Deluded

607 19 1
                                    

Walang ideya sina Dennise kung ano na ang oras. Ang alam lang nila. Gabi na at may malalakas na kulog at kidlat na may malakas na hangin sa labas.

"Babe?"


Tumingin si Den sa likod at nakita si LA na parang may hinahanap.



"Nakita mo ba si Roi?" tanong ni LA. Tumingin it sa paligid. Pati si Anna, Bang, Mela, Ella at Jia napatingin sa paligid.


"Teka... Hindi nyo ba kasama?" tanong ni Anna.


Umiling si Gio. Si Kim at Victon naman nagkatinginan.


"Ahm–parang pagod sya kanina, mga ma'am, sir." Sagot ni Kim. "Hindi ko nakitang nasunod sya sa atin kanina."


Napatango naman si LA. "Kung sa bagay. Eh mukhang wala sa sarili yung taong yun. Parang hindi Roi. Baka nga nagpahinga muna."




Naglakad si Gio at Roi paakyat.



"Wala sa taas. Nasa storage kami kanina. Hindi nyo ba napansin na umalis o lumabas ng bahay?" tanong ni Gio sa mga babae.




Nagtinginan and mga dalaga. Wala ding ideya.




Pero si Jia, "Hindi ko ho napansin na sumunod sya sa inyo, o lumabas ng bahay, ser."




Tiningnan sya ni Vic ng maigi. "Sigurado ka ba dyan, Jia?"



"Syempre naman no Kuya Vic!" maktol ni Jia.




Ngumiti naman si Victon at pinatong ang kamay sa ulo ni Jia. "Ano ka ba, Ji. Naniniguro lang. High blood ka na ke-bata-bata mo pa."




"Hala. Dun ka muna sa sala having naghahanda kami ng makakain dito."




Tumango naman ang bata saka naglakad papuntang sala.




"Sundan nyo na sila dun. Kami na bahala magdala neto."



[LINE BREAK]

"WAAAAAAAAHHHHH!!!"



Dali daling tumakbo ang mga binata say sala.



Itinuro ni Anna ang walang malay at parang natutulog lang na si Roi.




Napatakbo si LA sa kaibigan at pinulsuhan it.




Ang bigat ng hininga nya nung wala syang naramdaman.



Pero si Gio, napayuko sa sahig at mabilis na nag-perform ng chest compression kay Roi.



Wala itong nagawa.




Walang nangyari.





Hindi nagising si Roi pero tuloy sa paglapat ng first-aid si Gio.




Lumapit na si Dennise at marahang tinapik ang braso ni Gio.




Malungkot itong napailing.




Sila ang nakakita kay Roi at kaagad nya itong pinulsuhan.




Biglang nanginig si Gio. Si LA naman ay latong-lato at hindi makapaniwala.




Umiiyak na sina Anna at Ella habang takot si Jia. Umiiyak.




Pilit tinatakpan ni Mela ang ulo nito para hindi makita ang walang buhay na katawan ni Roi.




HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon