Chapter 6: He save me?

124 59 14
                                    

Chapter 6: He save me?

"Ano bang nangyari?"

"Hindi ko alam!"

"Uy, Alex may alam ka?"

"Wala!"

"Sagutin niyo naman ako oh! Anong nangyari?"

Bakit ba parang may naririnig akong mga boses sa loob ng dorm ko?

"Hindi nga kasi namin alam, tanungin mo na lang si Kiero."

"Eh nasaan ba kasi siya?"

"May gagawin daw."

"Tsk, iniwan pa tayo rito."

Ano nga ba ang nangyayari? Teka, si Celine! Ugh, ang babaeng 'yon! Naalala ko na! At kahit masakit pa ang sugat sa katawan ko ay pilit ko pa ring ibinuka ang mga mata ko at iginalaw ang mga kamay ko.

"Hmm..."

Nakita ko namang napatingin sila ng sabay sa akin.

"Gising na siya!" asik ni Leo.

Anong ginagawa ng tatlong 'to dito? Inilibot ko naman ang paningin ko at agad na nakita ang puting kisame, puting pader, puting pinto at malinis na kwarto. Paniguradong hospital ito.

"Ouch!" bulong ko ng maramdaman ang sakit sa noo ko. May benda pala ito.

"H'wag ka na munang gumalaw, baka mabinat ka." Topher said sabay lapit sa akin.

"Ano bang nangyari?" tanong niya naman at siya ring paglapit din ng dalawa.

Kailan pa naging mausisa sa akin ito? Atsaka close ba kami? I sighed. Kahit sa ganitong sitwasyon still ang misyon pa rin ang iniisip ko kaya kailangang magpakabait ako sa harap nila.

"Wala... okay lang ako." sagot ko at pilit na tumatayo sa pagkakahiga ko kaya lang pinigilan nila ako.

"H'wag! Hindi pa maayos ang lagay mo. Atsaka baka magalit si Kiero sa amin kaya dapat manatili ka muna diyan." sabi ni Leo habang tinutulungan akong makahiga ulit.

"Magpagaling ka." patuloy niya pa.

"Ano ba talagang nangyari?" agad namang tanong ni Topher sabay lapit sa akin.

Sasabihin ko ba sa kanila? Napa buntong hininga naman ako.

"Wala... okay nga lang ako." I just mumbled.

Napakunot noo naman sila at agad na pinitik ako sa noo ni Alex.

"Hey!" I hissed sabay tapik ng kamay niya at hinawakan ang ulo ko na may benda.

"Masakit kaya!" I said.

Napalinga naman agad sila at napangisi.

"Sabi mo okay ka lang? Is this okay, for you?" sarkastikong tanong sa akin ni Alex.

And I just barely nod, "Yep! At ano ba? Close ba tayo para usisain niyo?" irap ko.

Lumalabas ang pagka beastmode ko sa kanila ah! Jusko naman! Heto ba ang sinasabi nilang The Devils Phoenix? Ayoko talaga kasing inuusisa ako ng mga taong 'di ko pa close.

Teka!

Devils Phoenix!

Tama!

Naku naman Alexandra! Ano bang ginagawa mo? Hays! You should keep your enemy closer. Para mas marami kang makalap na impormasyon. Napasapo naman agad ako sa aking noo.

"Ouch!" May sugat nga pala.

"Hindi naman talaga sana kami pupunta rito. This is just a waste of time, ang problema nga lang ay si Kiero," panimulang wika ni Alex, kaya nagtaka naman ako.

What about Kiero?

Hala! Oo nga pala! Siya ang nakakita sa 'kin. Wait.... Oh no! Sana hindi tama ang hinala ko.

"At ang sabi niya ay bantayan ka namin dito dahil may gagawin daw siya."

Napalunok naman ako.

"Anong gagawin niya?" I asked. "Saan siya pupunta?"

Napa upo naman si Topher at Leo sa upuan na nasa gilid ng kama bago nagsalita.

"Iyan ang hindi namin alam."

"Curious na talaga ako. Ano ba talagang nangyari sa 'yo? Nakita ka na lang kasi naming dala-dala ni Kiero na may mga sugat sa katawan. Binugbog ka ba niya?" tanong muli ni Leo, kaya this time eh sasagutin ko na sila.

I just snorted, "Si Celine.."

Hindi pa nga ako nakakatapos sa pagsasalita ay nagsalita na agad sila.

"Kinuha ka? Sinaktan? Binantaan?" sabay-sabay nilang tanong.

Their expression is kinda weird. Hindi bagay sa kanila. I just nod at them saying na tama ang hinala nila.

"Wow! Celine will always be Celine," manghang ani Topher.

"And will always be obsessed to Kiero." patuloy ni Leo

"Wait, what?" tanong ko ng marinig ang word na obsessed galing sa bibig ni Leo.

"Celine is our childhood friend. Matagal ng may gusto 'yan kay Kiero. At kung sino ang babangga kay Kiero eh sinasaktan niya, pinapabugbog. Worst is pinapapatay." he said and gave me a grin.

"Baka nagselos siya sa 'yo o baka dahil binangga mo si Kiero. Mga rason kung ba't nagawa niya 'yan."

At naalala ko na naman muli ang nangyari sa cafeteria. The incident together with Kiero.

"Immature." I mumbled.

Sobrang napaka immature naman ng Celine na 'yan. Kung mahal niya si Kiero, ay hindi sa ganitong paraan niya maipapakita iyon!

"I think pupuntahan ni Kiero si Celine," Alex paused.

"At tuturuan ito ng leksyon." he continued.

"What do you mean?" takang tanong ni Leo.

"Ico-confront na ata ni Kiero si Celine na itigil na ang mga ginagawa niya. It's just weird! Sobrang obsessed na si Celine sa kaniya." sagot naman ni Alex.

"Ano naman ang ibig sabihin mo sa leksyon?" Topher ask this time.

"Leksyon... Maybe gagawa ng pakulo si Kiero? Hindi ko alam. Basta alam niyo na 'yun." bored na sagot niya, kaya napa simangot naman ako.

Ang gandang kausap. Wala kang maintindihan eh. Napatingin na lamang ako sa kisame at inalala ang mga nangyari no'ng nasa bisig pa ako ni Kiero.

The beat.

The feeling.

Everything.

Napa hawak naman ako sa ulo ko dahil bigla na lamang itong sumakit.

"Huwag kang matutulog. Kailangan pa kita,"

"Huwag kang matutulog. Kailangan pa kita,"

"Huwag kang matutulog. Kailangan pa kita,"

Hindi ko alam kung totoo ba talagang si Kiero ang nagsabi no'n pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

No!

Bakit niya kasi sinabi iyon?

Hindi ko naman siya kilala ng lubusan. Naku naman! Kasalanan niya nga rin ito eh. Napabuntong hininga na naman ako. You need to finish this mission as soon as possible, Alexandra. Hindi ka pwedeng magtagal dito.

Because...


This is just a weird feeling.

The Gangster's Victim Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin