Homecoming

1.3K 22 0
                                    

Dennise Michelle Garcia Lazaro just graduated BS Biology in Ateneo de Manila University.

Her proud parents are all smiles as they went to restaurant with LA Revilla, Dennise's long-time boyfriend; Gio Altamirano, LA's cousin; Annalea Agustin, Gio's girlfriend; Justine and Mosh, Dennise's younger siblings; Ella De Jesus, her bestfriend and Roi Sumaoang, LA's bestfriend.

Hindi binibitawan ni LA ang kamay nya. Na wala naman syang reklamo. She loves him. He's loyal and patient and everything she could ever ask for a boyfriend. Napapangiti na lang din naman ang mga parents nya since LA brought that shine on their daughter's eyes na nawala six years ago.

Pagkatapos ng lunch nila ay umuwi na din sina Gio, Annalea, Ella at Roi habang si LA ay sumama pa sa bahay ng mga Lazaro.

Doon na din ito nagdinner dahil hindi din ito pinayagan ng mga magulang ni Dennise na umalis ng hindi man lang naghahapunan.

"Anyway, Dennise anak." Simula ni Mike, dad ni Dennise. "May gusto sana kaming sabihin sa iyo, anak."

"Ano po yun, Dad?" Tanong naman ni Dennise sa ama na mukhang seryoso.

"Tumawag ang Mama at Papa, anak." Suporta ng Mom nya. "Nabalitaan nila na nagtapos ka na ng college at masaya sila para sa'yo."

Napangiti naman si Dennise. Close sya sa lolo't lola nya sa probinsya. Dahil na rin sa sya ang unang apo sa paboritong anak na si Mike ay sa kanya halos ang pabor ng mga matanda.

"At gusto nila na makita ka, Dennise."

Nawala ang ngiti nya sa sinabing iyon ng Dad nya.

Kaagad itong umalma. "Pero dad. Alam nyo naman po na ayaw ko'ng nagpupunta doon di ba? Bakit hindi na lang po sila bumisita dito gaya noon? Sila pa nga ho yung nagsasabi na kung ayaw ko'ng bumalik doon eh sila na lang ang pupunta dito."

"Dennise, anak." Napahinga ng malalim si Mike. "Hindi kaya ng lolo mo na magbiyahe ngayon. Natatandaan mo pa na na-stroke sya nito lang. Kaya please, anak. Tsaka, okay lang din naman. Pwede mo'ng isama sina LA at mga kaibigan nyo. Make this a little trip for all of you guys."

Hinawakan naman ni LA ang kamay ng nobya sa ibabaw ng mesa at ngumiti. "Gusto ko din makilala na ang lolo't lola mo, babe."

Wala nang magawa si Dennise kundi um-oo.

•••••••

Pumayag naman si Ella, Gio, Anna at Roi na sumama sa kanila.

Lahat maliban kay Ella ay excited para sa nalalapit na bakasyon sa probinsya. At syempre, dahil sila-sila lang din at walang mga guardian na kasama kaya feeling nila ay extra special dahil sa freedom na iyon.

Si Ella naman ay nag-aalala. Magbestfriend na sila since highschool at hindi maaalis sa kanya na mag-alala oara sa kaibigan dahil nung kaka-transfer lang nito mula probinsya ay para itong lantang gulay. After months of being just company to Dennise, naging magkaibigan ito until she eventually opened up to her.

Batangas isn't something that brings good news to Dennise. That's what she's sure of.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Oh? Okay na ba lahat?"

Isinara ni Gio ng malakas ang likod ng SUV at saka ngumisi kay LA. "Ok na paps."

"Sigudaro ka?" Paniniguro ni LA.

"Tsk! Wala ka bang tiwala sa akin? Gusto mo i-check mo pa lahat ng mga yan." At ito naman ang ginawa ni LA. "Jusko naman, Par! Para kang pulis dyan kaka-inspect eh!"

"Par, si Dennise tong pinaguusapan natin. At ihahatid ko sya sa lolo't lola nya na talagang importante para sa kanya at si Dennise eh mahalaga din dun sa mga matatanda. Kailangan ligtas ko maiharap dun si Den. Walang galos o anuman." Paliwanag nito.

Umiling lang naman si Gio. "Pa-good shot lang naman pala ang loverboy! Seryoso ka na talaga dyan ah!"

"Malamang seryoso ako sa kanya, pare! Liligawan ko ba kung hindi?!" Angil ni LA sa pinsan.

Napangisi ulit si Gio sa pinsan nya at saka umiling. "Aay. Oo nga naman no? Well. Hindi naman kita pipigilan dyan, paps. Yan yung gusto mo eh. Tsaka hindi naman na din masama si Dennise."

Bahagyang tinulak sya ni LA. "Anong hindi naman na masama? She's the one for me, pare... di ko na papakawalan yan."

Kibit balikat na tumalikod si Gio. "Nakalimutan ko'ng in love ka nga pala sa jowa mo. Hala, sige. Bahala ka."

♧♧♧♧♧

Niyakap ni Dennise ang mga magulang saka sina Justine at Mosh dahil andyan na ang sundo nya na sila LA.

Hindi din kasi pwede ang mga magulang niyo dahil sa kompanya at ang mga kapatid ay may summer camp pa ina-attend-an.

Lumabas si LA sa sasakyan para na din kunin ang gamit ng nobya at para maayos na magpakita sa mga magulang nito.

"Ingatan mo anak ko, ha LA. Walang galos. Usapang matino." Paalala ng ama ng nobya.

"Opo, tito. Pangako po. Makakaasa po kayo."

"Oh sya. Sige na at baka kung saan pa mapunta ang usapang lalake nyo. Sige na mga anak. Ingat lang sa pagmamaneho, ha."

Tumango si LA saka hinawakan na ang kamay ni Dennise at giniya papunta sa sasakyan.

Sa likod silang mga girls dahil magsasalitan ang mga boys sa pagdadrive. At para na din hindi ma-out of place si Ella since sya lang ang walang partner sa kanila. Well, si Roi din pero iba ang galit ni Ella dito dahil ayaw nito sa maangas na ugali ng lalaki.

"All right! Ladies, just sit back and relax dahil maihahatid namin kayo sa Batangas ng safe and sound."

Umiling si Anna at inirapan si Roi. "Ang corny!"

Nagtawanan sila saka na pinaandar ni LA ang sasakyan saka bumusina ng dalawang beses sa mga magulang ni Dennise na kumakaway pa sa labas.

"Eh yun naman talaga ang kabilin-bilinan netong si Paps LA eh. Para ngang pulis yan na ilang beses sinigurado na kompleto sa tools, spare tire, baterya, tubig at gasolina 'tong sasakyan." Natatawang banggit ni Gio na kinapula ng mukha ni LA at panatingin sa rearview at nagtama ang paningin nila ni Dennise. Pero imbes na mapahiya sa girlfriend ay napangiti ito dahil sa ngiti ng nobya.

"Aba, aba, aba! Kumurap naman kayo, mga Par! Paps, wag kang ganyan pag ikaw na magdadrive ha! Den, iwasan mo muna tumingin dito sa boyfriend mo pag sya na nagmamaneho dahil baka maaksidente tayong lahat!" Tawang-tawa si Roi.

"Naman! Ang tamis eh! Isa't kalahating taon na nga sila, pero parang nagliligawan pa din!" Dagdag ni Anna na may himig na pagpaparinig sa boyfriend na nagkamot ulo na lang.

"Swerte lang talaga ako sa kanya," sambit ni Dennise na napakatamis ng ngiti.

"Uy! Hindi kaya! Ako kaya ang swerte sa'yo, babe." Ngumiti si LA dito. "Pinakaswerte sa lahat."

"Yyiiiieee! Tama na yan! Lalanggamin na tayo dito!" Panira ni Ella na nauumay na kanina pa.

"Alam mo, Ellapot? Para di ka maumay, sagutin mo na lang kasi ako!" Asar ni Roi.

"Che! Kung ikaw lang din, kahit mahighblood na ko sa dalawang to no!"

Tawanan ang lahat.

At nagpatuloy pa ang masayang kulitan sa kotse ng magkakaibigan.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon