Chapter 11: The Jealous Devil

133 54 8
                                    

Chapter 11: The Jealous Devil

Maaga akong nagising kinabukasan kaya maaga rin akong nakapaghanda. Naglalakad na ako ngayon patungong training hall. Napag-planohan kasi namin kahapon na ngayon na lang kami mag sasanay.

Matapos ng nangyaring pag-uusap kahapon ay bigla na lamang nawalan ng gana si Kiero na magsanay atsaka nasabi na rin niya kay Thoris na nando'n kami sa training hall upang tumingin ng mga weapons hindi upang magsanay.

Kaya 'eto ako ngayon dala-dala ang isang bottle ng tubig at panyo. Nakasuot lamang ako ng simpleng damit, fitted pants atsaka rubber shoes.

"Xandra!"

Napatingin naman ako sa likuran ko nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko at nakita ang lalaking tumatakbo papalapit sa akin.

I wave. "Topher!"

Ngayon ko lang napansin na maitsura nga talaga ang lalakeng 'to.  Well lahat naman sila. Maitsura talaga ang Devil Phoenix. 'Yon nga lang behind that look eh may itinatago pala sila.

I then looked at Topher who is now running fast towards me. Ang wavy niyang buhok na sumasabay sa hangin at ang kulay asul niyang mata ang nagbibigay asset sa kanyang mukha. Na kung tititigan mo ay maaakit ka talaga. Sa kanilang apat si Topher ang parang mas malapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit.

Si Kiero kasi pahamak lang ang dala no'n sa akin. Si Leo naman minsan tatahimik minsan lalabas ang pagka arogante kaya minsa hindi kami magpapansinan. Si Alex naman 'yong tipong palaging nang-aakit ng mga babae na totally hindi ko gusto.

"Papunta ka nang training hall?" tanong ni Topher pagkalapit niya sa akin kaya tinangoan ko naman siya.

"Oo." tipid ko namang sagot sakanya.

Rinig ko namang hinihingal siya sa tabi ko. 

"Sabay na tayo." wika niya at tumabi sa gilid ko kaya hinayaan ko na lang siya.

Nakapasok kami sa loob ng training hall na walang ka tao tao. Kahapon lang ay maraming estudyanteng nagpunta rito.

Iba't-ibang department ang nagsanay at nag ensayo kaya maganda pala talaga ang plano namin na pumunta dito nang maaga.

"Pre!" rinig kong tawag ng boses ni Alex sa may pinto.

Napatingin naman kaming dalawa ni Topher at nakita si Alex na kumakaway sa amin. Sumunod naman si Leo sa likuran niya. Ngunit hindi ko nakita si Kiero.

"Asan si Kiero?" takang tanong ko.

"Papunta na 'yon dito." bagot na sagot ni Leo sa akin.

Makikita mo talagang bagong gising pa siya. Tinangoan ko na lamang siya at nilapitan si Topher na ngayon ay nagsusuri na ng mga weapons na pwedeng gamitin.

"Anong gusto mong gamitin?" tanong sa akin ni Topher pagkalapit ko.

Napatingin naman ako sa mga armas, knives at iba pang pwedeng gamitin sa pakikipaglaban na nakahilera sa mesa at namangha. Ang gaganda ng mga fire arms nila at mayroon din silang ninja weapons na syang gustong gusto ko.

Nakuha naman nang atensyon ko ang tatlong shuriken na nakapwesto sa gitna. Kukunin ko na sana ito ng bigla akong pinigilan ni Topher.

"Sigurado kang 'yan ang gagamitin mo?" takang tanong sa akin ni Topher kaya tinangoan ko naman siya.

Bakit? May problema ba?

"Alam mo kung paano gamitin 'yan?" tanong niya sa akin at tinangoan ko naman siya.

"Okay.." wika niya at napatingin sa shuriken na gusto kong kunin.

Kinuha ko naman ang tatlong shuriken sa mesa at ipinakita sa kanya.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now