Thin Ice

619 24 8
                                    

"Pero yung totoo." Alister looked at his friends. "Ano ba ang dahilan at andito kayo sa labas? Sa gitna ng daan dis-oras ng gabi?"

Ipinatong nya ang kamay sa ulo ni Jia na ikinangiti naman ng bata. "Itong si Jia? Mahahamugan. Ano ba naman na ipinasok nyo itong bata sa loob ng sasakyan habang nag-aaway kayo? Eh kakatapos lang ng ulan ah."

"Bang? Mela? Ano?" nag-iwas ng tingin ang dalawang dalaga. Hinawakan naman ni Kim ang balikat ni Ali sabay tango.

"Tinatakot mo naman sila, Ali eh. Ngayon mo lang kami ulit nakita tapos..."

Napahinga na lang ng malalim si Ali at ngumiti sa mga kaibigan. "Tama kayo. Pasensya na... iniisip ko lang kasi itong si Jia. Hindi sya dapat andito sa mga ganitong lugar. Tsaka ang alam ko istrikto ang Nana Pinang sa kanya."

"Okey lang, Kuya Ali! Ipinagpaalam po ako nila Ate Dennise sa Inay at Itay. Ay pumayag naman ho sila."

Napasulyap si Ali kay Dennise. Na nag-iwas ng tingin sa kanya.

Kapansin-pansin ang pagiging balisa ni Dennise simula nang dumating ang... Lalakeng to. At wala din namang ibang nakakahalata kundi si Ella.

Paano, si LA galit pa din sa mga nangyayari. At si Anna naman ay ganon din. At sinisisi pa din si Den sa mga nangyari kahit napaka-obvious naman na wala itong kasalanan.

Pansin din ni Ella na sobrang lapit ni Jia sa lalakeng to.

Kung di nga lang sya sobrang malisyosa, baka isipin nya na biological father ni Jia itong Alister na ito.

Pero imposible. Malaki ang almond shaped eyes nito, di gaya ng may pagkasingkit na mata ng bata. Malaki din ang eyebags na binagayan naman nya dahil sa shape ng mukha. Moreno din ito di tulad ni Jia na hindi man ganon ka-mestisahin pero maputi din naman ito. May cleft chin ito at medyo sharp ang jawline. Pero hindi naman ganon ka-lala. Sakto lang. Matangos din ang ilong nito, kaso iba sa shape nang kay Jia. Matangkad. Hindi ganon katabaan. At may pagka-slouch.

Nagkakamustahan pa din sila.

"Talaga ba?" tanong ni Alister kanila Vic.

Tumango ito at saka tumingin sa heredera ng amo. "Alam naman ng lahat na... kung ano ang gusto ni Ma'am Dennise... iyon ang masusunod hindi ba?"

"Ah..." parang wala sa huwisyo na sagot ng bagong dating na binata.

"Pero—" huminga ng malalim si Vic. "Malala ang sitwasyon, Ali..."

Tumingin ito sa paligid. Na parang may mangyayaring iba pag nalingat sya. "Dalawa na sa amin ang namatay..." tumingin ito kanila LA at Anna. "Sa hindi malamang dahilan. Parang... Parang..."

"Para silang binangungot." sabat ni LA. Na hindi pa din nawawala ang suspetsa sa mga probinsyano. "Pero hindi eh. May foul play dito. Meron."

"Pano ka nakakasiguro?"

"Ha!" sinamaan ni LA ng tingin si Alister. "Okay lang ang lahat. Galing kami sa perya. Ginabi. Tsaka napadpad dito. Wala naman kaming alam na maling dinaanan. Tapos bigla na lang nasiraan kami dito sa lecheng lugar ng kawalan na to!"

Sa huli ay tumingin sya ng masama kanila Vic at Kim. Hindi pa din sya naniniwala na wala silang kinalaman dito.

"Hindi talaga normal ang mga nangyari, Ali." sabat ni Kim. "Kilala mo kami. Kabisado namin ang hacienda pati ang mga kalapit na lugar dito... pero biglaan na lang kaming nasiraan at... Pumasok kasi sa bahay na yan. Dyan nagkanda-lokoloko ang lahat. Una si Roi, barkada nila Ma'am Dennise. Parang naidlip lang sya tapos hindi na magising. Akala namin yun nga lang. Bangungot. Cardiac arrest? Iyon ga ang sabi nila Ma'am Dennise."

HauntedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ