By Chance

28.9K 505 16
                                    

DEANNA'S POV

One week na ang nakalipas since hindi ako nireplyan ni Jema. Pero di ko alam kung bakit napapanaginipan ko pa din sya minsan. It's the same dream pero palagi akong nagigising dun sa part na hahalikan na nya sana ako. Kahit wala ng panira moment na phone eh nagigising pa rin ako. Badtrip naman oh!

Nasa shower ako ngayon ng gym. Kakatapos lang namin mag training. Nakakapagod pero I know we have to work extra hard to bring home the UAAP Championship.

Grabe din yung pressure sa akin. I don't know if I can fill in the shoes that ate Jia left. But too late to back out now as the season has already started. I'm basically past the point of no return.

Medyo natagalan ata yung pag muni muni ko sa shower kasi naririnig ko nang unti unting nagsilabasan yung teammates ko.

"Deanns matagal ka pa ba? Antayin kita?" narinig ko si Ponggay sa labas ng pinto.

"Di na mauna kana. Malapit na din naman ako eh." sabi ko dito.

Nang papalabas na ako ng gym, may babae naman na papasok kaya nagka banggaan kami at nahulog yung shoulder bag nya. Agad ko naman tong pinulot at iniabot sa kanya.

"Sorry miss di kita nakita" agad kong sabi.

"Okay lang. Mauna na ako" sabi nito at nagmadali na ngang naglakad papunta ng gym.

Napakamot naman ako ng ulo. First of all, mag gagabi na so I don't know kung ano pa gagawin nya don and second of all parang ang weird nya kasi nakayuko lang sya the whole time at parang nahihiya but I didn't give it much thought. Right now may kailangan pa akong gawin bago bumalik sa dorm. Yes, sa dorm talaga ako kadalasan mag stay during weekdays at sa condo naman kung weekends. Tumungo na ako sa sasakyan ko. Pupunta muna ako sa mall. May nakita kasi ako sa advertisement na bagong socks. Ang ganda kasi may rainbow sa may ankle. Limited edition lang daw yun kaya dapat maka bili na ako bago pa ma sold out. Closest friends ko lang ang nakakaalam na bisexual ako. Gusto ko mabili yon para kahit papano ay maipakita ko yung tunay na Deanna Wong. Bahala na sila kung sino makaka notice haha

Pagdating ko ng mall ay agad akong tumungo sa Sports Corner. Matyaga kong sinuri ang bawat aisle hanggang sa nakita ko yung hinahanap ko. Sabay nang pag abot ko sa medyas ay may kamay naman na dumampi sa kamay ko. Ang puti at ang kinis nito.

My eyes started to trace who the hand belonged to and to my surprise it was the Queen Falcon herself, Jema. She looked just as startled as I was.

Agad nya namang inalis ang kamay nya at akmang tatalikod na kaya hinawakan ko ulit yung kamay nya. Ang lambot nito. Napaharap naman sya sa ginawa ko. Iniabot ko sa kanya yung medyas.

"Sorry. Sayo na." sabi ko sa kanya.

"Hindi, ikaw yung nauna so sayo na okay?"

"Pang bawi ko nalang sayo sa pag stare down. Parang nagalit ka yata dun eh"

"Huh? Bat naman ako magagalit dun? It's part of the game so don't worry about it"

"Hindi kana kasi nag reply nung nagpa kilala ako sayo sa text"

"Nako wala yon. Tagal mo kasi mag reply at dumating na din kasi non si Jia kaya na busy na din" sabi ni Jema nang naka smile ng konti.

Ang cute nya pala.

"And please take this na. Ikaw yung naka una okay so it's only fair for you to have it" dagdag pa nya.

"Hhhmm okay. But in one condition, sabayan mo ako mag dinner. Gutom na kasi ako at nakakalungkot kumain ng walang kasama. My treat na din." di ko alam kung bakit ko nasabi yon. Feeling close teh?

"Uhhmm okay but let's compromise. Di ako sanay na may nagbabayad ng food ko so I'll pay for my meal okay?"

Wow medyo mataray din pala to but in a good way. Nakakaturn on yung babaeng independent.

"Okay deal" sabi ko.

Tumungo na ako sa counter para bayaran yung socks. Nakatingin naman sya habang nilalagay na nung cashier sa bag ang binili ko.

"Are you sure you don't want it? The offer still stands you know" sabi ko ng naka ngiti sa kanya.

"Nah. It's all yours." ang tanging sabi nya at lumabas na kami.

Pa ikot ikot na kami dito sa mall pero puno lahat ng resto.

"Baka next time nalang tayo mag dinner" sabi ni Jema. I can tell she's starving as she's staring at the waiter bringing food to one of the tables.

Ayaw ko naman sayangin ang pagkakataon nato. Gusto kong makilala ang babaeng di mawala sa mga panaginip ko.

"No. I have an idea. Do you trust me?" and I held out my hand.

She grabbed it naman but this time it felt different. Parang may kuryente na dumadaloy galing sa mga kamay nya. And my stomach felt funny. Is this what they mean by having butterflies in your stomach?

"Nah stop it Deanns. Gutom ka lang okay? Stop romanticizing everything. Baka umasa ka pa" isip ko sa sarili ko.

"Hey san ba tayo pupunta?" tanong nya sakin.

"Basta just strust me. Dala mo ba yung sasakyan mo?"

"Hindi eh. May coding kasi."

"Good. You can ride with me nalang"

Tahimik lang kami sa sasakyan hanggag nag park na ako sa isang kanto. Mabilis akong bumaba so I can open the door for her.

Agad namang may lumapit na mama at sinabing "Dalawa nalang po kulang at aalis na kami. Dito na po kayo ma'am"

Napakunot naman ng noo si Jema haha She looks adorable with that confused look.

"Sige kuya" sabi ko sa mama at sumunod na kami papunta sa tricycle niya.

"Backride nalang yung bakante ma'am ha"

"Okay lang ba sayo? Makitid kasi yung daan kaya kailangan mag tricycle papunta don" sabi ko kay Jema.

Agad naman sya sumakay sa likod ng tricycle nang walang ka arte arte. Napahanga tuloy ako sa kanya. Sino ba naman mag aakala na ang napakagandang nilalang na ito ay walang ka arte arte sa buhay nya.

Tumabi naman ako sa likod nya. Nahihiya ako kumapit sa kanya kaya pinilit ko nalang kumapit sa likod ng inuupuan namin.

Napansin naman nya na nahihirapan ako kaya bigla itong nagsalita.

"Sakin ka nalang kumapit. Baka mahulog kapa dyan eh"

Di na rin ako nag dalawang isip. Nangangawit na din talaga kasi yung mga kamay ko. I slid my hands on her waist and as soon as I did, there goes that feeling in my stomach again. Like a thousand butterflies fluttering inside.

Lubak lubak yung daan kaya napapahigpit yung kapit ko sa bewang nya. Dinadala naman ng hangin yung amoy nya sa direksyon ko. She smells amazing. Nakaka adik yung amoy nya.

Ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa destinasyon namin.

Napangiti naman ako nang makita ko ang pagka mangha nya sa nakita. Wala syang ka malay malay na mas maganda pa sya kesa sa kung ano man yang tinitignan nya.



AN: Hello po readers. If you're still with me, thanks for supporting. More kilig moments for the next chapters :) Promise yan! God bless and be kind to one another 😊

My Silver LiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon