Little Angel

15.4K 357 24
                                    


DEANNA'S POV


Almost 2 years of wedded bliss.


Yung pinapangarap ko dati na magising kasama ang taong mahal ko ay nagkatotoo na nga.


Still, nag-aaway parin naman kami minsan but just like before, we always make sure na magkaayos kami at the end of the day.


Di ko naman hahayaang matulog sya na mabigat ang loob nya.



All our plans are falling into place. But once you achieve your goals, it's basic human nature to always want more.


At eto na nga ang problema ko ngayon. Because me and Jema want more. Gusto naming madagdagan ang pamilya namin.



We've been saving up for the procedure para magka anak kami but we're also processing our adoption papers.


Yun nga lang, ang daming disappointments so far.


So many times we received news that they might have a child that needs a home. And so many times our hearts were broken when they gave the child to another couple.


Minsan nga ayaw ko nang maniwala.


But our lawyer always stayed on the positive side. Ganyan talaga daw kung mag-aapply ka as a single parent. Mas priority daw na ibigay ang bata kung saan magkakaroon sya ng Nanay at Tatay.



I can't blame them. Sino ba naman ako para ipagkait sa bata namapunta sya sa normal na pamilya. It's just that, I'm starting to feel useless.


Di ko na nga mabigyan si Jema ng anak in the natural way, pati ba naman sa adoption nagkakaproblema kami. She has sacrificed so much for me and I feel like I'm failing her. That girl literally saved my life.


Sometimes iniisip ko nalang that Jema would be better off kung lalaki nalang ang pinakasalan nya.



I was still deep in thought nang biglang may tumawag sa akin.


"Boss Deanns, andyan na po si ma'am Ponggay" sabi ng isang server namin.



Lumabas muna ako sa pantry para i-meet si Ponggay.



"Beshyyyy!!! Thanks for meeting me" bati nito.


"Oo naman. Suss lakas ka sakin eh"


Naupo muna kami sa isang table. I had our server bring us cake and coffee.


"Chineck ko na lahat ng ingredients na gagamitin bukas. Our chef will be working overtime to make sure na okay ang lahat" sabi ko sa kanya.


"Aww thank you talaga ha. But I know wala naman akong ikababahala jan. Alam kong masarap magluto si chef nyo"


I noticed that she was shaking her legs.


"Hhhhmm so bat ka andito? Kinakabahan ka noh?" tanong ko sa kanya.



"Honestly besh, oo! Hindi naman sa nagdadalawang isip ako kay Kobe pero it's really a big step in my life"


"I know how you feel. Bukas, when the ceremony is over, your life will never be the same."


"Diba? Napakalaking commitment at natatakot ako na baka hindi namin mapanindigan"



"I've known you both for a very long time. I see the way Kobe looks at you. Alam kong aalagaan nyo ang isa't isa and I know you will protect your marriage at all costs"


My Silver LiningDonde viven las historias. Descúbrelo ahora