Desperation

538 21 5
                                    

Masikip sa palengke...

Madaming tao....

Alam nya na mali. Alam nyang hindi tama. Alam nyang masama.

Bata man sya at lumaki sa kalye, alam nya sa isip nya na hindi nya dapat ito ginagawa.

Pero ano ba ang magagawa nya.

Pinipilit naman nya itong iwasan gawin.

Pero gutom na gutom na sya. Alam nyang hindi sya mabubuhay pag hindi sya magnanakaw kaya sinundan nya ng sinundan yung matandang babae na mukhang bigatin sa masikip at maingay na palengke.

Sakto na nakikipagsiksikan ito at nakikipagtawaran ng umatake na sya at tumakbo ng mabilis.

Kumakabog ang dibdib nya.

Pero nakahinga din ng maluwag kasi malayo na sya sa mga tao.

Malalim mabilis ang paghinga na bumagal ang paglalakad nya ng may mabangga sya.

Para syang tumama sa pader at pagtingin nya...

Nanlalaki ang mata na may takot sa nakita.

"Hello, little fucker." May ningning ang mga mata nito at alam nyang masama ang binabalak sa tingin pa lang.

"And goodbye..."

*****

"Sabihin mo ngayon, Mela." Tanong ng matandang Lazaro.

Naniningkit ang mga mata nito at bumuga ng usok mula sa malaking sigarilyo nya.

"Sino ang nagnanakaw sa mga ani ko... Alam ko na may alam ka kung sino." Sabay kasa ng baril sa harap nya mismo. "Pipili ka lang naman... Madaling madali. Yung magnanakaw na iyon?" Saka itinutok ang baril sa leeg nya. "O buhay mo... at ng pamilya mo? Madali lang. Yung totoong may kasalanan ang mananagot? O ikaw na nakakaalam..."

Napalunok si Mela. At saka pikit mata na nagsalita.

Nakarinig sya ng putok ng baril at napatalon. Sa isang sulok pala iyon pinaputok ng matanda.

"Hanapin nyo." Utos nito sa mga tauhan nya.

Mayamaya, nagbago ang paligid. Nasa isang bangin sila at ang sinabi nyang nagnanakaw ng mga ani ng mga Lazaro ang nasa malapit sa bangin. Tumingin sya sa tabi nya at nakita ang isang... Pigura na hindi nya mamukhaan dahil para itong anino.

Pinaputukan ng baril ang akusado at saka tinulak ang katawan nito sa bangin.

HauntedWhere stories live. Discover now