31 ~ No

290K 9.2K 2.3K
                                    



CHAPTER THIRTY ONE

IT FEELS like a dé jàvu to Ayesha. She can still remember the day she was being kidnapped when she was ten. Hindi na siguro kailanman maiaalis sa memorya niya ang araw na 'yon. It was part of her childhood and it will remain like that.

Madilim ang paligid sa pinagdalhan sa kanya noon at lalong nagdilim dahil nakapiring ang kanyang mga mata, naririnig niya ang mga komosyon sa paligid gamit ang ibang lenggwahe, ngunit ngayon, komosyon ng mga tarantang panauhin ang bumalot sa pandinig niya.

"Ano'ng nangyari? Bakit namatay ang lahat ng ilaw?"

"Calm down. They are fixing it now."

"Wala akong makita."

Siniko niya ang kung sinoman ang may hawak sa kanyang palapulsuhan. The darkness made her blind, she can't recognize who he is, but surely, he's a man with wide built.

"Sino ka... s-saan mo ako dadalhin." Nanginig ang boses niya, hindi makawala sa kapit nito kahit pa ilang beses na siyang magpumiglas.

Nanatili sila sa back stage, habang ang paligid ay paunti-unting kumakalma. Gusto niyang sumigaw, pero pinapangunahan siya ng takot na baka saktan siya ng kung sinoman ang may hawak sa kanya.

She can't risk her safety, especially now that she has a son who needs her and a husband who will be worry if something bad might happen to her. Kailangan niyang kumalma at umisip ng paraan kung paano tuluyang makakalayo sa lalaki.

"K-Kung kailangan mo ng pera, handa akong magbigay, pakawalan mo lang ako. Magkano ba ang kailangan niyo?" Nagmamakaawa na sabi niya, pero sinulyapan lang siya nito.

"I don't need a money, my sister in-law."

Shock by his familiar voice, Yesha move to face the man.

"C-Carter?" Pumiglas siya at lumuwag ng bahagya ang pagkapit nito sa kanya. "Ano 'to?"

"Shh." Pinatahimik siya ng kapatid ng asawa, na tila ba kasalanan ang pagsasalita sa mga sandaling 'yon. "Shut your mouth for a moment, please."

"Ano ba ang nangyayari?" Bulung-bulong niya, nakahinga na ng maluwag dahil wala sa peligro ang buhay pero... "Nasaan na ang mag-ama ko?"

Hindi ito nagsalita, nanatiling naka-matiyag sa dilim. Habang siya ay nabubulag na sa kadiliman, si Carter naman ay tila may matang pusa sa talas ng tingin sa paligid.

"Dalhin mo na ako sa mag-ama ko. Ang baby ko, baka nagugutom na 'yon." Aniya, nararamdaman ang medyo pananakit ng dibdib, it was full and she need to release a milk.

Umasa siya na marinig man lang ang iyak ng anak, kahit iyak lang, mapapanatag na siya na ayos lang baby niya, pero walang iyak o ingit man lang na umalingawngaw. Wala siyang ideya kung ano ba ang nangyayari pero may guhit ng kaba sa kanyang dibdib, kaba na ikinabahala niya bigla.

"Carter, ayos lang naman, di ba? Nawalan lang ng kuryente?"

"Where?" Carter murmured, as if he was talking to someone. He tilted his head, his free hand is on his ear. Sa anino ay nasisilayan niya ng kaunti ang bawat galaw nito. "Si Kuya? The fuck? Bakit si Kuya?"

"What happened? Si Clane? What happened to my husband?" Panic consumed her.

Sinubukan niya kumawala sa kapit ni Carter ngunit humigpit lang 'yon, hindi siya binigyan kahit kaunting pag-asa na makakaalis sa tabi nito.

"Ang baby ko... nasaan ang baby ko? Carter! Ano ba!"

She was panicking and her eyes watered. Maisip niya palang na may mangyayaring masama sa mag-ama niya ay para na siyang hinahati sa sakit at labis na pag-aalala. Siya nalang sana!

Territorial Men 6: Clane AltarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon