I Choose You

21.3K 355 39
                                    

DEANNA'S POV


As I was kissing her, I came to a sudden realization.

I absolutely need this girl to be mine. Di ko alam kung bat ko pa pinapatagal to eh. Every minute that passes, is like giving someone else a chance to have her. That's a risk I just can't take. Lalo na at uuwi ako ng Cebu for Christmas.

I need to move and I need to move fast.

Sa init ng mga ginagawa namin, halos ayoko na tumigil. But I have to. Kailangan kong pag planuhan yung next move ko.

Kaya nagpaalam na ako dito.

She seemed disappointed at first pero nag light up din yung mood nya nang sabihin kong punpunta kami sa beach bukas.

Pag alis ko ay agad akong tumungo sa mall. I gotta buy some stuff for tomorrow.

Maaga akong gumising the next day so I can pick up Jema. 5:50 palang naabot ko na yung condo nya.

Ready naman na sya pagdating ko so we went to church.

Di pa nag start yung mass pagdating namin so we decided to light some candles muna.

As I lit my candles, I said a little prayer. Good health for me and my family and of course yung success ng plan ko for today.

When I finished, sumulyap ako kay Jema. She still had her eyes closed in concentration.

Until now, di pa rin nawawala ang pagkamangha ko sa ganda nya.

Ano kaya yung pinapanalangin nya? Kasama din kaya ako dun?

Nakatitig pa rin ako sa kanya nang bigla itong dumilat kaya agad akong nag panggap na tumitingin sa paligid.

"Hindi lang ata kandila ang matutunaw kung maka titig ka jan eh" natatawang sabi ni Jema.

"Cute mo po kasi pag naka concentrate hehe"

After non ayy pumasok na kami for the mass.

Pagkatapos naman ng mass ay nag drive na nga kami patungo sa beach.

First 30 mins ng byahe, aliw na aliw ako kay Jema. Parang nag co-concert lang eh. At memorize pa ata lahat ng lyrics kahit ano pang song ang tumunog sa FM Station.

Pero katagalan ay nagsimula na din itong antukin hanggang sa nakatulog na nga sya.

Hayyyss kahit natutulog, ang ganda pa rin eh noh. Kaloka tong babaeng to.

Nang marating namin ang resort, I kissed her on the nose para magising sya.

"Langga wake up na. We're here"

Kumain muna kami and after pinauna ko na si Jema sa room.

"Lang mauna ka na so you can change. I just need to buy swimming shorts sa may souvenir shop. Nakalimutan ko kasi magdala" sabi ko dito.

Di naman sya pumalag. Halatang excited mag swimming eh.

"Okay Lang. I'll wait for you sa room ha" paalam nito sa akin.

Actually, tinungo ko yung beach. There's someone I'm looking for.

May taong kailangan kong kausapin at sana pumayag ito.

Nakita ko naman sya agad kaya di na ako nag aksaya ng oras at kinausap na sya.

After nun pumunta na ako sa room namin.

Naglalagay na si Jema ng sunscreen pagpasok ko.

Naka rash guard sya and maikling nylon beach shorts. Hindi man sya naka two piece pero klarong klaro naman ang hugis ng katawan nya kasi sobrang fit ng rash guard.

My Silver LiningWhere stories live. Discover now