Shadow

589 19 4
                                    

AN: Okay so the passed few weeks been rough for me. Also, thank you sa mga voters and readers. 3k views na din pala si Gift. Tapos si We Could've Been malapit na mag-2k so you know im happy. Celebrate the small things.

So i wanna address some issues rn. Like TB. If you ship em skip this note. But really, sobrang... Offensive na nila. I know i ship alyden and they have different partners but thats just it. Dennise is happy. Im all for it. And i thinj ilang beses ko na nasabi how LA amazes me sometimes. Regardless of how i wrote his character in my stories ibang iba sa real life. Bilib talaga ko eh. He knows how to keep a woman. He loves Den and im just glad that i know he's faithful and cheating will never be an issue 🤞 pero naniniwala naman ako di nya magagawa yun kay den. Like i said numerous times, i think he's a good guy. Our Dennise is in good hands 🙌

Meanwhile, so many TB shippers disrespecting Julia and it pains me you know? I know hindi ko sila kilala personally and i shouldnt be affected pero as a shipper im really ashamed for some fellow shipper. Sometimes you just have to set limits you know? And respect will help you big time in remembering those limits. Hindi sila sims. Hindi natin hawak ang buhay at pagde-desisyon nila. And ako na lang ang naaawa kay Thirdy. Imagine not being able to freely date someone/love other girl than bea coz his fans (who claims to support and love him) do that to whoever he dates you know? So alalay lang ha. There's always a line we shouldnt cross people. Thanks 🧠

Ay, lastly 😅 dito na nga pala lalabas ang ating pinakahihintay. At malapit na matapos ang book 1. Or booklet 1. And we will keep AV the mystery for now. There will be a lot of things na vague pa ngayon. But will tackle them for sure. If time permits, mabibigyan natin ng hustisya ang misteryo na... Finoformulate ko 🤣🤣🤣

*****

"AHHH!!!"

Sinubukan ulit ni LA na paandarin ang sasakyan pero wala ulit.

"Putang-ina umandar ka na!" pinagsusuntok nito ang manibela. "Andar!"

Hinawakan ni Dennise ang braso ni LA. Magkahalong takot at away ang nasa mga mata nito.

LA's nose flared as he opened the door next. Then he pulled Victon outside.

Kumukulog at kumikidlat pa din.

Magliliwanag saka magdidilim ang kapaligiran. Parang ilaw na patay sindi.

"Sinadya nyong lahat nang 'to ano!?! Sumagot ka! Kayo ang may gawa nito! Galit din kayo gaya ng ibang mga pobreng may balak gawan ng masama si Dennise! Gaya ng sabi ng Don? Di ba?! Tama ako, di ba?! Pinlano nyo lahat nang to!" akusa nya kay Vic.

Lumabas na si Dennise. Inaawat ang nobyo.

"Babe... Babe, walang may gusto nang nangyayari." naluluhang sabi ni Den. "I know–I know it's hard for you. And it's hard for us too, pero wala silang kasalanan." pakiusap ni Den.

"Tama!" sabat ni Anna. "Hindi nila kasalanan... Dahil kung hindi ka sana nagyaya na umuwi dito buhay pa Sana si Gio! Buhay pa sana si Roi!"

"Shut the fuck up will you!?" galit na sigaw ni LA sa nobya ng yumaong pinsan. "How stupid can you get?! Hindi kasalanan ni Dennise! Wala syang kasalanan! Ito! Itong mga traydor na to! Umamin na kayo! Niligaw nyo kami ano!?"

Hinigit ni Kim si Victon mula sa pagkakasakal ni LA sa kanya.

"Teka lang naman! Grabe ka naman makapag-akusa sa amin, LA?! Bakit? Kung talagang balak namin na ipahamak kayo, sa perya pa lang hinayaan na namin ni Vic na saktan sya ng taong may galit sa Lolo nya!" tumingin si Kim kay Dennise.

"Ano, Den? Bakit di mo sabihin sa magaling mong syota ang tungkol kay Tata Gardo!"

Tumingin naman si LA kay Dennise.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon