigpit sa laylayan ng damit niya. 

Nahiya naman ako bigla at binitawan na ang pagkakahawak ko sa kanya. Sa sobrang galit ko kay Kiero ay siya pa ang napagbuntongan ko.

"Sorry Topher." paumanhin ko at yumuko.

Tinangoan niya naman ako at hinawakan ang ulo ko.

"Aherm!"

Napatigil naman kaming dalawa ng biglang umubo sa gilid ko si Kiero. Tinaasan ko naman siya ng kilay at hindi pinansin. Pagkatapos ng nangyari kahapon? Heh!

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now