Game

671 22 0
                                    

Kahit papaano, marunong naman si Ella mag-basketball. Lalo na at athletes din sila talaga ni Dennise. Pareho itong kasali sa volleyball team ng Ateneo. Sa katunayan, doon nagkakilala si Dennise at LA.

Si LA ay kasali sa La Salle varsity team noong college sya at ang mga barkada nito ang nagpakilala sa kanya kay Dennise. Hanggang sa niligawan at napasagot nito ang kaibigan.

Si Gio naman, kahit hindi athlete ay may alam pa din sa basketball since ang ama nya ay dating coach ng La Salle. Habang si Roi ay nasa Team B ng isa pang college basketball team.

Kaya nung sinimulan nila ang laro ay naiinis si Ella dahil parang pinaglalaruan ni Roi ang kabilang grupo. Na hindi din naman papatalo sa kanila.

At nakakapagtaka man pero magaling din magbasketball si Dennise. Pero hindi naman na isang malaking tanong iyon. Baka tinuturuan na sya ni LA kaya ganoon.

Tinapik ni Kim ang balikat ni Jia kaya medyo kumalma ito. Bata man ay naiintindihan nya na minaliit sya ng mga kalaban kanina lang. Kaya inis din ito pero nginitian sya ng Kuya Kim nya kaya medyo nabawasan ang inis nito. Saka sya binulungan.

"Ano'ng sabi namin sayo noon, Jia?"

Tumingin si Jia sa Kuya Kim nya tsaka sa Ate Mela at Ate Bang nya. Relax lang ang mga 'to kahit na halatang minamaliit ng mga kalaban. "Na... huwag padadaig sa emosyon."

Lumapit ang Kuya Victon nya saka sya tinapik-tapik sa balikat. "Nakalimutan mo na ata ang mga turo sa'yo ng master mo ah..."

"Uy, hindi ah, Kuya Vic!" Angal nito.

"Oh, di chill ka lang. Alam ko naman magagaling talaga yang mga yan eh. Pero laro lang to, Jia. Walang mawawala sa atin kung matalo tayo. Kaya wag ka na mag-isip ng kung ano-ano, ha." Sabi nito na nakatingin sa kanina pa ngingisi-ngisi na si Roi. "At isa pa, mas malaki yung mawawala sa kanila. Pero iniisip nila, lalo na yang kumag na yan na wala tayong laban. Kaya pwede natin yun magamit laban sa kanila."

Sabay ngisi nito sa kanila.


♢♢♢♢♢♢♢


Hindi aakalain nila Dennise na bigla-biglang nagbago ang laro ng mga kalaban.

Pero naaasar na ito sa mga kasama, maging kay LA dahil hindi din nito sineseryoso ang mga kalaban. Hindi nila nirerespeto pati ang laro.

Pero kahit na parang malaki ang in-improve ng laro ng grupo nila Victon ay parang hindi sila gaano nagseseryoso. Hindi yung nakakabastos pero yung nakakainggit na laro.

Kumbaga, okay lang na magkamali. Pag nagkamali, bawi kaagad. Basta ini-enjoy ng mga ito ang laro. Yun lang.

"Jia! Sa'yo!" Sabi ni Victon saka sila nag-hand-off at bigay ng screen kay Jia. Pero dahil medyo sineseryoso na ni LA at Gio ang laro, nag-switch sila kaagad at nabantayan ni LA si Jia.

Nagdribble si Jia ng hindi inaalis ang tingin sa bantay.

Umatras ng konti sabay baba ng katawan at kino-crossover ang dribble.

"Bilib ako sayo, bata... totoo." Sambit ni LA dito. "Pero... kumpara sa atin, eh mas malaki pa naman pa din ang agwat ng skills nating dalawa."

Hindi lang umimik si Jia. Pero ang mga mata nito ay parang walang binabalak.

Isang quick first step ang pinakawalan nito pero kaagad na umatras para sa crossover between the legs. Muntikan na ma-ankle break si LA pero dahil natural na gwardiya din ang posisyon nito, kaagad itong nakabawi at dinikitan si Jia. Hindi natinag si Jia at nag-jab step sa kaliwa, sumunod si LA sa kanya, parang nakikipag-sayaw.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon