Chapter 22: Other Man

54 6 8
                                    

Chapter 22: Other Man

Nakabalik ako sa loob ng dorm na mabigat ang pakiramdam. Nalaman ko lang kanina kay Xander na mayroon nga pala talagang mga tauhan ang agents namin dito sa loob ng university na matagal na ring nag spy sa underground society.

At ako lang ang naging mas malapit sa grupo ng Devil Phoenix, dahilan upang mas mabigyan ako ng oportunidad na makakuha ng impormasyon.

Sinabi niya rin ang hirap ng pagpasok dito sa university dahil mas naging strict ang council ng university na siyang ipinagtataka ko. Hindi na sila gaanong nagpapapasok ng kahit sino which seems, odd.

Tiningnan ko si Kiero na mahimbing na nakatulog sa kama. Gulong-gulo ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Naalala ko ang mga panahong sinasabihan niya akong gusto niya akong maging biktima. Naalala ko ang mga panahong naging malapit kami sa isa't-isa.

Tinitigan ko naman ang pagmumukha ni Kiero at minemorize ito. Hindi ko alam kung matititigan ko pa siya ng ganito kalapit pagkatapos ng tatlong araw.

Alam na nga ba talaga niya ang lahat? Na spy ako? Si Topher? Alex at Leo? Alam ba nila lahat? Pero, bakit sila naglihim? Pwede naman nila akong isumbong, anytime!

I sighed and breathe heavily. Bigla namang pumasok sa isipan ko ang pagtawag sa akin ni Kiero sa pangalan kong, Alexandra. Pina imbestigahan niya ba ako noon ng maigi na pati pakay ko rito sa university ay nalaman niya?

Hindi ko magawang maniwala kay Xander na niloloko lamang ako ni Kiero. Ramdam ko ang pagmamahal niya, it's sincere. Alam kong hindi peke lahat ng ipinakita niya sa aking pagmamahal. The way how he treated me, the way how he gets jealous kapag may nakakalapit sa aking ibang lalaki. His action says it all! Mahal niya ako.

O baka hindi lang ako naniniwalang niloloko nga ako ni Kiero dahil natabunan na ng pagmamahal ko ang lahat ng panlolokong ginagawa niya. Maybe, I am blinded at hindi ko lang matanggap sa sariling kaya nga niya akong lokohin.

Alam kong nahulog kami sa isa't-isa sa madaling panahon. Alam ko ring mali dahil magka-iba kami ng ginagalawan but I just can't help it. Naisip ko naman ang mga warnings na ibinibigay sa akin ni Topher. Sabi niya niloloko lang ako ni Kiero.

Pero, sabi ni Kiero hindi na niya ako pinaglalaruan. Sabi niya tapos na!

Sa kakaisip ng kung ano-ano ay hindi ko na namalayang nakatulog na rin pala ako ng mahimbing sa tabi ni Kiero.

Ngayon ay nakahawak si Kiero sa kamay ko habang tinutungo namin ang daan papuntang cafeteria. Napag-alam naming walang klase kaya dumiretso na kami papunta rito.

Hindi ko rin nakita si Xander at hindi ko rin alam kung nasaan siya. Napanguso naman ako ng makita ang mga babaeng mariing nakatitig sa aming dalawa ni Kiero.

Simula nang malaman ng lahat na kami na ay ramdam kong hindi lahat sang-ayon doon. At naiintidhan ko sila. Alam kong maraming may gusto kay Kiero at ako'y isang hamak na transferee lamang na biglang dumating sa buhay niya. Kaya minsan hindi ko na lang sila iniitindi.

"Don't mind them, love." wika ni Kiero sa tabi ko.

Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot. Pumasok kami sa cafeteria at bumungad sa amin ang pagtahimik ng lahat ng estudyanteng nasa loob. Tila ba na weirduhan ako sa ikinikilos nila.

Kakaiba ang kutob ko sa mga titig na ipinupukol nila sa akin. Bakit? Anong nangyayari?

Umupo ako sa gitna ng mesa kung saan umuupo ang Devil Phoenix. Hinayaan ko na lang na si Kiero na siya ang mag order ng kakainin namin. Hindi ko na kasi yata kayang humakbang pa dahil pinagtitinginan nila kami.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now