Chapter 21: Go Home

175 53 8
                                    

Chapter 21: Go Home

"Are you okay, love? You're idling."

Napapitlag naman ako bigla ng marinig ang boses ni Kiero sa tabi ko. Tinangoan ko naman siya bilang sagot sa tanong niya.

"Yes love." Okay lang ako. Okay nga ba?

Hindi naman ako mapakali ng makitang pasulyap sulyap sa akin si Xander. Nakikita ko ring nararamdaman na ni Kiero ang pagkabalisa ko. Pero tahimik lang ako't nag-iisip kung anong gagawin ko.

Natapos ng mabilis si Mr. Florencio dahilan upang mas napaaga kaming mag break. Kaya ng nakalabas na si Mr. Florencio ay agad kong hinila si Kiero palabas. At hindi na pinansin pa si Xander.

Alam kong magugulohan si Xander sa akin kung ba't kasama ko si Kiero ngayon pero mas magkakagulo kapag malaman ni Kiero ang ugnayan naming dalawa ni Xander.

Nakalabas kami ni Kiero at agad na nagtungo pabalik ng dorm. Alam kong nagugulohan siya sa inaasta ko pero ayaw niya lang akong tanungin. Nakabalik kami sa dorm at agad akong napaupo sa sofa. Tinabihan naman ako ni Kiero at tahimik pa rin akong tinitingnan.

"I'm sorry." I just said and massage the bridge of my nose.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinayaan ko naman siyang gawin iyon. 

"Is everything okay?" he asked and I just sighed deeply.

"I'm sorry for spacing out. May iniisip lang." sagot ko at yumuko.

Isang buwan kong nakalimutan ang tungkol sa misyon. Sa araw na 'to paniguradoy nasa agency na ako. Nakauwi na.

Pero... I just can't.

Tinitigan ko si Kiero na ngayon ay nakatingin sa akin. Oh, he's soft lips. Long nose. Curved eyebrows which I like. And his brown eyes makes me tremble on my knees.

Kaya ko ba siyang iwan at ibigay ang mga nalalaman ko sa agency? Kay Dad? Pero diba ito rin naman ang rason kung ba't ako pumunta dito? Pero kapag aalis ako, isusuplong ko sila. Masasaktan siya.

"Love..."

Hinawakan naman niya ngayon ang pisngi ko at dahan-dahang hinaplos. Oh I love how he make me feel this way. Tinamaan na nga yata ako. For just one month? Xandra is head over heels with this man? Uh huh!

"Kung ano ang para sayo'y tama, gawin mo. I will always be here for you." wika niya na ikinabigla ko.

"Anong ibig mong sabihin?" I furiously asked pero hindi niya ako sinagot at binigyan lamang ako ng mabilis na halik sa labi.

"Basta h'wag mo lang kalimutan na mahal kita. Na hindi kita niloloko at kung anong mayroon tayo ngayon ay totoo."

I was speechless.

Pagkatapos nang pag-uusap na 'yon ay nagluto ako agad ng baked mac at tinolang manok na paborito niya. Hindi rin kami pumasok buong maghapon hanggang sa nakatulog na nga si Kiero sa tabi ko, dito sa loob ng kwarto.

Napatingin naman ako sa orasan at napabuntong hininga. It's 10 pm. Dahan-dahan naman akong gumalaw upang hindi magising si Kiero at ingat na ingat din akong lumabas sa kwarto.

Nang makalabas na ako ay agad akong nagmamadaling lumabas sa dorm. Tulog na rin sina Alex at Leo. At si Topher naman simula ng araw na pinili ko si Kiero ay hindi na siya bumalik pa sa dorm and we understand him.

Nakalabas ako ng tuluyan sa dorm at agad na tumakbo papalabas ng university. Kilala ko si Alexander. Alam kong buong araw niya akong hinahanap. At alam ko ring hinihintay niya ako ngayon, kahit gabi na.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now