Road

677 20 4
                                    

Pang-apat na araw... Biernes na noong nagplano sila Dennise at mga kasama na libutin ang buong lupain ng lolo nya.

Nakatakda silang umalis ng alas kwatro ng hapon sa Sabado.

Pero hindi pumayag ang Lolo at Lola nya na sila lang ang pumunta. Kaya ipinatawag nila ang pinakamapagkakatiwalaang mga trabahador.

"Lo, hindi naman na ho namin kailangan sina Kim bilang babysitters." Sabi ni Dennise. Hindi dahil naasiwa sa na kasama ang mga trabahador, pero dahil sobrang laking tensyon ang meron pag magkakaharap sila.

Tinigil ng Don ang pagbabasa ng dyaryo nito tuwing umaga at tumingin sa apo. "Dennise, apo... sasabihin ko na ang totoo sa iyo."

Her Lolo motioned her to sit across him.

"Within the years... some people got angry with how I got my properties grow." He said in neutral tone.

Dennise didn't say anything. She listen intently.

Hinubad ng matanda ang salamin gamit ang kamay na nanginginig dahil sa stroke.

"May mga taong galit sa akin Dennise. Galit sa pamilya. Galit sa mga taong tapat pa din sa akin hanggang ngayon..." tumingin sa kanya ang matanda, mata sa mata. "At alam ko na balita dito sa lugar natin ang iyong pagbabalik. At nasisiguro ko na hindi sila mag-aatubili na saktan ka... o ang iyong mga kaibigan para saktan ako."

Tumango si Dennise.

Naintindihan naman nito na kaligtasan lang nila ang hangad.

* * * * * * *

Napalunok ng laway si Dennise habang pinapanood si Bang at Mela na nagwawalis sa harap ng bakuran ng mansion.

Napansin syang una ni Bang at kinalabit nito ang kasama para humarap sa amo.

"Ay! Ano ho iyon, ma'am Dennise?"

Napailing lang ito pero hindi na nagkomento tungkol sa way ng pag-address sa kanya ng mga kausap. "Ano... okay lang ba kung isama natin si Jia... mamaya?"

"B-bakit naman ho?" Takang tanong ni Mela.

"Ah... gusto ko lang makilala ng mabuti yung bata..." may takang tinapunan sya ng tingin ng dalawa. "Wag kayong mag-alala. Naaliw lang kasi ako sa kanya. Tsaka diba? Bigyan natin ng chance yung bata na maging... bata."

Nagtinginan ang dalawa.

"Susubukan po namin na ipagpaalam ang bata sa mga magulang nya." Sagot ni Bang.

Kontento doon si Dennise... saka may pahabol pa.

"Tsaka... sana, kung pwede sa roadtrip natin eh---wala munang mga ma'am at po, opo at ho?" Bilin nito. "Just... gusto ko lang maging gaya ng dati."

Hindi tumingin sa kanya si Mela pero si Bang ay hindi napigilan ang bibig. "Hindi na maibabalik ang dati, Pakoy. Nangyari na ang mga nangyari. Nagbago na ang mga panahon..."

Dennise pursed her lips at that but chose to change the topic. "Aasahan ko yun... do not consider that as a request. Utos ko yun."


□■□■□■□


Pumasok sa pinakadulong bahagi ng van sina Mela, Bang at Jia habang si Kim at Victon naman ay nasa may gilid. Taga-bukas-sara ng pinto, sila ang mga kaagad na lumalabas pag may pinapabili o inuutos.


"Sandali... itigil mo muna."

Nagtinginan si Victon at Kim saka si Bang at Mela sa likod. Habang si Jia naman ay parang may malalim na iniisip.

Bumaba si Dennise at ang lahat ng sakay ng van. Si Roi, Gio at Anna ay parang nalilito kung bakit parang wala naman silang makikitang kakaiba dito ay pinatigil ni Dennise ang sasakyan.

Si LA naman ay pinapanood ang nobya na iniikot ang mata sa lugar habang ang apat na kasama ay diretso lang ang tingin.

"Tsk! Mainit!" Sabi ni Anna kaya pumasok na silang tatlo ni Gio at Roi. Si LA naman ay sinundan si Dennise at niyakap patalikod.

"Is something the matter, babe?" Bulong nito.

Ngumiti si Dennise saka umiling.

"Nothing..." saka sya hinarap. "Uhm... pwede bang makausap ko muna sina Mela?"

Tumango si LA pero hindi umalis.

"In private?"

LA sighed and walked away from Dennise.

Narinig pa nya ang usapan nila ng mga trabahador ng hacienda.

"Ah. Pwede ba kayong makausap saglit?" Tanong ni Dennise.

Nagtinginan ang tatlo sabay tulak ng bahagya kay Jia. "Jia, pasok ka na muna ng sasakyan. Masyadong mainit dito sa labas eh."

Akmang tututol ang bata pero tumango ang Kuya Kim nya na parang sinasabing sumunod na lang sya.

Kaya nagkasabay din si LA at Jia pabalik ng van.

Sa kabilang banda, saglit na walang imikan ang apat.

"Ano'ng gusto nyong pagusapan?" Tanong ni Vic na halatang nababagot na.

"D-di ba... di ba may... maliit na kubo noon dyan?" Alanganing tanong nito.

Vic just scoff and sniff at that. "Noon yun... Miss Dennise. Noon yun."

"Teka nga. Gusto kong malaman yung detalye." Pilit nito.

Hindi sumagot ang mga kasama kaya si Mela na lang ang nagsalita. "Turns out... na may malaking utang ang mga... dating naninirahan dito. Hanggang walang mahanap na pambayad ang pamilya at kahit ano'ng gawin nila, hindi nila mababayaran ang utang. Kaya ang lupa na lang ang naging collateral."

"Ganon ba..." tumango si Dennise. "Pero kanino---"

"Hindi mo na dapat inaalam pa yan." Sambit ni Bang na nakatingin lang sa puno ng mangga sa di kalayuan.

Tumingin ito sa kanya ng walang ekspresyon. "Kanina pa nagtataka mga kasama mo. Umalis na tayo. Dahil wala ka nang mababalikan pa dito."

"Sinong nagsabi na may babalikan ako? Nagtatanong lang. Walang balikan." Sagot ni Dennise sa makahulugang sabi ni Bang.

Nagkibit-balikat lang si Bang saka sya hinarap ng buo. "Mabuti naman kung ganon..."

**

Aaaaaannnnd this is where my finished draft ends 😂 gusto ko sama may pondo ako kumbaga na chapters para pag sakaling may writers block ako *which happens... A LOT* eh may mai-uupdate pa din ako... but not this time. This is and exemption just coz im happy THAT THE ATENEO WON! SWEEP 16 BABY! 👏 In all fairness to that team, halos lahat sila superstars in their own ways. But they put that behind them and played for the team and as a team. Next man up. One this most of the PH basketball teams hasnt been doing. Selfless basketball indeed. So consider this a gift. Ive always been a basketball addict thats why mas detailed ako sa last chapter about that game. 😅 wala lang. Naisingit ko lang. ✌&💕

EDITED(11-21-17)- Okay. Sa mga readers ko, *naks. Can finally say that 😆* I kinda forgot to mention that i'll be gone for maybe one week. 2 weeks tops. May mga bisita kami. Prep na naman kami for hospitality. Alam nyo nemen ☺. Pero di naman ibig sabihin non zero writing activity ako sa mga week na yon. Will maybe maximize those days for drafts. Yes. Drafts. Dami ko story dapat na ituloy eh. *kasalanan mo yan... pinagsabay-sabay mo ba naman* 😅
But again. Rest assured na hindi ako mang-a-abandon. Di ako ganon. Di ako nangiiwan sa ere. 😉😉

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon