Gear Up

33.3K 391 4
                                    

JEMA'S POV

Me: "Jema. Jema Galanza. And please drop the "miss" parang ang formal kasi hehe. Salamat nga pala....?"

Nakahiya naman. Na wrong send pala ako. Eto naman kasi si Jia di nagsasabi na nakitext lang pala sya. Kala ko bagong number nya yon.

Andito ako ngayon sa harap ng Chris Sports sa may mall. Napa aga ata ang dating ko. Well mas mabuti na yon. Nakakahiya naman kung kakajoin ko lang sa team at late na agad sa mga usapan.

Tagal naman mag reply nun eh ang awkward ko na tingnan dito. Nakatayo lang sa labas. Buti nalang nakita ko si Jia na naglalakad patungo sa direksyon ko.

"Jema kanina ka pa? Sorry ha ang traffic kasi" bati ni Jia sa akin.

"Hindi okay lang. Kakadating ko lang din" sabi ko sabay yakap sa kanya.

Agad ko namang itinabi yung phone ko sa bag. Ang rude naman kasi kung panay phone ako habang kasama kami.

Tumungo na kami sa loob. Sobrang helpful naman si Jia sa pagtulong sakin para mabili yung best quality ng  shoes, knee pads at kung ano ano pa. Socks nalang yung kulang. Gusto ko kasi yung bagong labas na socks na may rainbow lining sa may ankle part nito. Hindi man ako sobrang open, gusto ko pa rin magpakita ng hint kung sino talaga ako. And you guessed it right, I'm bisexual kaya hinahanap ko yung may rainbow na socks. I'm not ashamed of who I am. I don't give a single fuck what other people say as long as I'm loved and accepted by the people who matter the most; my family and friends. Nalibot na ata namin lahat nang sports stores dito sa mall pero sold out na daw yung socks.

Mag gagabi na nang matapos kami so we decided to grab dinner nalang. After dinner, nilibre naman ako ni Jia ng ice cream para kahit papano ay maibsan yung disappointment ko about sa socks.

"Salamat Jia ha. Pasensya na alam ko napagod ka sa kakahanap natin nung socks" sabi ko.

"Nako wala yun noh. Sayang nga di natin nahanap eh. Anyways ingat ka sa pag uwi ha and glad to have you on our team" sagot naman nito.

"Thank you talaga. I really appreciate your time. See you sa training bukas"

At tinungo na namin ang kanya kanyang sasakyan.

Pagdating ko ng condo, bumungad sa akin ang nakakabinging katahimikan. Ako nalang kasi dito simula nang lumipat si Mafe sa dorm para daw mas maka focus sa traning nila.

I grabbed my phone to open Spotify. A little music ought to fill the silence here para di naman ako masyadong malungkot.

Pag open ko nakita ko yung message ng ka text ko kanina. Sa sobrang busy namin, di ko na pala natanong kay Jia kung kanino sya nakitext.

Unknown Number: "Deanna nga pala. Deanna Wong"

Hhhhmmm bat parang familiar yung name nya. And then I remembered. The block...the stare down... Yes, sya pala yung setter sa Ateneo. Ang angas nya ha but I don't mind. It's all part of the game. Di ko nalang din sya nireplyan kasi nagkita naman na kami ni Jia at wala na din naman akong masasabi sa kanya.

Nag unpack nalang ako ng mga binili ko para malagay na sa gym back at ready na for training bukas.

Still bummed out about the socks though. Ibang socks nalang muna yung nilagay ko. Try ko nalang ulit hanapin bukas sa ibang mall.

My Silver LiningWhere stories live. Discover now