II. Check

232 13 1
                                    

Maingat na pinlano ni Ella ang pag-absent ng isang araw sa klase at pinatay ang cellphone.

Ayaw nyang malaman ni Dennise ang gagawin nya.

Una, ayaw ni Dennise na pag-usapan ang nangyari ng nakaraang taon. Masaklap dahil ito sana ang pinakamalapit na pwede nyang pagsabihan ng nangyayari sa kanya pero sa hindi nya maintindihang dahilan ay ayaw nitong makarinig ng kahit anong salitang magpapahiwatig na gusto nyang pag-usapan ang nangyari.

Pangalawa, walang maalala sina Roi, Gio at Anna. Kung iisipin ay maswerte ang tatlo dahil hindi nila maalala ang bangungot na nangyari sa kanila. Bangungot na hindi pa din sya magising.

Pangatlo, hindi din naman sila close ni LA. At hindi din sya komportableng pag-usapan ito dahil na din sa naging reaksyon ni LA sa mga nangyari. Kasama sa gusto nyang pagusapan ay si Alister. Alam nyang walang magandang pupuntahan ang usapan kay LA pag kasama sa usapan si Ali.

Kaya wala syang choice kung hindi ang lumapit sa mga kaibigan ni Alister sa Batangas. Ayon sa balita nya, nakapasok na scholar sina Mela at Bang at naglalaro ng volleyball ngayon. Good for them. Hangad nya na malayo ang marating nila. Si Victon at Kim naman ay one and done din sa La Salle basketball. Na hindi naman malayong mangyari. Magagaling ang mga ito. Kulang lang sa hasa pero nasa dugo naman nila ang hard work kaya walang problema.

Pero malayo sila...

Kaya ang pinakamalapit?

Si Jia. Na pinag-aral ng Ateneo sa highschool.

Tahimik na pinanood ni Ella ang grupo ng mga batang babae na nagwa-warmup at ang iba ay may drills na ginagawa.

Hinanap ng mata nya si Jia.

Nasa bleachers ito at kausap ng isa sa mga assistant coach.

Okay, hihintayin nya ang bata na matapos.

No worries.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

Ella jumped. She turned and saw Kim na may hawak pang training bag.

"Ini-stalk mo ba si Ji?" Naningkit ang mga mata nito.

Ella learned that while Kim may not as harsh and angry (or at least, hindi nya dinadamay ang ibang tao sa galit nya) of the Lazaro patriarch but he's just as protective of his friends... Especially of Jia.

Nag-iwas sya ng tingin at napadako kay Jia na kinakausap ng isang coach nya ng maigi.

"Sasabihin mo ba sa akin kung bakit mo sinusundan yung bata o mapipilitan akong ipagbawal ka dito?" Sabi ni Kim.

"You can't do that... Can you?"

Kim shrugged. "I can. We four are basically Jia's guardians here and the school recognizes that. Now, here you are. The one creeping around our Jia and so..."

Ella sighed. "It's just..." She looked at Kim. "Nararamdaman nyo din ba? Na kahit higit isang taon na ang nakalipas. Kahit ang layo layo na natin sa lugar na yun eh parang nasa likod natin yung... Yung demonyong yun? Na pinapanood lang tayo? Na naghihintay ng tamang panahon para umatake sa atin?"

"Hindi naman talaga namin yun madaling makalimutan." Kim said bit harshly. "Nakalimutan mo na ba? Naiwan yung kaibigan namin doon para sa atin."

Ella turned her head away from the guy as she bit her lip contemplating what to do or say next.

"Kahit sabihin ko, hindi ka maniniwala."

Natawa na lang si Kim sa nasabi ni Ella at napailing. "Alam mo, Ella? Hindi mo pa rin talaga naiintindihan yung sinasabi ko sa'yo eh no? Kasama ka namin nung gabing yon. Tingin mo ba normal lang yon? Tingin mo ba maikakaila ko o magbubulag-bulagan ako sa mga nangyari? Na normal lang yon?"

HauntedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora