19 ~ Moving On

305K 9.1K 2.2K
                                    



CHAPTER NINETEEN

NAMAMANHID na ang puso ni Ayesha, wala nang mapaglagyan pa 'yung sakit na nararamdaman niya ngayong wala na ang pinakamamahal na ama. She broke down, and when she woke up, it's still the same, her dear father is gone.

Ilang araw siyang gumigising sa umaga na hindi na alam kung saan ba talaga papatungo ang buhay niya, kung gusto niya pa bang bumalik sa Amerika o manatili nalang sa Pinas. Pero kung pipiliin niya ang pangalawa, parang pasakit iyon sa sarili niya. If she would stay in their mansion, she would only hurt herself for thinking about her memories with her father.

Puro kasiyahan ang mga ala-alang iniwan sa kanya ng namayapang ama, 'yung sa sobrang saya... ang sakit na kapag iniisip niya. Kasi wala na 'yung taong 'yon, hindi niya na makakasama pa, kung makasama man, siguro sa pangalawang buhay niya na sa langit.

"I wanna die so I could be with daddy." She whispered out of the blue.

Tulala na nakatingin siya sa kawalan. Sa tabi niya ay si Kelly na dinadamayan siya magpa hanggang ngayon simula pa nang maihatid ang daddy niya sa huling hantungan. They are in her condo unit in Bonifacio Global City.

"Bago mo gustuhin 'yan, isipin mo muna ang mommy mo. Hindi lang naman ikaw ang labis na nasasaktan sa pagkawala ng daddy mo, Ayesha."

"Kung sana ipinaalam nila sakin ang kalagayan ni daddy, sana nakasama ko pa siya."

Napabuntong hininga si Kelly at umakbay sa kanya.

"Alam ko, may kasalanan din ako. Sorry ulit dahil pati ako ay naglihim sayo sa nangyayari kay Tito William. They asked me a favor, I can't say no to them because your parents is very kind to me. Naalala mo bago umalis pabalik dito?" Tumango siya, natatandaan ang pag-uusap nilang iyon ng kaibigan. "Gustung-gusto kong sabihin sayo 'yung nangyayari, sinikap kong wag nalang kasi katulad ng mommy at daddy mo, ayoko na makita kang nasasaktan..."

"Pero ayos lang na masaktan ako, Kelly, basta alam ko 'yung nangyayari kay daddy. Mas masakit 'yung hindi ko alam... at magigising nalang ako isang araw na wala na pala siya." Nangilid ang luha sa gilid ng kanyang mata. "Ang sakit na pinaglihiman ako. Okay na okay na sampalin nalang ako ng katotohanan, wag lang 'yung ganito... mas mahirap 'yung wala kang alam."

Nagtataka na siya noon na hindi na nakikipag video call sa kanya ang daddy niya, paminsan-minsan ay tawag nalang.

Hindi lang talaga sumagi sa isip niya na may nangyayari na palang hindi maganda lalo at sa tuwing nagtatanong siya kung ayos lang ba ang mga ito ay palaging maayos ang sagot sa kanya.

Kaya paano siya magdududa na nasa masamang estado ang kalusugan ng ama? If they fed her with the words; Everything is fine.

Masyado ba siyang manhid bilang tao at bilang anak na hindi niya naramdamang hindi maayos ang kalagayan ng daddy niya?

"Naiintindihan ko. Masakit nga na paglihiman. Umaasa ako na isang araw ay magkakaro'n din ng puwang dyan sa puso mo na patawarin ang isa pang tao na naglihim sayo. Hindi lang sana ako at ang mommy mo, Yesha."

YESHA is just near but Clane felt like she's thousand miles away again. Sa D'Club niya inuubos ang gabi. He admit that hiding William's condition to Ayesha was a fault. Sa umpisa palang nang paglilihim niya sa bagay na iyon ay inihanda niya na ang sarili sa maaaring kahantungan kapag nagkabukuhan na.

And he was right, Ayesha will get mad at him. The annoying thing is, he was the only one she can't forgive like as if he was the reason to all of those. What a brat.

"Hulaan ko kung ano ang iniisip mo, Altaraza." Si Zyron na kadarating lang sa vip room na inuukopa niya. "Babae."

"I am not like you, Fuentes."

Territorial Men 6: Clane AltarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon