II. Dawn

949 26 18
                                    


"Ano'ng pangalan mo?" Parang bata na tanong ni Alister sa kaharap.

Naka-indian seat sila sa sahig. Magkaharap at parehong parang mga musmos.

Ngumiti ang babae na nakasuot ng putim-puting bestida na gaya ng kay Alister na naka-putim-puting polo at slacks.

"Bakit ayaw mo magsalita?"

Parang nagulat ang babae sa tanong ni Alister at napasimangot.

Napansin naman iyon ni Ali at nasapo ang bibig.

"Ay... Nabastusan ka ba sa tanong ko?" Nagkamot ito ng batok at napangiti. "Pasensya ka na ha. Medyo tactless kasi ako minsan... Uhmm... Naiilang ka ba sa akin?"

Napatitig sa kanya ang babae pagkatapos ay dahan-dahan na umiling.

Doon napangiti ng matamis si Ali.

"Alam mo, ang ganda ganda mo." He said without malice.

Matagal na titigan pagkatapos ay...

"Salamat." Mahinang tugon ng babae at mahiyaing ngiti.

Doon napangiti si Alister at sumigla.

"Ang ganda naman pala ng ngiti mo..." Ngiti ni Alister. "At ang ganda ng boses mo." Parang manghang-mangha si Ali sa kausap.

Ngumiti lang ulit ng matamis ang babae saka tumingin sa bintana.

Napasimangot naman at sinundan ni Ali ang tingin ng babae.

"May problema ba?" Tanong nya.

"Natatakot ka ba?" Dagdag nya.

Hindi sumagot ang babae bagkus ay tumitig ito kay Ali ng matagal.

"Laura."

Kunot noo na tumingin si Alister sa kaharap.

"Laura ang pangalan ko."

Napangiti si Ali sa nabanggit ng babae.... Ni Laura.

"Ang ganda pala ng pangalan mo ano?" Tanong nya. Saka mas lumapit dito. "Bakit natatakot ka?"

Napatikom ulit ito ng bibig at alam ni Alister na hindi na nya pwede pang pilitin ito.

"Alam mo..." Simula ni Alister. "Alam na alam ko yung pakiramdam na nag-iisa. Na wala kang kasama."

Napatingin sa kanya ang babae.

"Kaya sasamahan kita dito." Sabay hawak sa kamay nito. "Hindi kita iiwan. Pangako ko sa'yo na hindi ka na mag-iisa. Hindi ka na matatakot kasi may kasama ka na.",

Matagal nakipagtitigan sa kanya si Laura at saka umiling. "Hindi mo alam ang sinasabi mo."

"Okey lang..." Sagot ni Ali. "Madami naman ako'ng di maintindihan sa mundo... Pero sabi ko nga. Pangako ko sa'yo di kita iiwan."

*****

Lumuluha ang Inay at Itay ni Jia habang nakikita nila ang anak na nagliligpit ng mga gamit.

Pero si Nestor, hindi maiwasang maging proud sa batang minahal at itinuring na tunay na anak.

"Inay? Itay?"

Nakahanda na ang mga gamit at dumating na din ang susundo sa kanya, at maghahatid sa kanya sa Maynila. Sa unibersidad, ang Ateneo, na napili sya para maging varsity ng women's basketball team. Kahit high school pa lang ay ipinasok ito sa kalapit na eskwelahan at tutustusan ang pag-aaral hanggang sa makaapak sa kolehiyo at makapagtapos.

"Anak..." Tawag ni Pinang sa bata na halata mo din na nalulungkot.

Niyakap nya ito at hinagkan ang buhok.

HauntedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora