The Dream

87.6K 677 70
                                    

DEANNA'S POV

"Blocked by Deanna Wong!"

Napangiti ako nang marinig yon at madiing tinitigan ang babaeng nasa kabilang side nang net. Tinaas baba ko yung tingin ko sa kanya na para bang naghahamon. Naiinis na talaga kasi ako kanina pa sya sunod sunod na nakaka score para sa team nya. Pfff akala mo makakalusot ka pa rin ha. Not this time.

Pero laking gulat ko when she reached across the net at hinila ako palapit sa kanya. Sa sobrang lapit namin ay napagmasdan kong mabuti yung mukha nya. Ang ganda nya pala. Yung ngiti nyang abot sa mata at kilay na tamang tama ang hugis. Habang nakatingin ako sa kanya, bigla namang naglaho ang net sa aming pagitan at ang ingay ng mga tao sa gym ay unti unti na rin nawawala, wala na din akong ibang makita kundi sya. Na para bang kami lang dalawa ang nandito. Pag patak ng bawat segundo ay para namang slow motion kaming umiikot sa hangin. Nakahawak pa din sya sa kamay ko. Pumikit sya at unti unting nilapit yung mukha nya sa mukha ko. Para namang may nagmamartilyo sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Sobrang lapit na ng mukha nya kaya napa pikit na rin ako nang biglang...

"Bzzzzzz bzzzzz bzzzzz"

Huh? Ano yun? Bat biglang may bubuyog dito?

"Bzzzz bzzzz bzzzzz"

Habang naghihintay ako na dumampi ang labi nya sa labi ko, panay naman yung ingay ng bubuyog. Kainis naman oh! Na inip ako kaya binuksan ko yung mga mata ko.

As I slowly slipped into consciousness, na realize ko na nanaginip lang pala ako. Cellphone ko pala yung panay vibrate kaya inakala kong may bubuyog sa panaginip ko. Panira moment.

"Bzzzzz bzzzz bzzzzz"

Kinapkap ko naman yung phone ko sa tabi ng kama.

Ponggay calling...

"Hello" bungad ko dito

"At sa wakas nagising na din sya! Kanina pa ako tawag nang tawag sayo. Baka nakalimutan mong may lunch po tayo with the team today kaya bangon na jan senyora" -Ponggay

"Shit..." Yun lang nasabi ko at pinatay ko na yung tawag. Mag aalas onse na pala kaya agad akong bumangon at dumiretso na sa CR.

Habang nasa shower ako, hindi naman maalis sa isipan ko yung napanaginipan ko. It was so vivid. It felt so real. Pag pinikit ko yung mga mata ko, damang dama ko pa din yung bahagi ng kamay ko na hinawakan nya. Pero bakit naman ma lalagay sa isipan ko yon eh hindi naman yun talagang nangyari. After ng staredown ko ay tumalikod lang naman kaming dalawa at bumalik sa kanya kanya pwesto para ipag patuloy ang laro.

I shook my head as if to shake off the thought and nagpatuloy na sa pagliligo.

Saktong 12 PM naman nang dumating ako sa resto. Andun na lahat ng teammates ko nang napansin kong may pamilyar na taong nakaupo sa table namin. Nakatalikod sya sakin pero hindi ako pwedeng magkamali. Sya nga yon.

















































"Ate Jia!" Napasigaw ako sa sobrang saya. Matagal ko na kasi hindi nakikita yung mentor ko. Busy kasi sya ngayon sa pro team nya. Agad naman syang tumayo at niyakap ako.

"Nice game yesterday baby Deanns" sabi nya sabay tapik sa balikat ko.

Dumating na din ang mga pagkain namin. Magkatabi kami ni ate Jia sa table.

"Oh hinay hinay lang baby Deanns haha parang gutom na gutom tayo ah" sabi ni ate Jia.

"Btw pwede ba akong maki text? Di ko kasi namalayan na expired na pala yung load ko" dagdag na sabi nito.

"Oo naman ate" sabay abot ng phone ko sa kanya.

"Thanks" sabi ni ate Jia sabay balik ng phone sakin pagkatapos nya mag send ng text.

"Nga pala, di na ako magtatagal ha. Ako kasi naatasan ni coach na tulungan yung newbie namin to get settled. I'll help her gear up and make sure na tamang brand yung bibilhin nya para di madaling masira. Magkikita kami sa mall 1:30 PM" sabi pa ni ate Jia.

"Sige ate ingat ka po and see you when I see you" sabi ko habang nag bebeso kami.

Pinagpatuloy ko yung pagkain. Di na kasi ako nakapag breakfast kanina kaya gutom na gutom ako.

Kumakain na ako ng dessert nang biglang tumunog yung phone ko.

Unknown Number: "Hello po Jia. Andito na po ako sa may Chris Sports."

Me: "Hello. Kanina pa umalis si ate Jia papunta jan so she should be there in a few minutes. Baka na traffic lang. Nakitext lang sya sakin kanina"

Unknown Number: "Ayy sorry akala ko kasi eto yung number nya. Pasensya na"

Me: "No worries at all miss....?"

Unknown Number: "Jema. Jema Galanza. And please drop the "miss" parang ang formal kasi hehe. Salamat nga pala....?"

Shit! OMFG! Jema Galanza. The very same girl na naka staredown ko kahapon sa game namin. The same girl who visited my dreams last night. Sya pala yung bagong member ng Creamline na sinasabi ni ate Jia kanina. Is this just a coincidence or is this fate?

Wait, what?! Anong fate fate ang pinagsasabi mo jan Deanna? Di mo pa nga kilala yung tao eh. Okay kalma. Magrereply na tayo self. Keep it casual. Bulong ko sa sarili ko.

Hinarap ko uli ang phone ko at nagsimulang mag type.

Me: "Deanna nga pala. Deanna Wong"

Please please sana nakalimutan na nya yung pag staredown ko sa kanya. Pero parang hindi kasi di na sya nag reply. Hayyy kasalanan ko talaga yun eh.

My Silver LiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon