Natural Curse

652 22 2
                                    

AN:

Tada! Pahabol! Ayan. Last update for this year! Enjoy!

///


Parang ang tagal tagal ng gabi.

Halos nagalugad na ng grupo ang kasuluk-sulukan ng Pinas para gawing topiko sa usapan nila.

"Oy, ikaw... Ahhh... Ali!"

Tumingin si Alister sa kanina pang nambabasag sa kanya at tumango. "Oh?"

"Alam mo ba kung hanggang kailan tayo mag-aantay dito? Parang ang haba-haba ng gabi!" inip na sabi ni LA.

Alam naman iyon ni Ali. Oo, narinig nya ang istorya ng mga turistang hindi na nakakabalik ng buhay. Pero gaya ng alam nya, Disyembre lamang nangyayari iyon. Ngayo'y magkakalahati pa lang ng taon. Isa pa, sira lahat ng mga bagay na pwede nilang gamitin na pang-kontak sa mga pamilya nila. At lalong lalo na hindi sila makapasok sa mga van. At hindi pa din tumitigil ang buhos ng ulan.

"Pasensya na pero..."

Suminghal si LA at itinaas ang dalawang kamay na parang suko na. "Kung makapagkwento ka ng tungkol sa kwento-kwento dyan akala mo naman alam na alam mo ang nangyayari sa atin! May pa-wag matutulog ka pang nalalaman! Ano na?! Lahat na tayo pagod na pagod na! Wala na bang ibang paraan para makaligtas tayo dito?!"

Napayuko sa sama ng loob si Alister.

Gusto nyang may gawin.

Gusto nyang makagawa ng solusyon para mailigtas silang lahat–lalong-lalo na ang mga kasama, para makauwi na sila sa kani-kanilang mga pamilya.

Kaya naman nalulungkot din sya na wala syang magawa... ni maisip man lang ngayong gabi.

"Alam ko na pagod na kayo. Alam ko latang-lata na kayo at gusto nyong makaligtas. Gusto ko din. Gusto ko may gawin. Kaso ni hindi ko nga alam kung paano ako napadpad dito. Gustuhin ko man na makaalis tayong lahat, wala ako'ng magawa. Pero ganoon lang talaga ang naririnig ko'ng bali-balita sa daan. Kahit sila, hindi din ganoon kadami ang nalalaman patungkol dito sa... sa sitwasyon natin ngayon."

"Ali, wala kang kasalanan." hinawakan ni Bang ang kamay nya.

Dalawang tao ang matamang sinundan ang kamay ni Bang.

"TSS... Alam mo pa-good boy ka masyado eh." wala na din naman pwedeng gawin si LA kaya lumayo sya at naglibot sa bahay.

Kung hindi lang namatay ang pinsan at barkada nya, aakalain nya na hindi naman haunted o creepy ang bahay.

May pintura itong apple green sa mga pader. May mga ilaw din. Iilang muebles.

Hindi din naman nya ma-kontra ang plano ng nagmamagaling na taong yon. Masakit man aminin pero tama sya sa baka pag natulog sila, gaya nila Roi at Gio ay baka sila na ang sumunod.

Nadaan sya sa kusina at napansin ang nasa lababo.

*****

"Hi!"

Tinginan ang lahat sa kababalik lang na si LA na may dalang isang tray na may mga mug.

"Para hindi tayo makatulog! Kape!"

Taka na tiningnan sya ng mga kasama.

"Uhh... Babe? Saan mo nakuha to?"

"Sa kusina!" nakangiti nitong inabot ang mga tasa. Una kay Dennise, Ella at Annaleah. Sumunod kanila Bang, Mela, Kim, Victon at Ali. "Di ba hindi tayo dapat matulog? What better way for us to stay awake than drink coffee?"

Everyone except Ali verbally agreed.

"Oh?" LA asked as he looked at Alister questioningly. "Ayaw mo, pre?"

HauntedWhere stories live. Discover now