II. Daylight

311 15 5
                                    

AN: for ya guys who's still wit me even if it takes me almost a year to update my fanfictions. 😘😘😘
Sending yall some love guys! ❌⭕❌⭕

---

Habang nasa bus si Victon paluwas ng Maynila, hindi nya maiwasan na malunod sa lalim ng iniisip nya.

Paano ba naman... Parang kailan lang noong akala nya, hindi na nya makikita ang araw. Akala nya hindi na nya makikita kailan man ang mga nakababatang kapatid. Si Kim... Si Mela... Si Jia... Si–Bang.

Parang kailan lang nung hindi na sya nagising sa bangungot ng nakaraan.

Napatingin sya sa palad nya.

Buhay ako. Buhay si Kim, si Mela, si Jia... Si Bang.

Pero ang kapalit noon... Ang kapalit ng buhay nilang lahat?

Alam nya kung ano ang naging dahilan ni Alister sa pagsasakripisyo ng buhay nya para sa kanila. Alam nyang malaki ang puso nito at punong-puno ng pagmamahal sa mga kaibigan.

Pero minsan, hindi nya maiwasang mainis. Alam nya din na pinili ni Ali na maiwan sa impyernong lugar na yon dahil iniisip nyang wala syang pakinabang. Iniisip nya na mag-isa nya na lang sa mundo.

Oo nga. Wala na ang Nana Elena at Tata Nando pero hindi ba naisip ni Alister silang mga kaibigan nya? Hindi ba't kapatid ang turingan nilang tatlo ni Kim? Hindi ba't parang mga kapatid na nilang babae sina Mela? Si Bang? Si Jia na awtomatikong inaruga ng buong trabahador ng hacienda dahil kinupkop ito ni Ali?

Iniisip ba talaga ni Ali na walang iiyak, malulungkot at mangungulila sa kaniya pag nawala sya?

Victon closed his eyes and he can still remember how they all felt like their world crumbled when they woke up without Alister.

"Bakit nyo hinayaan na mangyari yon?" Sisi ni Kim kanila LA at Dennise.

Nagsimulang mag-ngitngit sa galit si LA at sinugod ang lalake. "Tingin mo ba ginusto namin ang nangyari?! Baka nakakalimutan mo na ginusto ng kaibigan mo na isakripisyo ang sarili nya! Kasalanan pa ba namin yon??"

"LA TAMA NA!" Umiiyak na sigaw ni Dennise.

"Itigil mo na nga ang pagkampi sa mga promding to at sa ex mo na yon? Ano? Dahil lang niligtas nya tayo, ikaw eh mahal mo na ulit sya??"

Natigil sa pag-iyak si Dennise at napasimangot. "Ano bang pinagsasasabi mo, LA? Hindi mo ba nakikita? May namatay para sa atin... Para sayo. Sa mga kaibigan mo na hindi naman nya kakilala tapos ganyan pa sasabihin mo?! May kaso pa ba talaga kung ex ko si Ali? "

Nagsimulang magtanong sila Gio at Roi kung sino yung Ali na tinutukoy nila at kung paano sya namatay, nagsakripisyo.

Pero galit na sinagot sila ni LA. "Pwede bang manahimik na kayo?! This doesn't concern you, okay so shut up!"

"LA, are you for real?" Scoffing, LA faced Dennise who is equally pissed but trying to be calm. "Go back to hacienda. Magpalamig ka muna ng ulo mo."

"Maguusap pa tayo, Dennise!"

This time, it's Dennise who scoffed. "Can you hear yourself right now, Luis? You're yelling at me. Getting and spitting into my face in anger? Are you really this kind of person? Or this only happened because of last night? But the thing is, LA parang hindi na ikaw yung dati kong kilala. One night, LA. One night and this... You changed!"

HauntedWhere stories live. Discover now