Prologue

557K 12.1K 4.2K
                                    

PROLOGUE

MADILIM na ang paligid nang makarating sila hindi kalayuan sa kuta ng mga sindikato. Natanaw nila ang mga kalalakihan na nagmamatiyag at palakad-lakad sa labas ng lumang gusali.

"I gotta go." Clane said to Keith as he make sure that his earpiece is in the right place and working.

Ina-assemble na nito ang sniper rifle habang siya naman ay siniguradong maayos ang lahat ng armas na nasa katawan niya.

Killing knifes, guns and bombs. He's armed and ready to battle.

"There are more than thirty people inside and outside of that old building. The kid is in the second floor together with the Syndicate's leader and his trusted men." Sinasabi ni Keith iyon habang nakatingin sa high tech na telescope.

"Let me see."

He look at the telescope and saw the people in the building. Ang iba ay gising na gising habang ang iba naman ay nagpapahinga na, natutulog sa upuan. It's really a perfect time to get inside the old building and save the kid.

The young girl that they kidnapped in exchange of 100M.

"Cover me."

Hindi na nagsayang pa ng oras si Clane. Malalim na ang gabi at magandang tiyempo iyon para pasukin ang kuta ng mga sindikato.

Maingat na bumaba siya sa masukal na bundok, malalaking ugat ng puno ang siyang naaapakan niya, isang pagkakamaling hakbang lang ay tiyak na lalagapak siya sa paanan, kung nasaan ang lumang building.

It took him ten to fifteen minutes walk before he finally reached the gate at the back of the building. Mas madaling pumasok doon kumpara sa main gate.

Dalawa ang nagbabantay doon, kapwa armado.

"You want me to shoot the fuckers?" It was Keith, talking through their listening device.

"No, thanks."

"Yabang talaga ni gago. Alright, the spotlight is yours."

Maingat siyang humakbang, nagtatago sa dilim hanggang sa maglakad papunta sa gawi niya ang isang lalaki.

Mabilis niya itong nahatak, kaagad na tinakpan ang bibig bago pa makagawa ng ingay. Pumalag ngunit hindi umubra sa lakas niya. He could feel that his muscles tensed. The adrenaline rush made his body very aggressive.

Mula sa pagkakasakal ng matigas niyang braso sa leeg nito, hinigpitan niya pa iyon. Hindi makapiyok ang lalaki, sa tanglaw ay nakita niya ang paghahabol nito ng hininga, maluwag na rin ang kapit nito sa braso niya.

"Brute, you're killing him." It was Keith.

Nagtagis ang bagang niya at malakas na hinampas ang batok nito ng baril na hawak niya.

Napasipol ang kabilang linya. "One, down."

Maingat na hinila niya ang lalaki sa gilid bago unti-unting naglakad ulit sa gate, sa likod ng lalaking nakaupo.

"Clear." Keith muttered, telling him that nobody is watching them, he's free.

Isang haklit ang ginawa niya sa lalaki, mabilis itong nahawakan siya sa braso, napigilan ang pagsakal niya. Umikot ito at kaagad na umigkas ang kamay papunta sa kanya ngunit alerto niyang nasangga iyon, sabay igkas ng mabigat na kamao niya sa sikmura nito.

Territorial Men 6: Clane AltarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon