11 ~ Give up

322K 9.4K 1.6K
                                    

CHAPTER ELEVEN

One year later...

IT WASN'T easy as breathing. Yesha's dream to be a model was like a stars in the sky, unreachable.

Nasanay siya na nakukuha ang lahat nang naisin simula pagkabata, pero, sa mundong ginagawalan sa mga sandaling 'yon, pinatunayan sa kanya na hindi lahat ng naisin natin ay makukuha nang isang kisap mata lang.

Isang taon na silang naninirahan sa America, isang taon na nag-aaral habang isinasabay ang pagpipilit makapasok sa industriya ng pagmomodelo.

"Don't you dare giving up." It was her mother's warning tone.

Kauuwi lang nila galing sa isang kilalang agency na humahawak sa mga sikat na modelo ng mga sikat at mamahaling sasakyan.

Napapagod na naupo siya sa kama, nawawalan na nang pag-asa na makamit ang inaasam na pangarap. Kinailangan niya pang mag workshop sa pagmo-model at magbayad ng ilang libong dolyar, pero hanggang ngayon, wala parin magandang balita.

"I'm just tired, but I won't give up, mom." She assured her.

Naupo ito sa tabi niya, hinawakan ang kanyang mga kamay. Her mother knew her so much, na nararamdaman kaagad nito kapag nasa bingit na siya nang pagsuko.

"Sinabi ko na sayo, di ba? Hindi ito magiging madali. Palaging may mga tinik na nakaharang sa bawat hakbang papunta sa pangarap ng isang tao at kailangan mong apakan lahat nang iyon. You need to endure all the pain that will come your way. If you really wanted to reach your dream, then, don't think about giving up."

Malungkot na tinignan niya ang ina. She was always there to cheer her up everytime she lose hope. She support her all the way and help her always. But the struggle to be a model is fucking real.

"Paano kung hindi naman talaga ito para sa'kin, mom?" Bumaba ang kompyansa niya sa sarili.

She has the face and the body. She's fucking qualified to be a model. Pero bakit hindi iyon makita ng bawat modeling agency na pinupuntahan nila? Hindi ba siya sapat? Wala ba sa katangian niya ang maging modelo?

"Paano kung ang lahat ng ito ay pagsubok lang? Paano kung para sayo talaga ang pagmomodelo? Kaya lang ay maaga kang sumuko, kaya hindi mo naabot." Balik tanong nito.

"Hindi ko na alam kung... gusto ko pa bang ituloy ito."

Nagbaba siya ng tingin sa mga kamay nila, hawak ng mommy niya ang kanya, kung bibitawan nito ang kamay niya, parang... binitawan na rin nito ang suportang ibinibigay sa kanya.

"Ngayon ka pa susuko? We've been through a lot, Ayesha. Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon na ito. Ako rin!"

Halos bitawan nito ang kamay niya sa pagkainis kaya lang ay nakapitan niya, natatakot na bitawan nga talaga siya nito. Ang mommy niya lang ang nakapagbibigay sa kanya ng todong suporta at ayaw niyang mawala iyon.

"Mom,"

"Do you know how hard is this for me, too? Seeing my daughter losing her hopes? 'Yung lahat nang paghihirap, pagod at pawis na inalaan mo para lang maging modelo ka, papabayaan mo nalang lahat ng 'yon? Hahayaan mong mawalan nalang ng saysay?"

"Ayoko..." Umiling siya, nangingilid na ang luha sa mga mata. "I don't want all of my hard works to be worthless in the end. I won't give up, mommy, I swear. Maybe, I am just tired."

"Then, rest."

"I'm sorry." She whispered and her tears roll down her cheeks. Maagap niyang pinunasan iyon. "Alam kong napapagod ka na rin po, pero, ni minsan hindi mo ako sinukuan. You were always here for me. You always choose to be with me... than dad."

Territorial Men 6: Clane AltarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon