II. Savior's Background

309 12 1
                                    

Two updates? 😁 Yup. Pati ako nagugulat eh

Mahimbing nang natutulog sa gabi ang batang si Alister.

Kinabukasan ay walong taon na si Ali.

Tahimik naman na nagtinginan ang mag-asawang Elena at Fernando.

Huminga ng malalim ang babae. Naluluha.

Hanggang napaiyak na nga sya.

"Tahan na." Masuyong sabi ni Nando sa asawa. "Tahan na."

"Siyam na taon... Siyam na taon na, Nando." Mahinang iyak ni Elena. "Siyam na taon na. Ang tagal na nating hindi sya nakita. Ni hindi nga natin alam kung..."

Nagpunas ng mukha si Nando kasabay ng pagpunas sa kanyang luha.
Dalawang butil na nag-unahan sa pagtulo sa kanyang pisngi.

"Gustuhin ko man, Elena... Na hanapin sya, wala din akong magawa. Sinubukan naman natin hindi ba? Isang taon tayong hindi tumigil kakahanap sa kanya. Pero wala. Pero Elena, alam mo at alam ng nasa itaas kung gaano ko kagusto na mahanap na sya."

Nagpakawala ng mahinang hikbi si Elena kaya naman niyakap sya ng asawa.

"Nasasabik na ko sa anak natin, Nando..." Patuloy ni Elena. "Alam kong malabo. At alam kong mahirap. At malaki ang posibilidad na wala na sya... Pero nasasabik pa din akong makita sya."

Huminga ng malalim si Nando at tumingin sa madilim na kalangitan.

"Ako, man mahal... Ako man..." Saka masakit sa loob na nasabi. "Kung may kakayanan lang sana ako... Napakawalang-silbi kong ama."

Sa kalaliman ng gabi, habang mahimbing at payapang natutulog ang batang si Alister ay sya namang bigat ng kalooban ng mag-asawang Nando at Elena.

Ngayong gabi ang ika-siyam na taon kung kailan naglahong parang bula ang kanilang unica hija.

Ngunit mabigat man sa kalooban, ay kailangan nilang magising ng maaga bukas

Dahil kung ika-siyam na taon ngayong gabi ng pagkawala ng kanilang kaisa-isang anak na babae ay sya namang ika-walong taon ng kanilang itinuring nang apo na si Alister.

Ang hindi inaasahan pero lubos na minahal at inarugang munting supling na iniwan sa kanilang pinto.

Kinabukasan, nagising si Ali sa huni ng mga ibon at ng sinag ng araw.

Bigla itong bumangon dahil naalala nyang Sabado ngayon at kailangan na tulungan ang Itay sa bukirin.

"Ali?"

Ang Inay nya iyon kaya agad agad na niligpit ang higaan at bumaba nang magulat dahil hindi pa nakagayak ang Itay nya. Nasa harap ito ng hapag at nakangiti.

HauntedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant