Ghost From the Past

16.2K 309 20
                                    

JEMA'S POV

Mukhang napapansin na din ni Deanna ang pagka balisa ko.

Ewan ko ba kung ano tong nararamdaman ko. Nung nasa Laguna kami, nawala na yung feeling na parang may nagmamasid sa akin pero pagbalik ko dito ay ayan na naman.

The footsteps I'm hearing behind me, a vague figure disappearing around the corner, the sick feeling I get in my stomach every time I'm walking alone.

Pilit kong isinantabi ang mga pangamba ko. Ayokong masira yung moments na magkasama kami ni Deanna. Pero minsan di ko talaga maiwasan.

Sinabi ko nalang kay Deanna na pressure lang sa training. I know she has a lot of things to do already at ayoko naman makadagdag pa don lalo na at wala naman akong ebidensya na may sumusunod nga sa akin.

Maaga akong umuwi galing training. Sinusumpong kasi ako ng allergic rhinitis ko. Deanna offered to come over pero tinanggihan ko. I know may school report pa syang tinatapos and I have antihistamine naman sa medicine cabinet ko.

I had a quick meal at uminom na nga ng gamot nang biglang may nag doorbell.

Hhhmmm sweet talaga ng Langga ko. Sabi ng kaya ko naman eh.

Hindi ko na sinilip kung sino ang nasa labas. Wala naman akong ibang taong ineexpect na darating ngayon eh.

Agad kong binuksan ang pinto pero hindi mukha ni Deanna ang bumungad sa akin.














































"Anong ginawa mo dito? I have no time for this." akmang isasara ko na ulit ang pinto nang iharang nya ang kamay nya.

"I just came to get my stuff, okay? Hindi ako pumunta dito para mang gulo" mahinahong sabi ni Fhen.

"Kung yan lang pala ang kailangan mo, ba't mo pa ako kailangan sundan these past few weeks? Akala ko nasisiraan na ako ng bait dahil sa ginagawa mo!"

"What are you talking about? I just got here today. Umuwi ako ng probinsya"

Ang galing nga naman. Pa as if pa na naguguluhan sya.

"Don't deny it! Alam kong ikaw yung palaging sumusunod sa akin!"

"I honestly still don't know what you're talking about. I just want my stuff back, okay?"

"If you need them back, I can drop them off sa may receptionist ng condo mo"

Hindi ko pa rin sya pinapasok.

"Come on Jema, let's be mature here. I already came all the way. Sayang naman yung byinahe ko"

"You could've told me diba? Para ako nalang ang naghatid don" I said coldly.

"Please. I just need my stuff back and I'll be on my way"

Nag aalinlangan pa rin ako. Bakit ngayon nya lang naisipan na kunin ang mga gamit nya eh ang tagal tagal ng naka tambak dito.

But maybe I'm just being paranoid again. Si Fhen lang naman to at kahit papano ay may pinagsamahan naman kami. At para na rin hindi na nya ako guluhin pa.

"Fine. Just make it quick. I want to rest" sabi ko at pinapasok na nga sya.

I walked ahead of her pero napatigil ako nang bigla itong magsalita.

"Mukhang masaya kana ngayon ah"

Paglingon ko ay naka tingin sya sa pictures namin ni Deanna na inipit ko ng magnets a pinto ng ref.

My Silver LiningWhere stories live. Discover now