Daddy's Girl

18.5K 303 20
                                    

DEANNA'S POV

"Mafe ano ba! Bumaba ka nga jan. Baka mahulog ka eh!"

Yan ang bumungad sa akin pagka gising ko. Kawawang Mafe haha ano na naman kayang ginagawa nito at bakit galit na galit ang ate nya.

Nasa balcony si Jema. Panay pa rin ang sigaw nya kay Mafe kaya bumangon na ako para makita kung ano ang nangyayari.

Nag back hug ako kay Jema.

"Langga ang aga aga bakit high-blood ka na naman?"

"Tingnan mo si Mafe oh ang taas taas na ng inaakyat! Baka mahulog eh!" sabay turo kay Mafe na nasa itaas pala ng puno ng mangga.


"Ate mas marami kasi dito sa taas oh! Di kasi abot ng sunggit natin" sigaw naman ni Mafe galing sa puno.


"Pag ikaw di pa bumaba magagalit na talag si ate. Oh oh dahan dahan lang!" sabi ni Jema nang makitang nagmamadaling bumaba si Mafe.

"Eh ate sabi mo magagalit ka eh kaya bibilisan ko na bumaba"

Haha ang kulit din naman nitong si Mafe eh.

Nag shower muna ako bago bumaba. Tapos na pala mag shower si Jema kanina. Napatagal ata tulog ko. Hayy si Mommy kasi.

Matapos mag shower ang tiningnan ko yung mata ko sa salamin. Di naman ito masyadong namaga. Ayoko kasi mapansin ni Jema na umiyak ako kagabi.


Tsaka ko na po-problemahin si Mommy. For now, I want to enjoy my time with Jema's family.


Pumunta kami sa isang resort para mag family outing. Laking tuwa ko nang may makita akong parang mahabang wire sa di kalayuan.


Alam kong zipline yon. Habang busy sa pag set ng cottage sila Jema, tinungo ko naman yung reception para magtanong kung paano makakasakay sa zipline.


"Dun na po kayo magbabayad ma'am. May taga bantay po dun. Starting point po dun" sabay turo sa isang station.


Nakita ko rin na may ibang poster na nakalagay. Iba't ibang rides na inooffer nila. And may go cart pa. Nagpaturo naman ako sa receptionist kung saan yung track para sa go cart.


"Oh Lang, san ka galing?" tanong ni Jema pag balik ko.

"Ah eh umihi lang hehe"

Nagbabalat si Jema ng mangga. Haha galit galitan pa kay Mafe kanina eh kakain naman pala sya sa nakuhang mangga nito.

"Kain muna tayo bago kayo maligo dun sa pool" sabi naman ni Tita.

Ang sasarap talaga ng luto ni Tita at yung mangga din na may bagoong ugh perfect combination.

Pagkatapos kumain ay nag nag pasya kaming libutin ang resort.

Nagpa iwan naman sina Tito at Tita. Masyado na daw silang matanda para dyan.

Naka upo sila sa may duyan. Ang sweet ng dalawa. Si Tito naka yakap kay Tita.

"Langga halika don tayo" sabi ko sabay hatak sa kamay ni Jema.

Naabot namin ang elevated na lugar kung saan magsisimula ang zipline.

"Wow Langga! Sasakay ba tayo? Luh parang kinakabahan ako" sabi ni Jema.

"Ate wag kang kj jan. Sige ako na mauuna haha di ako weak noh" sabi ni Mafe at nauna na nga sya.

Rinig na rinig naman namin ang napakalakas na tili nya. Haha di pala weak ha.

My Silver LiningWhere stories live. Discover now