Mansion

897 22 3
                                    

Madaling-araw na nang marating nila Dennise ang bahay ng lolo at lola nya.

Manghang-mangha naman ang mga kaibigan ni Dennise, maging si LA sa lawak ng bahay na ito pati ang bakuran nila.

"Ano ba iyan, Den! Literal ba na heredera ka?" Tanong ni Roi na kanina pa nakatingala at nakabukas ang bibig sa nakikita.

"Hindi, no!"

Nanlaki ang mata ni Anna. "Ano'ng hindi! Tignan mo naman tong ari-arian ng mga tanders mo, girl! Heredera ka dito sa hacienda nila! Period!"

"Wag nyo na nga kulitin tong girlfriend ko! Kukutusan ko kayo dyan eh!" Tanggol ni LA sabay hawak sa kamay nito.

"Haay nako. Sundin nyo na iyang si loverboy at baka humirit pa yan ng kakornihan nya!" Banat ni Gio na hawak ang gamit nila ng girlfriend.

"Kakornihan ba yung gusto ko lang masaya palagi ang mahal ko?" Hirit ulit ni LA na nagpapula ng pisngi ni Dennise.

"Hala, Den! Alalay lang naman at baka ikaw ang unang ma-stroke sa kilig nyan!" Asar ni Ella sa kaibigan. Tinulak lang ni Dennise ito pero talagang natatawa sya.

"Bahala nga kayo dyan!"

Pipindutin pa lang sana ni Dennise ang doorbell nang may nagsalita.

"Pakoy?!"

Nagtaas ng kusa ang kilay ni Dennise sa narinig.

Lito naman na tumingin si LA sa nobya. "Pakoy???"

Nagtutop naman ng bibig ang babae.

"Ang ibig ko'ng sabihin eh... Dennise! Ay... este, Ma'am Dennise nga pala!" Sabi nito na may ngiti sa labi.

"Oh, di pagbuksan mo na kami ng Ma'am Dennise mo!" Singit ni Roi mula sa likod. Sinamaan sya ng tingin ni LA. "Ibig ko lang naman sabihin eh... pagbuksan mo na kami ng gate... please?"

Binitawan nung nagsalita ang tingting na hawak sabay lapit sa gate at binuksan ito.

"Ay, sandali la'ang at ibabalita ko sa Don at Doña ang pagdating nyo! Abay, kagabi pa kayo naantay nang mga iyon. Ma'am Dennise. Dya'an lamang kayo ha. Gusto kasi ng Don na sya mismo ang sumalubong sa iyo!"

Pinigilan sya ni Dennise. "Sandali lang muna, Mela! Hinay-hinay ka lang naman sandali. Tsaka bakit may ma'am? Di ka naman iba..."

Ngumiti lang ito. "Aba eh, iyon kasi ang bilin ng Doña Estrella. Hayaan mo na lang iyon, Ma'am Dennise. At sasabihin din talaga namin ang pagdating mo. Talaga namang hinihintay ka ng lolo mo eh!"

Tumango na lang si Dennise dahil alam nyang wala na syang magagawa.

Batas ang bawat salita ng lolo at lola nga sa pamamahay na to. Sa kanya lang naman hindi nag-aapply yun saka sa mga kapatid nya.

Umalis na si Mela at tumingin sya aa mga kaibigan na lalong namangha sa kanya.

Nag-act pa si Roi na nakayuko habang si Gio naman ay pumapalakpak.

"See? Heredera ka, girl."

Hindi na lang sya sumagot hanggang sa may lumabas na nga na matanda at nakilala nya ito.

Ang lola nya.

Sa likod ay ang lolo na naka-wheelchair pero bakas dito ang saya sa pagkakakita sa kanya.

Masayang reunion ang nangyari saka pinakilala ni Dennise ang mga kasama. Lalo na si LA na biglang nahintakutan sa tingin ng matandang Lazaro sa kanya.

"Are you worthy of my granddaughter, boy?" Tanong nito.

"Lolo..." sambit ni Dennise saka hinawakan ang balikat ng boyfriend. "Na-background check na po sya ni Dad, Lo. Approve na po sya. Hindi nya po ako sasaktan."

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon