25 ~ Jealous

397K 9.8K 1.9K
                                    

Announcement:

What:
MIBF / Book signing & Book Launching
When:
September 14, 2019 / 1pm to 5pm.
Where:
First floor, Stage Area 1, SMX Convention Center, Mall of Asia.

First time ko magpunta sa MIBF para mag sign. Lalabas po ang Territorial Men Series Book 2: Drake Villafuente.

Book version:
More bed scene
Special Chapter (Wala sa Wattpad)

Available rin po si Colton Altaraza. Same price silang dalawa, P249.

First 30 na magpapa sign lang po ang mabibigyan ng freebies. Sana makapunta kayo at magkita-kita tayo! 💕


CHAPTER TWENTY FIVE

NAKATINGIN lang siya kay Clane. For the second time, he asked her to marry him. The first one was when they were in Hawaii, they are officially engaged back then, but she broke up with him after her father's sudden death.

At sa mga sandaling 'yon, sumubok ulit ito na kunin ng tuluyang ang kanyang kamay. Her heart is screaming wildly inside her chest, it almost choke her.

She was wondering what's really his reason for all of these? Is it because she's pregnant? Is it because of their deal a few years ago? Or, there's something more? She wanna know!

"W-why? Why do you wanna marry me?" She asked softly.

Clane switched his position, he went down to the fury floor and kneel down in front of her. Kinuha nito ang mga kamay niya, dinala sa labi saka marahan na hinagkan.

That gesture melt her. Lihim siyang napahugot ng hangin sa dibdib, hindi kinakaya ang malakas na pintig ng puso, sinasabayan pa 'yon nang tila mumunting sipa ng kung sino sa loob ng kanyang tiyan.

Napapanguso siya, naiisip kung ano na ba ang nararamdaman ng anghel sa sinapupunan niya? Lalo at hindi talaga magkandamayaw ang bawat pagkalabog ng tibok ng kanyang puso.

"Are you asking me the reason why I wanna marry you?"

Ang namumungay na mga mata nito ay lalong nabigyan ng emosyon dahil sa mapusyaw na liwanag na bumabalot sa kanila. Sapat na ang mumunting ilaw ng lampshade sa gilid at telebisyon sa harap para maging romantiko ang paraan ng paghingi nito ng kamay niya.

"Yes."

"Why do you think I want you to be my wife?"

"Because of the deal." She was quick to answer.

"That?" He's disgusted. "And?"

"And... because I'm carrying your child?"

Halos mapailing si Clane sa mga sagot niya, may disgusto sa gwapong mukha. His thick brows are furrowed already together with his forehead. Kahit na ganito na ang itsura nito, hindi niya pa rin matulungan ang sarili na huwag itong lihim na hangaan.

Sa totoo pa nga ay natutuwa siya na pagmasdan ang iritasyon na unti-unting bumabalot sa mukha nito.

"Hindi ka pa buntis, inaya na kitang magpakasal. Kaya, hindi kita papakasalan dahil lang magkakaanak na tayo."

"Then, the reason is... our deal?"

"No," He was quick. Lalong nagdudugtong ang mga kilay nito, halatang iritado na, kinokontrol lang.

"Then, why? Siguro kapag nagpakasal na tayo ay mas mapapadali ang pamamalakad mo sa kumpanya? Gano'n ba? O, baka naman may babaeng naghahabol sayo at ang paraan lang para tumigil siya ay ang magpakasal ka sa akin-"

"Tang ina, mahal kita..." Napapaos na putol ni Clane sa kanya. Naubusan na talaga ng pasensya.

Pakiramdam ni Yesha ay nalunok niya ang lahat sana na sasabihin pa. Ang kaninang malakas na kalabog ng dibdib ay dumoble pa dahil sa narinig. Paulit-ulit na rumirihistro sa pandinig niya ang paos na mura nito at ang salitang Mahal Kita.

Territorial Men 6: Clane AltarazaWhere stories live. Discover now